Zeus And Hera Chapter 2

1029 Words
Zeus And Hera "Siguro may Crush sayo yun girl" Komento nina Cristine at Sophia sa kwento ko about kay Zeus. Yung Bagong lalake sa paningin ko. "Malayo, walang magkakacrush o gusto sa akin ano ba kayo!?" "Ay, dinodown ang sarili? tsh!" Maya-maya lang ay nagulat kami nang may humampas ng table namin dito sa canteen. Girl#1: Hinahanap ka ni Zeus" Girl#2: Hinahanap ka niya!. pero bakit ka niya hinahanap? Boyfriend mo ba siya?" Gurl#1: Huh!...Palagi naman napupunta sakaniya ang mga Gwapong lalaki dito eh. Remember girls? nung kasama niya si Gian." Gurl#3: Oo nga!...Pagkatapos ni Gian si Prinsipe..at pagkatapos naman ngayon si Zeus." Transferee si Zeus diba? Ang bilis naman niyang sumikat dito. "Ano bang problema niyo kay Hera ha?" Sabat ni Sophia. Girl#1: Ang point namin is....malandi ang kaibigan niyo!" Inawat na namin ni Cristine si Sophia at yung mga babae. Hera..kaw ang magt-tour kay Zeus!!....Oo nga pala!!. "Tumigil na kayo!" sigaw ko. Napatigil naman sila. "Nasaan si Zeus?" tanong ko. Napalingon pa sakin ang dalawa kong kaibigan na hindi ko na pinansin. "Nasa Library siya...Hinahanap ka!" Pagkatapos nilang umalis ay inirapan muna niya ako. May pakialam ba ako, wala naman. "A-ahmm...Cristine, Sophia..Aalis muna ako" Magsasalita na sana si Sophia pero pinigilan ko na "Mamaya ako magpapaliwanag" Pagkabukas ko ng pinto ng library ay nakita ko si Zeus. Napapaligiran ng mga kababaihan habang nagbabasa ng Book. "Gosh! kahit snob siya ay ang gwapo niya pa rin" "Oo nga hihihi" "Can all of you please leave?" hindi galit. Hindi rin mainhin na wika ni Zeus. Problema niya?. Paano nilang nagawa na magbulungan dito sa loob ng Library?. napalingon ako sa librarian at..Tulog!. Hinarap ko si Zeus at kinuha ang kamay niva. Alam ko, nagulat siya. At alam ko ring nagulat at nainggit nanaman ang mga babaeng nandito. Paglabas namin ay dumiretso ako sa tagong lugar at saka hinarap siya. *DugDugDugDug" hayysss eto nananaman yung Puso ko. bakit ba kung tumibok ito eh ang lakas? Aishhh. Nakakairita ka naman heart. "Anong problema mo?" "Ikaw tss" Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "A-ako?" sabay turo sa sarili ko. "Nong umalis ka kanina sa room ay akala ko...Bibili ka lang ng Fcking pagkain, pero matapos ng ilang F*cking minutong hindi ka bumalik nainis na ako!" Again...Hindi galit.Hindi rin mahinhin na wika niya. Syempre joke lang, grabe naman si kuya magalit. May nagawa ba ako???. Eh sa nahihiya akong kausapin siya. Diba?. Dibaa???? "Ang sabi ni Sir Ray ay ikaw ang mag t-tour sakin" pigil na aniya. "Alam ko. Pero hindi ko naman kasi akalain na seseryosohin mo pala iyon. Akala ko rin ay alam mong biro lang iyon. Ang tanda mo na kaya para i tour tsh!" umiwas ako ng tingin. Ano ba itong mga pinagsasabi ko?. Baka magsumbong 'to kay sir. "At nagpadala ka pa talaga ng mga babae huh!" Sambit ko pa. "Babae?.. Tss wala akong babae no!." Naupo siya sa Isang puno at sumandal. sumunod ako at sumandal rin. "Meron kasing tatlong babae na sumugod kanina samin ng kaibigan ko sa canteen. Galit na galit. Keshyo Pinaghihintay kita. Keshyo.." Napahinto ako. "Nilalandi raw kita tsh!". Napangiwi ako. Dapat pa bang sabihin ko iyon?. Haysst. "Bakit, Hindi ba?" Ngumisi pa siya at dinunggol ang braso ko. Napatayo ako at napaiwas. "Hindi ahh! ang kapal mo naman Achuu" napa atsing ako. Luh, ebat parang sinasabi ng mundo, sinungaling ako?. Huwahhh malandi na ba ako?. "H-hahahahahaha" Nabibigla ko pang tinignan si Zeus na nakasandal pa rin sa puno habang nakaturo sakin. "hahahahaha... K-kita mo na hahahahaHahahahaha" "Tsk!..D-dyan ka na nga!" Sigaw ko sakaniya bago ako unalis "Hoy, binibiro lang kita bumalik ka rito!" Feeling Close, kung maka Hoy amp!. Hindi ko siya pinansin at tumuloy nalang ako sa classroom namin. Sabihan daw ba ako ng malandi. I mean oo hindi niya sinabi pero hayss. Nalate pa kaming pareho na dahilan ng pagtsismisan kami sa loob ng isang oras kaya ang Ending "Kung magdadaldalan lang kayo sa schedule ko, bukas ang pinto para sa inyo" Napatahimik tuloy ang mga kaklase ko dahil sa sigaw ni ma'am. "Ehem...Ganito na ba talaga dito?" Kumunot ang noo ko at lumingon kay Zeus. Sa bigla ko ay napalayo ako kaya umusog at tumunog ang upuan. Ang lapit na kasi ng mukha niya sakin. Aishhh!. "S-sorry po ma'am" Pagyuko ko ng lumingon saakin ang naglelecture na guro. Galit na galet, gusto manaket. "Pfft" tinignan ko ng masama ang katabi ko. Napatikhim ito bago ko siya tanungin. "Ano na nga ba ulit yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko. ngumisi ito bago bumulong. Pero ngayon ay malayo na ang mukha niya sakin. Nakaharap na siya sa whiteboard habang nagsasalita at may ibinubulong. whiteboard habang nagsasalita. "Sabi ko. Ganito ba talaga rito, Pinagt-tsismisan ka na?" "E-ehh bakit ba pinapansin mo pa iyon?" wika ko rin habang nakaharap sa whiteboard at ang mga kamay ko ay nagsusulat. "S-sanay ka ba?" bigla itong lumingon saakin, nilingon ko rin siya. "Oo...Sanay na sanay" ♡ 2nd day *KRIIIIIIIIIIIIIING* Inayos ko na ang gamit ko at akmang lalabas ng maisip ko ang tour. lintik na tour na yan. "Oh?...bakit nakatayo ka pa diyan?" Sabi ni Zeus habang nakalingon sakin. "It-tour" Maarte kunwari kong sabi. sabi. "Baka mamaya ay isumbong mo ako kay Sir Ray, maguidance pa ako!" "Haha...ano ka ba!" tumayo ito at humarap sakin. "Hindi mo na ako It-tour" "H-huh? bakit?" "DahiL...lilipat ako sa ibang section..Sa section ng Mga kaibigan ko" ngiti niya. "May mga kaibigan ka?" "Oo" "Ay langya!" sigaw ko sakaniya. Napatawa siya at nagtatanong ang mukha. "May kaibigan ka naman pala dito, ako pa pinatour sayo, tsk!" "haha..So i guess ito na ang huli nating pagkikita...Pwede ba tayong magsimula?" anong ibig niyang sabihin?. "H--huh?" "I mean... Mag act tayo na hindi natin kilala ang isa't-isa" Medyo....Medyo nasaktan ako..Medyo lang naman ano ba kayo!. Dahan-dahan akong napatango. "Hmm...0-00 naman" Pero bakit?. Bawal bang maging magkaibigan tayo?. "Okay" ngumiti siya at umalis. "Bye" Napabuga ako ng hangin. May galit ba yun sakin?. Ayaw ba niya sakin?. May putok ba ako?. Mabaho ba ako?. Mabaho ba ang hininga ko?. Ganon ganon nalang ba iyon?. 'bye?. Okay?. Tapos umalis na?. Ayy jusko, ano ba itong mga pinag-isip ko. Hayysst. < To be continued Comment :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD