Pag-uwi ko, agad naman akong tinanong ng kapatid ko kung kamusta ako. “Ayos lang, ate. Masaya.” “Wala kang kakilala roon?” “Wal—” Napahinto ako sa pagsagot nang maalala ko na naman ang nangyari kanina, kung saan nag banggaan kami ni Jeremy. Pero sure ako, hindi niya ako naalala… Hindi niya ako nakilala. Kasi bakit? Wala naman siyang pakialam sa akin in the first place, so paano niya ako maalala, hindi ba? “Wala po.” Tinuloy ko ang sagot ko kay ate. “Wala namang masamang nangyari sa’yo?” Tanong niya na agad kong iniling. “Kumain ka na diyan. Bumili si Kuya Ben mo ng Jollibee bucket. May natira pang chicken sa lamesa. Hindi ba favorite mo ’yan?” Agad naman siyang lumapit sa lamesa at ipinakita ang tatlong pirasong chicken na natira. “Busog na po ako, ate. Kumain na po ako sa labas eh

