HUMAHANGOS akong huminto sa tapat ng kuwarto kung saan malayo pa lang ay nakikita ko nang palakad-lakad si Kina. Niyakap n'ya ako agad nang makita n'ya ako tapos ay tinanong ko kung kumusta si Lola at ano ang nangyari. Sinabi ni Kina na nadatnan daw n'ya ang lola ko na walang malay sa bahay namin nu'ng nagpunta s'ya. Du'n na s'ya tumawag ng mga kapitbahay para tulungan s'yang isugod sa ospital ang lola ko. Mangiyak-ngiyak ako habang idini-detalye ni Kina na unresponsive si Lola kahit hanggang makarating sa ospital. Kulang-kulang kalahating oras din ang lumipas bago lumabas ang doktor sa silid na kinaroroonan ng lola ko para sabihin sa 'kin ang nangyari. Ayon sa doktor, over fatigue raw ang dahilan kung bakit hinimatay si Lola pero nagsasagawa pa sila ng mga medical tests para malaman kung

