"KUMUSTA na ang lola mo, Eli?" Tanong ni Maggie isang umaga habang busy ako sa pagtipa sa kompyuter ko. Hindi ko naramdaman na nakabalik na s'ya sa office n'ya after ng morning meeting n'ya sa labas. Oo nga pala, nag-leave ako sa work nu'ng isang araw kasi kailangan kong bantayan si Lola sa ospital. Under observation pa rin kasi s'ya. And nag-notice rin ako sa boss ko tungkol du'n kaya alam n'ya ang nangyayari. "Mabuti na po sa ngayon. Sa makalawa na s'ya lalabas sa ospital kaso iniisip ko 'yung bill namin. Sabi ni Debbie, tutulungan n'ya ako pero nahihiya po akong tanggapin kahit na s'ya naman ang nag-alok." Pag-amin ko. Isinandal ko ang likod ko sa silyang kinauupuan ko't pinanatag ang tensyonado kong balikat. Nakita ko namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Maggie saka tumango. Nap

