(Naya's POV) Dark Reapers na lang ang pinakalat sa quadrangle, ayoko ng makialam sa pagkuha ng weapons kaya hindi na ako nagsalita at pumwesto na lang ako sa kung saan ko gustuhin, bahala na sila kaya na nila yan. Maya maya ay tumunog na ang kampana kasabay ng apat na malalaking pagsabog, at galing yon sa East, West, South at North. "Abangan niyo yung weapons!" Naririnig kong utos ni Eos sa earpiece namin, pinakikinggan ko lang ang mga direksyon ng pagsabog at ang lokasyon nito. Biglang sumabog ang gitna ng quadrangle, ibang taktika na naman ang ginamit nila. Hindi talaga nila hahayaang maisahan sila ng kahit na sino. "The explosion will start in the middle and will spread anywhere, Pag nagsimula na ang paggalaw ng mga pasabog salubungin niyo at pumunta kayo sa gitna at kumuha

