“GOSH, you’re so hot. And soft.” Napaungol ako nang ipasok ni Debbie ang kamay n’ya sa blouse ko at tinangkang hawakan ang dibdib ko. Pero bago pa tuluyang sumayad ang palad n’ya ay mabilis ko nang hinawakan ang kamay n’ya para pigilan 'yun.
“Hey, what the…” Anya na tila inis dahil nabitin sa ginagawa n’ya.
Napatingin ako sa kan’ya at natawa ako dahil salubong ang mga kilay n’ya. Actually, mga limang minuto na kaming nagme-make out sa table n’ya dito sa office. Nu’ng una, inosenteng halik lang pero kaagad ‘yung uminit at lumalim hanggang sa hindi ko na lang namalayan na iniupo na n’ya ako sa mesa n’ya at… hay, basta. Hindi ko akalain na gan’to s’ya ka-wild mga marecakes!
“Ano bang ginagawa mo? Mamaya biglang may pumasok tapos mahuli tayo.” Naiinis na nag-aalala kong sabi. Hinihingal pa ako nu’n at habol-hininga dahil sa ‘ming halikan.
“Don’t worry, naka-lock ang pinto ng office ko para sa ikapapanatag ng loob mo.” Pilya n'yang sabi tapos siniil n’ya ulit ako ng malalim na halik.
Wala na akong nagawa kundi magpatangay saking damdamin at kusa ko na lang ipinulupot sa leeg n’ya ang mga braso ko. Naramdaman kong muling naglakbay sa tagiliran ko ang kan’yang kamay at pagkatapos ay muli n’ya iyong pinaglandas papasok sa blouse ko. Hindi ko na s’ya pinigilan sa kung ano man ang plano n'yang gawin sa ‘kin dahil init na init na ang katawan ko at parang sasabog na ang puso ko sa labis na kaligayahan!
“Alam mo ba na…” Naramdaman kong dumampi ang labi n’ya sa kanang tenga ko sabay dila dun.
Shit.
“…matagal kong tiniis na hindi ka hablutin pag nakikita kita dito sa opisina ko at iupo sa mesa ko para...” Gumapang ang mga halik n’ya sa leeg ko at napaungol ako nang tuluyan n'yang hawakan ang kaliwang dibdib ko. Inulit-ulit n’ya ‘yun hanggang sa hindi na s’ya nakatiis at pinasok na n'ya ang kan’yang kamay sa ‘king bra at nilaro-laro ang n****e ko.
Holy macaroni!
“…para gawin ang bagay na ‘to? Nagustuhan mo ba, Eli? Anong pakiramdam?” Seryoso ba s’ya sa tanong n’ya kasi, shet, pa’no ko ba sasabihing masarap?!
“Deb… Ugh, Ms. Cervantes…”
“Alvarez. Hindi na ako Cervantes.”
“Debbie Alvarez.”
“Hmmm?” Anya habang sinisipsip ang leeg ko na para bang bampirang uhaw na uhaw sa dugo. Alam ko ang binabalak n’ya. Plano n'yang mag-iiwan ng marka sa leeg ko! Muli akong napadaing nang kagatin n’ya ang balat ko sa bandang collarbone tapos dinilaan ‘yun. Grabe, hindi ko akalain na gan’to s’ya kasabik sa ‘kin!
Nang halikan n’ya ako sa kotse noon, sinabi n'ya sa akin na gusto n’ya ako. Sinabi rin n’yang mahal n’ya ako. Noong una, hindi ako naka-imik at nag-alala pa dahil may asawa s’yang tao. Pero matapos n’yang sabihin na na-finalize na ang divorce nila at malaya na s’ya, may bahagi sa puso ko na gustong sumigaw sa labis na kaligayahan!
Oo, hindi ko pa naitatanong sa kan’ya ang dahilan kung bakit nauwi ang relasyon nilang mag-asawa sa hiwalayan dahil muli akong hinalikan ni Debbie nang mga panahon na yun. Wala akong nagawa kasi parang ayaw ko nang matapos ang sandaling 'yun. Bago kami naghiwalay, sinabi n’ya sa akin na pumasok ako ng maaga para, well, mag-make out sa opisina n’ya.
Ni sa hinagap, hindi ko naisip na mangyayari ang bagay na ‘to sa ‘ming dalawa. Dati, ako lang ang nagmamahal sa kan’ya. Ngayon, mahal na namin ang isa’t isa!
Nasa ganu’n akong pag-iisip nang maputol ang sensayong nararamdaman ko dahil sa ginagawa sa akin ni Debbie nang biglang mag-ring ang cellphone n’ya! Pareho pa kaming napasigaw sa gulat at nagkatawanan na lang pagkatapos. Nang magkatinginan kami, ningitian n’ya ako at mabilis na hinalikan sa labi at leeg. Napapikit pa ako ng mga mata dahil sa kiliti. Tapos inayos n’ya ang damit ko bago tinapik ang hita ko pababa ng mesa.
“Si Mama. Sagutin ko lang kasi baka magalit.” Anya. Tumango naman ako at naglakad papunta sa table ko.
Hinayaan ko silang mag-usap na mag-ina habang lumilipad sa ibang dimensyon ang utak ko. Nang maupo ako, hinawakan ko ang aking labi habang nakatulala sa monitor ng computer ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Debbie. At hindi lang ‘yun inosenteng halik dahil ramdam na ramdam ko ang pagnanasa n’ya at panggigigil sa akin!
***
“DEBBIE, hindi mo na kailangan gawin ‘to. Nilibre mo na nga ako ng lunch tapos gusto mo pa akong ipag-shopping ng mga damit?” Naiilang kong sabi matapos namin magpunta rito sa mall at kung ano-anong magaganda at mamahaling damit ang pinapasukat sa ‘kin ni Debbie. Mamili raw ako at bibilhin n’ya kahit ilan!
“Gusto lang naman kitang i-treat.” Sabi n’ya na mukhang ‘di naman bothered. In fact, seryoso s’ya sa paghahanap ng damit na babagay sa ‘kin.
“Bakit ganu’n? Parang lahat maganda sa ‘yo. Bilhin ko nalang kaya itong buong store?” Nakita kong ngumisi s’ya ng napaka-pilya kaya hinampas ko s’ya sa braso.
“Ano ka, sugar mommy ko?” Tanong ko. Napaisip s'ya tapos bigla n’yang inilapit ang labi n’ya sa tenga ko at bumulong.
“Wala namang kaso sa ‘kin ‘yun, Baby girl.” Anya sabay halik sa tenga ko. Aaminin kong pinanindigan ako ng balahibo matapos n’yang gawin ‘yun samantalang s’ya parang wala lang. Tuloy lang sa pagpili ng damit at kung ano-anong gusto n’yang bilhin sa ‘kin!
“Debbie, hindi naman ako humihingi sa ‘yo ng mga materyal na bagay na ‘yan kaya…” Alam kong ramdam n’ya ang pag-aalinlangan sa tono ng boses ko kaya nilingon n’ya ako at tiningnan ng seryoso. Napabuntong-hininga naman ako saka ibinaba sa sahig ang paningin. Ayokong isipin n’ya na materialistic akong babae. Ayokong masanay na binibilhan n’ya ng mga mamahaling damit at gamit dahil hindi ako ganu’n.
“I’m sorry, Eli, kung nabigla kita.” Punong-puno ng sincerity ang tono ng boses n’ya kaya napatingin ako sa kan’ya. Kita ko na lumambot ang ekspresyon ng mga mata n’ya.
“Alam kong masyadong mabilis ang mga nangyayari pero maniwala ka nang sabihin kong mahal kita at gusto kita. Ewan ko pero ngayon ko lang din naramdaman ‘yung gan’tong klase ng pakiramdam kung sa’n para akong lumilipad sa ulap! At ikaw lang ang nagparamdam sa ‘kin ng bagay na ‘yun kaya walang duda na tinamaan talaga ako sa ‘yo ng husto. Bukod pa s’yempre sa mga katangian mo na una ko nang nagustuhan noon. Kaya sana alisin mo na ‘yung alinlangan o takot d’yan sa puso mo. Ang totoo, nag-booked ako ng hotel dahil gusto kong magbakasyon tayo. Natatandaan mo ba ‘yung beach na pinuntahan ko noon? Sabi ko sa sarili ko, babalik ako doon at gusto ko kasama ka.”
“Pero baka hindi ako payagan ni Lola.” Wala sa wisyo kong sabi. Natawa naman si Debbie saka pilyang ngumiti.
“Akong bahala. Ipagpapaalam kita. Saka malakas ang pakiramdam ko na papayag ang lola mo basta ako ang kasama mo.” Sabi n’ya na para bang siguradong-sigurado s'ya! Grabe, kung alam lang n’ya ang pambubugaw sa ‘kin ni Lola sa kan’ya baka lalong lumaki ang ulo nitong babae na ‘to!
“Alam ko marami kang tanong. Wag kang mag-alala dahil malalaman mo rin ang mga sagot sa tanong mo. Sa ngayon, gusto kong magtiwala ka sa ‘kin. Akong bahala sa 'yo. Maaasahan ko ba yun?” Isa sa mga nagustuhan ko sa personalidad ni Debbie ay ‘yung paninindigan n’ya sa mga bagay na gusto n’ya.
Kapag gusto n’ya ang isang bagay, pinu-pursue n’ya. Kapag gusto n’ya ang isang bagay, hindi n’ya ito tinitigilan hangga’t hindi napapasa-kanya. Pero hindi s’ya ‘yung klase ng babae na marumi maglaro. Na handang mandaya makamit lang ang gusto n’ya. Mabait s’ya. Malambing. Mapagmahal. May sa pusong mamon. Ewan ko pero napakagaan ng loob ko pag kasama s’ya.
Siguro gan’to talaga kapag mahal mo ang isang tao. Marami kang nadi-diskubre sa kan’ya na bagaman kakaiba sa umpisa, matututuhan mo ring tanggapin sa dulo. Oo, hindi s’ya perpekto. Sino ba naman ang perpekto? Pero handa akong buksan ang puso ko at papasukin s’ya upang maging bahagi ng buhay ko.
“Oo. Nagtitiwala ako sa ‘yo, Debbie.” Sagot ko. Nakita ko s’yang ngumiti sa ‘kin ng sobrang tamis dahilan para halos sumabog sa labis na kaligayahan ang puso ko.