Kabanata 3

1452 Words
Kabanata 3 INIIWAS ni Skye ang paningin kay Cloud saka nilingon ang paligid. Wala si Gail. Saan na naman kaya nagsuot ang babaeng iyon? Akmang lalagpasan na ni Skye si Cloud nang bigla itong nagsalita. Buwisit. Akala pa naman niya'y napipi na 'to. "Ano kaya ang gagawin ni Les kapag nalaman niyang may gusto na pala si Airin sa kanya? Panigurado, sasabihin niya kay Airin na itigil na nila 'yong kunwari-kunwarian nilang relasyon, 'no?" Parang itinulos sa kinatatayuan niya si Skye sa narinig. Marahas na binalingan niya si Cloud na prente pa rin nakatayo sa tapat ng men's comfort room habang nakahalukipkip. Diretso ang tingin nito sa kanya. His eyes were dancing with amusement. May nakapaskil na ngisi sa mga labi nito na gustong-gusto niyang burahin gamit ang mga kuko. Napalunok si Skye nang mag-sink in sa isip ang sinabi nito. "H-hindi totoong sila?" "Nope." "P-pero—" "Sa oras na malaman ni Les na may gusto sa kanya si Airin, tiyak lalayuan ni Les si Airin. What would she feel when he suddenly leave her?" Nameywang siya. "Hindi mo sasabihin kay Les ang mga narinig mo," kalmadong utos niya kay Cloud kahit na ba sa loob-loob niya'y grabeng kaba, pag-aalala, at pagkataranta ang nararamdaman niya. Tama pala talaga ang hulaniya. Nagpapanggap lang sina Airin at Les. But this was the opportunity Airin was waiting and asking for so long. At mukhang nasa alanganin ang oportunidad na iyon dahil sa kapabayaan niya. Skye would be damned if she would let herself be the reason for friend's sadness. "At sino ka para utusan ako?" nakataas ang kilay na ani Cloud. Hindi pa rin maalis ang nakakalokong ngisi nito. Imbyerna. "Wala kang katibayan na may gusto nga si Airin kay Les. So invalid ang point mo," asik ni Skye saka nilabanan ang titig nito. Pinagtaasan niya ito ng kilay saka iningusan. "At bakit ba nakikialam ka sa buhay nila Les at Airin, ha? Wala ka bang sariling buhay? Pwes, get a life!" "Evidence? Sorry to disappoint you, my lady, but I have an evidence." May kinuha ito sa bulsa nito. Isang cellphone! May pinindot itong kung ano sa cellphone nito hanggang sa mayamaya lang ay pumailanlang sa paligid ang boses niya! May kinuha ito mula sa bulsa nito, isang cellphone. May pinindot itong kung ano sa cellphone nito at maya-maya'y pumailanlang paligid nila ang isang pamilyar na tinig. Ang tinig niya! Parang may kababalaghang nangyayari kay Airin at Les. Alam naman natin na gusto talaga ni Airin si Les, pero si Les? Nah. I don't think so. Baka ginagamit lang siya ni Les. Baka alam ni Les na may gusto si Airin sa kanya kaya bina-blackmail niya si Airin. At alam mo naman 'yang si Airin, basta may makita siyang paraan para mapalapit kay Les, go agad. Though I couldn't blame her. Kung ako man, eh, lapitan bigla ni Charlie, baka puro 'oo' na lang ang sabihin ko. Fucking s**t. Na-record nito ang mga sinabi niya kanina sa pag-aakalang si Gail ang kausap niya! Even the part where she said she liked Charlie was recorded. s**t. Patay siya. Pati ang papausbong pa lang na love life ni Airin ay mamamatay pa yata dahil sa kanya. "What can you say now, Miss Skyeisha?" ang tinig na iyon ni Cloud ang pumukaw sa pagkataranta ni Skye. Napalunok siya. Sa isip niya ay sunod-sunod na mura na ang kumawala. "D-don't let him here that," mahinang ani Skye kay Cloud kasabay nang pagpikit nang mariin. Hindi niya matatanggap kung maglalahong parang bula ang matagal ng pangarap ni Airin dahil lang sa katangahan niya. "I'm usually a very generous person, Miss Skyeisha. Pero pagkatapos nang ginawa mong pagtataray sa akin noon, mukhang hindi ako magiging mabait ngayon." Tiningnan niya nang pagkatalim-talim si Cloud. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, kanina pa bumulagta sa sahig ang lalaking ito. Pero kailangan niyang magpakabait. Para kay Airin. Napahugot siya ng hangin. "Please, huwag mong iparinig 'yan kay Les. Airin will be devastated." Nginisihan lang siya nito at muling binalingan ang cellphone nito. "Siguro dapat ko nang tawagan si Les ngayon." Kaagad na nilapitan ni Skye si Cloud at pinigilan ang kamay nitong may hawak na cellphone. "Don't. Please. I... I'll do anything! Huwag mo lang iparinig kay Les 'yan." Hindi na niya napigilan ang pagmamakaawa sa tinig niya. Oo, mataas ang pride niya. Tinaray-tarayan pa nga niya ang lalaking ito noong una pero nakataya na ang kaligayahan ni Airin dito kaya handa siyang lunukin ang pride niya ngayon. Pride be damned, sabi nga. Skye saw the devilish glint in Cloud's eyes that made her nervous. It was as if she was facing the devil himself right now. It seemed as if she would not like whatever was running inside his mind right now. "Anything?" nananantiyang tanong nito sa kanya na sinagot niya nang pagtango. "Pumunta ka sa condo ko mamaya," anito saka idinikta ang address ng condominium unit pati na rin ang room number nito. "S-sandali! Teka lang! Anong gagawin ko sa condo mo?" Ngumising parang demonyo si Cloud at parang gusto na niyang mapabuntong-hininga dahil doon. Parang gumuwapo kasi ang lalaki nang ngumisi ito nang ganoon. "Doon ko na sa condo ko sasabihin. Be there at exactly six o'clock. Kapag wala ka pa nang ganoong oras, ipadadala ko kaagad kay Les 'yong recording na 'to," pananakot nito sa kanya at sa pagkagulat niya'y bigla siya nitong tinapik sa ulo na para ba siyang isang tuta. "Kita-kits na lang mamaya, Miss Skyeisha." Wala na si Cloud sa harapan ni Skye pero nanatili pa rin siyang nakatayo doon na parang tuod. Hindi kasi siya makapaniwala na naisan siya ng lalaking iyon. Siguro'y plano nitong gantihan siya dahil sa pamamahiya at panonopla niya dito kahapon. I'm dead. Teka. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Stalker?! "BAKIT ka ba nagmamadali, Skye?" tanong kay Skye ng kabarkada niyang si Glady-mae. Kaklase at naging kaibigan niya ito noong nag-shift siya ng kurso. Ito ang kauna-unahang kaklase niyang pumansin sa kanya noon. "May pupuntahan lang akong importante," sagot niya sa kaibigan. Kaagad na dumako ang tingin niya sa suot na relo. Five o'clock. Sakto. Mga alas sais ay nandoon na siya sa condo ni Cloud. Malapit lang naman 'yon sa SVU kaya hindi siya male-late sa usapan nila. Tantiyado niya ang oras. Umupo sa katabing silya niya si Glady-mae. "May date kayo ni Charlie?" nakangising tanong nito sa kanya. Skye rolled her eyes before closing her bag. "Wish ko lang, 'no. Alam mo namang hindi ang mga kagaya ko ang tipo ni Charlie," sagot niya. Totoo naman 'yon. Ang mga tipo kasi ni Charlinton ay 'yong mga naggagandahang babae. Iyong sexy, maayos sa sarili, at parang Barbie doll. Not that Skye was ugly. Sabi naman sa kanya ng mga kaibigan niya, maganda siya. Iyong saktong ganda, gano'n. Gandang mga kaibigan lang ang nagsasabi, gano'n. Pero hindi ganoon ang gusto ni Charlie, eh. Gusto nito ala Queen Bee. Iyong puwede nitong ipagmalaki sa iba. Which she was not. Totally. She was just a simple girl living in a simple world. She was okay looking at Charlie from afar. Dreaming it was she who was standing beside him. But in reality, she was just a side character in his story. Siya 'yong nasa gilid lang. Siya 'yong napapadaan lang. Siya 'yong sa ending credits ang nalagaya lang, "female student one." Kaya nga kahit gaano niya kagusto si Charlie, hindi sumagi sa isip niyang magpapansin dito. Never. As in never talaga. Kasi never din siyang mapapansin nito. As if. "Maganda ka naman talaga, Skye, eh. Hindi ka lang kagaya ng iba na halata ang ganda kasi maganda ang postura at ayos. Ikaw kasi... well..." Nginisihan ni Skye ang kaibigan saka ito tinapik sa braso. "Alam mo, friend talaga kita. Siguro kung may fans club ako, ikaw na ang president. Ganyan mo ako ka-labs?" "Ewan ko sa 'yo, Skye. Ang hirap mong kausap." "I know. That's my trademark. Anyway, alis na ako," aniya at iniwan na ang kaibigan. Dire-diretsong nilakad niya ang daan papunta sa condo ni Cloud—na alam niya'y walking distance lang sa SVU. Sort of. "Humanda ka sa 'kin, Cloud Valeroso. Kapag nakita ko ang kahinaan mo, gagantihan kita. Peste ka! Pasalamat ka at guwapo ka kung hindi..." Kaagad niyang tinapik nang bahagya ang magkabilang pisngi. "Sandali! Bakit ko ba pinupuri ang lalaking iyon? Hindi siya guwapo! Hindi!" Pero alam niyang kahit sa pandinig niya ay tunog defensive siya. - - Note: I think I'll be able to update frequently since I decided to have a schedule. Sana lang masunod para mabilis ko na rin mailagay ang ibang Tennis Knights dito sa w*****d. I am aiming for 2-3 chapters per day. Anyway, please leave a comment and vote. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD