(Naya's POV) Palaisipan parin sa akin yung mga nangyari, napakaraming tanong parin ang bumabagabag sa utak ko hanggang sa mga oras na to. Totoong pakiramdam ko mababaliw na ako, napakarami kong gustong gawin na hindi ko masimulan, napakarami kong tanong na gusto ko nang masagot. Mamaya 11:11 na naman, I wanna try what I did again para makasiguro ako kahit alam ko naman na sa sarili ko na siguradong sigurado na ako. I texted Dad na ipasuri yung mga sangkap na nakita sa formula na galing sa tao, I wanna know if it will really match the twins at hanggang ngayon ay wala pa siyang sagot. "Lets eat" Yaya ni Eos sa akin, nakapasok na naman siya sa kwarto ko. "Still full" Tanging sagot ko lang sa kanya, umuulan na naman mukang maulan na naman ang 11:11 namin ngayong gabi, nakaupo ulit ako

