“Andrew Basino started following you.” Iisa lang ang umiikot sa utak ko ngayon, iisa lang ang iniisip ko ngayong umaga—si Andrew Basino. Ang influencer na napahiya ako? O napahiya ko? Ugh! Mas nauna pa siyang i-follow ako kaysa kina k**i at Sandra na hanggang ngayon, hindi pa ako fina-follow sa IG. I mean, me? Bakit niya naman ako i-fa-follow? What are the reasons behind that thinking of his? Tiningnan ko ulit ang mga followers ko at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nawawala sa listahan—meaning, may balak siyang gawin na alam kong hindi ko magugustuhan. “Kumain ka na, Alexa. Ma-late ka pa niyan mamaya,” sambit ni ate sa akin na agad ko namang sinunod. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong isinabay ni Kuya Ben papuntang school dahil madadaanan din kasi ang school ko sa work niya,

