Zeus And Hera
"Ahm..hi guys" Umiiwas ba sila saakin?. eh kasi kahapon pa nila ako hindi pinapansin. hayss hindi pa pala ako nakapagpaliwanag.
"Ahm..ano, Nung isang araw?. Nung first day ng school, napagalitan kasi ako ng adviser namin kaya inatasan akong maging tour guide ni Zeus. Yung
lalaking classmate ko, pero okay na...Lilipat na daw siya ng section, may kaibigan pala siya rito." Sabi ko. napalingon naman saakin si Cristine.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag Hera, ganito lang talaga kami ngayon."
"Oo nga, ginagaya kasi namin si Maxpein, kailangan snob tsaka bastos magsalita" napabungisngis ako at natawa.
"Mga sira kayo!"Sigaw ko habang umiiling-iling pa.
♡
ZEUS POV
Nagsinungaling ako. Ako talaga ang nagpalipat ng section. hindi kasi talaga mawala sa isip ko yung banta ni Prinsipe. ang mga dati kong kaibigan. Lumipat ako rito kasi may nawala ako. yung crush ko nung Elementary, dito daw siya nag-aaral. Pero di ko naman inaasahan na makikilala ko si Hera, mabuti siyang tao pero...Kaibigan pala niya sila prinsipe,Gian, Clark at Cenjie. ang mga dati kong kaibigan. Napalugmok ako dito sa armchair ko.
"Layuan mo si Hera!...Kaibigan ko siya at ayaw kong mapalapit ka sakaniya. kung hindi ay ipapapatay ko ang Babae mo. kilala mo ako Zeus" Napabuga ako ng hangin.
Ang babaeng sinasabi ni prinsipe ay ang Crush ko noong Elementary. Nag-angat ako ng tingin at Nagbasa ng libro para sa next subject namin. Sa isang subject naman ay magkaklase kami ni Hera. Pero lalayuan ko siya. Pagpasok ko sa Classroom nila ay nagtama ang tingin namin pero umiwas ako. Kahit na gustong gusto ko siyang maging kaibigan ay baka may makakita saamin at isumbong pa kila Prinsipe.
♡
HERA's POV
Kaklase ko pala siya sa isang subject?.
"Ang gwapo talaga ni Zeus no?"
"Oo nga...hindi ko nga alam kung bakit lumipat pa siya ng section eh"
Habang nakikinig ako sa Prof. hindi ko maiwasang mapalingon sakaniya. May problema kaya siya?. Bakit kunot na kunot ang mga kilay niya?. Ang daldal ko talaga.
"Hera!"
"Y-yes Maam?"Nauutal ako ng tawagin ako bigla ni Ma'am. Patay ano kaya yung sinabi niya?. Aishhhh...
"Solve this" Tumayo ako at sinagutan ang Algebraic Problem. Nasagutan ko ito kaya't binigyan ako ng 5 points ng Prof.
Pagkauwi ay Pagod na pagod ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit na pagod ako ay hindi ako dapuan ng sakit, kahit anong sakit. Kahit nga noong ako'y bata pa, hindi na talaga ako nagkakasakit.
"Andyan ka na pala Hera, linisin mo itong bahay, gagala kami ni Tommy sa Plaza dahil magpipista" September 12 pala ang pista sa aming Baryo.
"A-ate nasaan si ama?"
"Ah. Ayun at nagpapakalasing nanaman. Yun talaga si itay hayyss o sha, alis na ako"
Pagpasok ko sa bahay ay inilapag ko ang bag ko at saka nagsimulang maglinis. Hindi na nag-aaral si ate dahil Ayaw na niya. Mas pinili na niyang magsama sila ni Tommy na magsama sila ni Tommy na kaniyang Nobyo. Pero kahit nasa bahay siya ay puro paganda lamang ang inaatupag. Napailing nalamang ako at nagfocus sa paglilinis. Agosto 9 2018 na pala ngayon.
Pagkatapos kong maglinis ay tsaka ako nagsaing at gumawa ng Assignment. Katamtamang laki lamang ang bahay namin. May second floor pero isa lamang ang kwarto. sa akin iyon. Sila Ama at Ate ay sa baba na dalawang kwarto naman. Habang gumagawa ng assignment ay naramdaman kong parang may tao sa baba. Sumilip ako at nandoon si ama na Nagpapagewang gewang na sa kalasingan.
"Ama...Magpahinga ka na--" Nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas.
"Kasalanan mo!. kung baki namatay ang iyong Ina!" Napaupo si ama pero gumapang pa rin para makatayo. Nangilid ang aking luha sa hapdi ng kung saang mang parte ng katawan ko pero hinayaan ko iyon at Inalalayan siya.
"Tulungan ko na kayo"Sapagkus ay Tinulak niya lamang ako. Kaya napasaldak ako sa Bangkuan. Napalingon ako sa Tagiliran kong
umama sa.. T-tumama sa Pako.
"A-ama...May dugo!" Sigaw ko. Bago ako mawalan ng Malay. Puting liwanag ang aking nakikita.
Pagbukas ko ng aking mga mata ay Nakita ko ang babaeng Nakaputi at may kung anong nilalagay saakin.
"Kamusta na siya nars?"
"Maayos naman po ang kalagayan niya. Na stress lang po or natakot siguro siya kung kaya't Nawalan siya ng malay" Nakita ko pa kung paano ngumiti-ngiti ang nurse kay itay na ganun din ang ginawa.
Naglalandian kaya sila?. *-*.
"A-ama--" natigilan ako ng walang boses ang lumabas sa bibig ko. Aishh ayoko talaga ng nakakakita ng dugo.
"May kailangan pa pala akong gawin Nars...Ikaw na ang bahala sakaniya'" Pinalo pa nito sa Puwitan ang nurse. Ang nurse naman ay parang kiniliti pasa tuwa. Napa-iling ako at nandiri.
"Ohh..Gising ka na pala-"
"May gusto ka ba kay ama?" Deretsong sabi ko. Ngumiti ito ng Pabebe at tumango.
"Yesh!...I like you fatheh" Napabusangot ako. Ang tanda na kaya ni Ama!.
♡
"Nako girl..Sinasabi ko na sayo, umalis ka na sa bahay nyo. Dun ka nalang samin!" Napangiti ako sa pag-aalala ng dalawa kong kaibigan.
"Ano ba kayo. Ayos lang kaya ako. huwag nyo akong alalahanin." Sabi ko.
"Bahala ka nga."
"Bukas daw ay pwede ka nang pumasok sabi ng Doctor."
"Oo. Tsaka Baka mamiss mo ang mga subject, bahala ka!" Nagtawanan kami.
Para namang gusto ako ni seatworks?. Hahahaha.
Kinabukasan ay Maayos kong iniwan ang Aming tahanan bago pumasok. Siguradong Namiss ko ang isang araw na lesson. Sa subject na kaklase ko si zeus ay Nagulat ako sa bungad ng Guro.
"Hera..kaw at si Zeus ay magkapartner sa Thesis"
"Po?"
"ayaw mo?" singit ng isang lalaki sa likod ko. Paglingon ko ay si Zeus pala... Teka...si Zeus?.
"Sige po ma'am kami po ang magkagroup"
"Okay" huling sambit ng guro bago ito umalis.
"Zeus?."
"Ako nga" Bago ako nito lagpasan. Oh well Edi mag acting tayo tsh!.
"Pwede naman iba hindi ba?. bakit ako pa?"
"Di ko alam!.Yun ang sabi ni Prof. Alangan namang tanggihan ko?" Bat ba ang sungit niya ngayon?. Parang walang pinagsamahan ahh.
"Okay" Napatango nalang ako bago siya umalis sa classroom namin.
"Ahh.Nice meeting you again Zeus" Habol ko pa. Kahit masungit siya aish.
<
To be continued...
Comment