Kabanata 7 "MASARAP ka pa lang magluto, Skyeisha," wika ni Cloud kay habang sapu-sapo ang tiyan nito. Halata naman na nagustuhan nito ang niluto niyang adobo dahil halos simutin na nito ang kalderong pinaglutuan niya. Kung nilagyan niya siguro ng Racumin ang pagkain nito... pero mabuti siyang mamamayan ng bansang Pilipinas kaya pagtitiisan na lang niya si Cloud. "Alam ko. Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan," pagyayabang ni Skye habang nililigpit ang mga pinaglutuan. Inilagay na niya iyon sa lababo kasama ang pinagkainan nila ni Cloud. Yup. Nila. Nang kumakain na kasi si Cloud ay bigla na lang siya nitong inaya na sumabay dito. Hindi naman siya nakatanggi dahil utos daw iyon ng amo sa alipin. Isa pa, gutom din kasi siya. Mata-touch na sana siya dahil parang bumait ito pero nagbago

