Chapter 12

1630 Words
"DEBBIE ang pangalan mo, 'di ba?" Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango si Debbie matapos tanungin ni Lola. "Eh, kung gano'n, kaya mo bang paligayahin ang apo ko?" Walang habas n'yang tanong dahilan para manlaki ang mga mata ko at mapanganga! "Lola, abnoy po ba kayo? Bakit n'yo tinatanong ng gan'yan si Debbie?!" Taranta kong wika. Nang mapatingin ako kay Debbie ay nakita kong nakangiti s'ya at mukhang pinipigilang tumawa ng malakas. "Ni-lola mo pa ako kung tatawagin mo lang din akong abnoy." Hindi bilib na singhal sa 'kin ng lola ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero inirapan n'ya lang ako. Napukaw lang kami pareho nang umubo si Debbie. Kapwa kami napalingon ni Lola sa kan'ya. "Kung "ligaya" lang po pala, yakang-yaka, Lola." Anya tapos nag-high five sila ni Lola! Ako naman biglang pinamulahan ng pisngi at parang gusto ko na lang kainin ng lupa sa labis na kahihiyan! Two days ago, sinabi sa 'kin ni Debbie na gusto n'yang magbakasyon kami at pumunta du'n sa beach na pinuntahan n'ya last time. Pero nag-alangan ako dahil baka hindi ako payagan ni Lola. Over protective kasi s'ya sa 'kin tapos first time din yata na aalis ako at malayo pa ang pupuntahan kaya sinabi ko kay Debbie na hesitant ako. Pero s'ya ang nagkusa na ipagpaalam ako at ngayon nga 'yun matapos ko s'yang isama sa bahay namin. Actually, nahihiya pa nga akong iuwi s'ya sa 'min dahil maliit, simple at hindi enggrande ang tinutuluyan naming mag-lola. Pero ni katiting, hindi ko kinakitaan ng arte sa katawan ang boss ko. Syempre, para s'yang artista na pinagtinginan ng mga kapit-bahay namin pagdating n'ya sa aming Barangay. May hinala na ako na bukas din, pinagtsi-tsismisan na kami ng mga "marites" sa lugar namin. "Kung gano'n, sige. Pumapayag ako na sumama si Eli sa 'yo basta ibabalik mo ng buo, walang galos o gasgas ang apo ko, Debbie." Sabi ni Lola tapos tumingin s'ya sa 'kin. "At ikaw, Eli, wag kang aanga-anga du'n sa lugar na pupuntahan n'yo." "Lola, kailangan mo po ba talagang sabihin 'yan? Nakakahiya sa boss ko. Saka malaki na po ako." Napapakamot-ulo kong sabi kay Lola pero natawa lang s'ya. Natawa rin si Debbie. "Ang akin lang, ayokong may mangyaring masama sa 'yo sa sana'y masayang bakasyon n'yo nitong amo mo." Dugtong n'ya. "Wag po kayong mag-alala, Lola. Iingatan, aalagaan at babantayan ko po ang apo n'yo. Ibabalik ko po s'ya rito sa bahay n'yo ng ligtas, walang galos at walang gasgas." Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabing 'yun ni Debbie. Kaloka, parang declaration of love ang peg! "Okay na sana pero may nakalimutan ka pa na pinaka-importante." Pareho kaming napatitig ni Debbie kay Lola dahil sa sinabi n'ya. "Ano po 'yun, Lola?" "Nakalimutan mong sabihin 'yung "paliligayahin" mo s'ya." Pagkasabi ni Lola nu'n narinig kong tumawa ng malakas si Debbie. Napasapo na lang ako ng noo at biglang nahiya na nagkaroon ako ng lola na kasing pasaway ng lola ko! *** "ELI, thank you, ha? Kasi pumayag kang sumama sa 'kin sa bakasyon na 'to. Hindi mo alam kung ga'no ko hinintay na dumating ang araw na ito. Yung tayong dalawa lang. Nag-re-relax. Iba pa rin kasi 'yung ganito kesa kapag nasa opisina tayo." Nakangiting sabi sa 'kin ni Debbie. Hinaplos n'ya ang pisngi ko at pinisil-pisil 'yun dahilan para sumimangot ako. Ginagawa na naman n'ya akong bata! Nandito na kami sa beach resort na gusto n'yang pagdalhan sa 'kin. Matatawa ba kayo kung sasabihin kong ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako sa beach? Matagal ko na talagang pangarap 'yun kahit noong bata pa ako pero hindi naman nagkakatotoo dahil nga naging busy na ako sa pagtatrabaho. Kapag maaga kayong namulat sa realidad, makakalimutan n'yo ang inyong kabataan. Kaya nga thankful ako kay Debbie dahil sinama n'ya ako sa mala-paraisong lugar na 'to. Lahat perpekto. Kahit pag-lubog ng araw, mukhang mamahalin! Gabi na nang dumating kami ni Debbie sa beach resort na ito at nagkasundo kami na kinabukasan na mag-e-explore sa buong lugar. Excited nga s'ya dahil gusto n'ya ako kaagad ipasyal pero dahil pareho kaming pagod sa flight namin, sa kama na lang muna kami mag-ba-bonding. I mean, bonding na tulog, ganu'n. Sa totoo lang, marami pa akong hindi naiintindihan sa mga nangyayari lalo na tungkol sa 'min. Kung kami na ba bilang "girlfriends" dahil wala naman s'yang nababanggit o sinasabi. Aaminin ko, may parte sa puso ko na hindi sigurado sa estado ko sa buhay n'ya. Pero wala namang sandali simula nang sinabi n'ya sa 'kin na mahal n'ya ako na pinaramdam n’yang echepuera ako. Sa katunayan, na-diskubre ko ang ibang pagkatao ng amo ko, ibang-iba sa una kong pagkakilala sa kan'ya. Napansin ko rin na mas naging totoo ang tawa at ngiti n'ya kumpara noon. Para rin s'yang bumalik sa pagkabata kung kiligin kahit na sa pinaka-simple naming palitan ng texts at chat. Hindi s'ya demanding, pero may pagka-selosa. Lagi n'yang gusto na sa kan'ya lang ang atensyon ko kapag kinakausap n'ya ako. Mahal ko si Debbie at mahal din n'ya ako. Pero hindi ko alam kung hanggang saan mananatili 'yung pagmamahal na 'yun sakaling dumating ang araw na hindi palaging mabuti ang nangyayari. Ewan ko ba. Ayoko namang katakutan ang hinaharap pero sobra akong mag-overthink. Sabi ng nanay ko noong nabubuhay s'ya, wag maging masyadong masaya kasi matinding kalungkutan daw ang kasunod nu’n. "Eli, tulala ka na naman." Napakurap ako ng mga mata matapos kong marinig ang sinabi ni Debbie. "Ah, sorry kasi may bigla lang pumasok sa isip ko." Sagot ko. Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mga mata n'ya na tila ba nangangahulugang naiintindihan n'ya ako. "Natatakot ka ba? Nag-aalinlangan?" "Hindi ko lang mapigilan. Wag ka sanang mao-offend." Pagsasabi ko ng totoo. "Wag kang mag-alala, naiintindihan kita." Anya tapos masuyong hinawakan ang kamay ko. Pinisil-pisil n'ya 'yun kaya napanatag naman ang kalooban ko. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa kama pagkatapos naming ayusin ang damit at gamit namin at tumawag ng room service para magpadala ng hapunan. Kumakalam na kasi ang sikmura namin at paulit-ulit na binibida ni Debbie na masarap daw ang pagkain sa hotel na 'to. "Ikukuwento mo na ba kung anong nangyari sa inyo ni Sir Vincent? Buong akala ko, okay ang relasyon n'yo." "Yun din ang akala ko hanggang sa nagsimula na s'yang mamisikal." Malungkot na saad ni Debbie. "Mamisikal? Ibig sabihin, sinasaktan ka ni Sir Vincent?" "Ganu'n na nga. Sa 'kin n'ya madalas ibaling ang frustrations n'ya sa ibang bagay, negosyo man o personal nyang buhay Nakalimutan na n'yang asawa n'ya ako. Bago 'yun may natuklasan ako sa kan'ya na hinding-hindi ko kayang sikmurahin. Para sa 'kin, hindi na n'ya ako nirespeto pati na rin ang kasal namin. Pero sa kabila ng lahat, inunawa ko pa rin s'ya. Pinakisamahan dahil sabi ng mga magulang ko, 'yun daw ang gawain ng mabuting asawa." "Ibig mong sabihin may affair s'ya sa ibang babae?" "Oo. Akala nya siguro hindi ko matutuklasan pero mali sya." "Gaano mo naman katagal tiniis na makisama sa kan'ya?" "Ilang taon din. Kasi nga mahal ko s'ya. Pinilit kong makipag-kompitensya sa babae n'ya para ako pa rin ang piliin ni Vincent. Pero sa huli, wala pa ring nangyari. Hindi ako eskandalosang babae, Eli, alam mo 'yan. Kaya nga kinausap ko s'ya nang masinsinan tungkol sa bagay na 'yun pero imbes magpakumbaba, nagmalaki pa s'ya.” “Tapos du'n na n'ya ako sinimulang saktan. Hinding-hindi ko na kayang palagpasin ang bagay na 'yun. Marami akong na-realize sa buhay. At isa na du'n ang unahin ang sarili kong kapakanan at irespeto ang p********e ko. Kaya sinabi ko sa kan'ya na maghiwalay na kami. Hindi na rin ako tumira na kasama s'ya sa iisang bubong. Pero habang hindi pa finalize ang divorce namin, kailangan pa rin naming magkunwaring mag-asawa sa paningin ng ibang tao. Ang hirap kasing ipaliwanag isa-isa sa kanila na minsan hindi lahat ng kuwento nang pag-ibig na nagsimula sa maganda, nagtatapos din ng maganda." Napalunok-laway ako matapos ikuwento sa 'kin ni Debbie ang malungkot n'yang karanasan sa pag-ibig. Kahit wala pa akong experience magmahal ng todo sa tanag-buhay ko, alam kong mali at masakit ang ginawa sa kan'ya ng dati n'yang asawa. Kaya nga nang time na 'yun, hindi na ako nagdalawang-isip na yakapin s'ya. Narinig ko naman natawa s'ya at niyakap din ako ng mahigpit. "Huhulaan ko, hindi mo akalain na gan'to pala ako ka-martyr sa pag-ibig dati, 'no?" Biro n'ya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kan'ya at natawa. "Lahat tayo dumaraan sa pagiging martyr. Pero nasa atin kung gugustihin nating habang-buhay magpaka-martyr." Sabi ko dahilan para tumawa s'ya ng malakas. Lalo lang akong namangha sa kagandahan n'ya. Sabagay, kelan ba sya pumangit sa paningin ko? "Alam mo, mas maganda ka kapag nakangiti ka." "Sayo lang naman ako gan'to." Sabi n'ya sa 'kin. "Simula nang dumating ka sa buhay ko, marami akong bagay na naalala. Ganu'n din 'yung mga pakiramdam na nakalimutan ko na simula nang magbago ang relasyon namin ni Vincent." "Eli, wag mo sanang isipin na malungkot ako kaya ako nagkagusto sa 'yo. Dahil hindi 'yun totoo. Nalagpasan ko na ang bahagi ng buhay ko na 'yun bago pa kita nakilala. Kaya nga sabi ko sa sarili ko, buong-buo kitang mamahalin dahil deserve mo 'yun." Anya sabay ngiti. Tapos hindi ko nalang namalayan na hinigit na nya ako palapit sa kanya at naramdaman ko nalang na siniil nya ako ng halik. Ramdam ko na sinsero s'ya habang sinasabi n'ya ang mga bagay na 'yun. Kaya naman hindi ko mapigilang mapaluha dahil buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman 'yung ganitong klase ng kapanatagan at kasiyahan kasama ang isang tao. Nang maghiwalay ang aming mga labi, masuyo nya akong pinagmasdan na para bang punong-puno sya ng pag-ibig. "Pumapayag ka ba na maging girlfriend ko, Eli?" "Oo. Pumapayag ako, Debbie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD