Kabanata 9 "THANKS for keeping up with me, Cloud," ani Skye sa kasamang si Cloud habang nag-uunat. Kasalukuyan pa rin siyang nasa condo nito dahil tinapos pa niya ang draft niya. Hindi kasi siya nito pinayagan na umuwi hangga't hindi pa niya iyon natatapos. Mas maganda raw na dito pa lamang ay matapos na niya iyon para raw pagkauwi niya ay diretso tulog na siya kaagad. Which she found so... sweet. Ang nakakatuwa pa, tinulungan siya nito sa draft niya! Nagulat pa nga siya sa nalaman na may alam din pala ito kahit papaano sa ginagawa niya. And at the span of that short period of time, it was as if she had seen a different side of Cloud—the sweet, caring and funny Cloud. Ngayon nga, habang nakatitig siya sa lalaki, naisip niyang parang hindi pala talaga ito masama kagaya nang iniisip niya

