Kabanata 8 "HAY! BUHAY nga naman. Pagkatapos na pagkatapos ng klase, diretso kaagad sa Lion's Den. Imbes na nasa biyahe na sana ako pauwi para makapagpahinga, nakikisabay pa ang isang 'to," mahinang pagkausap ni Skye sa sarili habang nilalakad ang daan papunta sa condo ni Cloud. Hindi naman siya nagtitipid, nanghihinayang lang siya sa pamasahe na gagastusin niya kapag sumakay pa siya. Likas na kuripot si Skye kaya nanghihinayang siyang gumasta gayong puwede naman niyang lakarin na lang papunta sa condo ni Cloud. Exercise na rin 'to. Saka hindi naman kasi siya mayaman. Kumbaga, sakto lang, gano'n. Pero kung ikukumpara siguro kay Cloud na pa-condo-condo pa, walang-wala siguro siya. "Ang dami ko pang gagawin. Sana makauwi ako nang maaga," muling bulong niya sa sarili. Nako, dahil kay Clou

