Kabanata 2
"ALAM mo 'yon, Gail? Nakakasar talaga 'yong lalaking 'yon! I so hate that man! Napakayabang! And I know that he's a heartbreaker, playboy, saka paasa," ani ni Skye sa kaibigan niyang si Gail.
Bukod kay Gail ay may isa pa siyang kaibigan, si Airin. Naging kaklase niya ang dalawang nabanggit noong unang taon nila sa kursong Accountancy. Pero noong nasa ikalawang taon na siya, doon niya napagtanto na ang puso pala niya ay nasa arts. Kaya walang pag-aatubiling nag-shift siya ng kurso at kumuha ng Fine Arts. Pero kahit na nagpalit siya ng kurso, patuloy pa rin ang pagkakaibigan nilang tatlo.
Ngayon ay nasa ikaapat na taon na siya sa kurso niya. Masasabi ni Skye na naging tama ang desisyon niyang mag-shift. Mahirap noong una dahil naghabol siya ng units pero tama pala ang sabi ng ilan, kapag nandoon ang puso mo, hindi mo masyadong maiisip ang hirap.
Masaya kasi siya sa ginagawa at mga pinag-aaralan niya hindi kagaya noong nasa Accountancy siya. Oo, naging masaya rin naman siya sa unang kurso pero dahil iyon sa mga kaibigan. Pero ngayon, masasabi niyang ito na talaga ang calling niya. Nandito ang puso niya. Ito na talaga 'yon.
Nagkaroon man siya ng mga bagong kaklase at kaibigan sa bago niyang kurso at section, hindi pa rin mababago 'yong katotohanan na sina Gail at Airin ang una niyang nakilala, naka-bonding, at naging mga tunay na kaibigan. Kaya nga mahal na mahal niya ang dalawa niyang kaibigang iyon. Basta kaibigan, makikipagpatayan si Skye kahit kanino.
"Sino na naman, Skye?" ang tanong na iyon ni Gail ang pumukaw sa pag-iisip niya.
Vacant time nilang dalawa sa mga oras na iyon. Katatapos lang nilang kumain sa cafeteria at nandito sila sa comfort room para mag-ayos. Hindi nila kasama si Airin dahil kasama nito ang kulugo nitong boyfriend na si Alessandro—ang lalaking kinahuhumalingan nang bongga ni Airin. Labis ngang nagtataka si Skye sa kaibigan niyang iyon. Bihira na niyang makasama at makausap si Airin dahil palagiang si Les ang kasama nito. At aaminin niyang bahagya siyang naba-bother sa relasyon ni Airin at Les.
Paano ba naman ay kaka-break lang ni Les sa latest ex-girlfriend nito last week tapos malalaman na lang nila na mag-on na kaagad si Les at Airin. Hindi siya tanga para hindi isiping may kababalaghang nangyayari sa pagitan ni Les at Airin. Pero hindi naman niya magawang pakialamanan si Airin dahil nakikita rin naman niyang masaya ito ngayon lalo na kapag kasama nito si Les. Ayaw niyang hadlangan ang kasiyahan nitong iyon.
Kaya nga hindi na lang niya pinapansin ang kakaibang kutob na nararamdaman niya. As long as Airin was happy, Skye would be happy for her.
"Sino pa ba kundi ang napakayabang at napaka-playboy na si Cloud Valeroso ng tennis club," sagot ni Skye sa tanong ni Gail.
Ang Cloud Valeroso na tinutukoy niya ay ang member ng tennis club na tinarayan niya noong isang araw. Okay, fine, walang ginagawang masama sa kanya si Cloud. In fact, ang bait pa nga ng approach nito sa kanya. Tinulungan pa siya nang matapilok siya. Pero mainit talaga ang dugo niya sa lalaking iyon. And she has a valid reason why she didn't like that man.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Gail kasabay nang bahagya nitong pag-iling. "How many times do I have to say this, Skye. Hindi playboy si Cloud."
"Paano mo naman nasabi, aber? BFF kayo?"
"Gaga. Kitang-kita naman, 'di ba? 'Ni wala pa ngang nababalita na nagka-girlfriend 'yong tao."
"That's the point! Wala siyang girlfriend dahil puro fling and flirt ang ginagawa niya. Pagkatapos paasahin, bigla na lang iiwan at maghahanap ng ibang ipi-flirt. Have you forgotten what he had done to our friend, Yenna? He broke her heart by telling lies!"
Muli ay naramdaman ni Skye ang pagkulo ng kanyang dugo nang maalala ang umiiyak na mukha ng kaibigan nilang si Yenna. Hindi sila gano'n ka-close ni Yenna pero isang kaibigan na rin naman ang turing niya sa babae. And she was almost livid when she heard how that Cloud made Yenna cried river of tears. Pinaasa at sinaktan lang naman ni Cloud si Yenna. Pagkatapos mahulog, bigla na lang iniwan sa ere basta-basta.
'Ni hindi man lang binigyan ng parachute para nag-safety landing man lang 'yong babae!
"Naniwala ka kay Yenna? Alam mo naman sa umpisa pa lang na nag-i-ilusyon na 'yon kay Cloud. That girl is insane, Skye. Sa pagkakaalam ko'y nasa mental institution na si Yenna ngayon. Hindi ko inakala na hanggang ngayon ay naniniwala ka pa rin sa mga kasinungalingang sinabi niya," sabi ni Gail sa kanya.
"At paano mo naman nasabi na si Yenna ang nagsisinungaling?" tanong ni Skye sa kaibigan habang inaayos ang pagkakatali niya sa kanyang buhok. Pilit niyang inaalala kung kailan niya huling nakita si Yenna. Sa pagkakatanda kasi niya ay nag-drop ito at nag-transfer sa ibang university.
"Narinig kong sinasabi niya sa mga kaibigan niyang kagaya niya, eh, mga luka-luka at obsessed din sa lalaki. Nasabi niyang kahit ano'ng gawin niya, hindi niya maakit-akit si Cloud. Good for him."
Umismid si Skye. "Whatever. Basta, asar pa rin ako sa Cloud Valeroso na 'yon. Yabang. Akala mo ikinaguwapo niya 'yon."
"Baka naman type mo lang si Cloud kaya ganyan na lang katindi ang reaksyon mo sa kanya?" ani Gail habang may mapang-asar na ngisi sa mga labi.
"Yuck! Hindi ko siya type, 'no! Ang gusto ko ay 'yong kagaya ni Charlie Del Pierro. Bad boy ang image pero sweet. Cool, 'no?" animo nangangarap na wika niya habang ang nasa isip ay si Charlie.
Ang Charlie na tinutukoy niya ay si Charlinton Del Pierro, ang bad boy ng SVU. Crush na crush niya ang lalaking iyon dahil sa kaangasang taglay nito. At syempre pa, dahil sobrang guwapo rin nito. Sino bang babae ang hindi magkakagusto kay Charlie? Mga bulag lang siguro. O 'yong may iba ng crush. Kahit na ba mukhang basagulero si Charlie, nakikita naman niya ang sweetness nito base sa pakikitungo nito sa mga ex-girlfriend nito.
"Haynako, Skye! Kung nandito lang si Airin, paniguradong ilang batok na ang inabot mo galing d'on. Alam mo namang allergic 'yong babaeng 'yon kay Charlie," ani Gail.
Tama naman ito. Kapag kasi nababanggit niya kahit pangalan lang ni Charlie ay nagpupuputok na ang butse ni Airin. Mortal nemesis kasi ng Les ni Airin si Charlie niya kaya gano'n kaimbyerna si Airin kay Charlie.
"Okay lang 'yan, Gail. Wala naman si Airin. I'm free!" parang batang sigaw niya at itinaas pa ang magkabilang-kamay.
"Ewan ko talaga sa 'yo. Tapos na 'kong mag-ayos. Doon muna ako sa may pinto, ayoko kasi ng amoy dito. Sunod ka na lang, okay?" wika ni Gail at lumabas na nang comfort room.
Binuksan na ni Skye ang gripo at binasa ang mukha gamit ang tissue para mapreskuhan siya kahit papaano. Sobrang init kasi ng klima ngayon kaya naman nanlalagkit na siyang talaga.
May narinig siyang kaluskos mula sa labas at alam niyang si Gail iyon.
"Oy, Gail, hindi ka ba nagtataka kay Airin ngayon?" sigaw niya habang kinukuha ang face powder na nasa bag. May narinig siyang tugon mula sa labas pero hindi niya masyadong naintindihan dahil sa tubig na lumalagaslas sa may gripo. Pinatay na muna niya ang gripo at nagsimulang maglagay ng powder sa mukha. "Parang may kababalaghang nangyayari kay Airin at Les. Alam naman natin na gusto talaga ni Airin si Les, pero si Les? Nah. I don't think so. Baka ginagamit lang siya ni Les. Baka alam ni Les na may gusto si Airin sa kanya kaya bina-blackmail niya si Airin. At alam mo naman 'yang si Airin, basta may makita siyang paraan para mapalapit kay Les, go agad. Though I couldn't blame her. Kung ako man, eh, lapitan bigla ni Charlie, baka puro 'oo' na lang ang sabihin ko," mahabang litanya niya.
Wala namang ibang tao dito sa comfort room kaya okay lang na pag-usapan nila ang tungkol sa lihim na feelings ni Airin para kay Les. Kung may tao man sa labas, eh, di sana kanina pa siya pinigilan ni Gail sa pagsasalita.
Labis ang pagtataka ni Skye nang walang marinig na tugon mula kay Gail. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon at sinipat nang maigi ang sarili sa salamin.
"Pero infairness naman kasi kay Les, napapasaya niya si Airin. Pero parang may kakaiba talaga, eh. Hindi ko lang makita kung ano," muling sabi niya habang inililigpit na ang mga gamit. "Pero kahit naman diskumpyado ako sa dalawang 'yon, gagawin ko talaga ang lahat para lang magtagal kung anuman ang mayroon sa pagitan nila ngayon. I want our dear friend to be happy so—" Napatigil si Skye sa pagsasalita nang makalabas siya sa comfort room.
Halos mawalan ng kulay ang kanyang mukha nang masipat ang taong nakatayo sa may tapat mismo ng pinto ng men's comfort room. Nakahalukipkip ang pigura at ngising-ngisi habang nakatingin sa kanya. Ito'y walang iba kundi ang lalaking tila tinik sa kanyang lalamunan.
It was Cloud Valeroso in the freakin' flesh!
"Hello there. We meet again," anito sa kanya habang hindi mabura-bura ang ngiting nakakaloko.
Hello, indeed.
-
-
Note: Interconnected ang story ni Cloud at Skye sa story ni Airin at Les at medyo may spoiler so hopefully nabasa niyo na ang Tennis Knights #1. Ahehe Please leave a comment and vote. Thanks!