(Naya's POV)
Pagka-alis nila mom ay lumapit agad kami sa gate saka namin iniabot sa guard na lumabas ang forms namin. Kinuha naman nila agad iyon at sinabihan kami na maghintay sandali, hindi naman nagtagal at mayamaya lang ay ibinalik na muli nila yung form namin, saka kami lumakad papasok kasama ang isa pang guard ng papasukin nila kami.
"Sakay," utos ng isang guard sa amin.
Sumakay kami sa mini bus na naghihintay sa amin, hindi narin kami nagtanong at sinenyasan ko na lang din si Apollo para tumahimik siya.
Ito siguro ang maghahatid sa amin sa mismong vicinity ng school, sa tantiya ko kasi ay malaki ang school na to, pagpasok mo kasi ay wala ka namang ibang makikita maliban sa guardhouse, mahabang kalsada at mapunong paligid.
Nai-kwento din naman ng kambal noon na malaki nga talaga ito. Sa totoo lang nga ay napaisip narin ako sa school na ito, bakit nga kaya sikat at maraming gustong makapasok sa school na to? pati tuloy sina kuya at si Apollo ay nahuhumaling dito, Ewan ko nga ba.
Matapos ang walang humpay na byahe at panay matataas na punong tanawin, another gate had shown in the end of this long road. Hiniram muli ng bantay ang forms namin saka kami nag-hintay ulit ng ilang minuto, tapos mayamaya lang ay pinapasok na kami sa gate.
Dito ay nakakakita na ako ng ilang imprastraktura at mga estudyante, nandito na nga talaga kami. Masasabi ko din mula dito na talagang malaki nga ang DR University, pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang kakaibang atmosphere sa lugar na ito at ang kakaibang tingin ng mga taong nadaraanan namin.
"Baba na," muling utos ng guard sa amin.
Bumaba na kami sa tapat ng mataas na building na nasa bungad ng gate matapos sabihin ng guard na bumaba na kami, ng lumakad naman siya ay sumunod lang din kami ng hindi na nagtatanong pa.
"Everyone was looking at us," Apollo whisper to me.
Hindi naman ako nagabala na tingin sila habang naglalakad kami papasok sa mataas na building na kinaroroonan namin, nararamdaman ko naman kasi iyon.
"Don't mind," tanging sagot ko sa kanya.
Natigil naman si Apollo sa pagbulong niya sa akin dahil sa sinabi ko. Ang ingay niya talaga, bakit niya kaya pinasama nila sa akin ang mokong na to? Tsk. Hindi ko na siya muling pinansin at dumiretso na lang din kami sa elevator na malapit sa entrance ng building, at ilang minuto lang ay bumukas na iyon. Hinintay lang din naman namin na lumabas ang mga sakay bago kami pumasok doon at ang guard na ang pumindot ng floor na pakay namin.
Nakapagtatakang iisa lamang ang elevator ng mataas na building na to. Nagtataka man ay hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi nagtagal ay tumigil na ito sa pinaka-huling palapag, kaya pagbukas ng pinto ay nilingon ko agad si Apollo, hindi na ako nagsalita ng makita kong nakatingin din siya sa akin. Sinenyasan din naman kami nung guard na lumabas na matapos nilang lumabas, nauna namang lumabas si Apollo dahil doon at sumunod lang ako sa kanya.
Hindi pa man kami nakakalayo ay bigla na lang may sumulpot na guards at nagpaulan sila ng suntok kay Apollo, buti na lamang ay nakaiwas siya ng mabilis saka siya tumakbo pabalik sa akin.
"Whoah! Wah insan? W-wait lang naman," hiyaw ni Apollo sa kanila na lalong ikinakunot ng noo ko.
Ipapahamak talaga kami ng kaingayan niya, hinila ko agad siya papunta sa likuran ko saka ko sinipa yung nagtangkang sumuntok sa kanya.
"Wah insan!" muling hiyaw ni Apollo.
Nilingon ko naman siya kaagad dahil sumigaw na naman siya, saka ko tinadyakan yung guard na naghatid sa amin dito sa taas, na nagtangka namang sumuntok kay Apollo, tumalsik siya papasok sa loob ng elevator saka ko pinindot ang pababang button.
"Ba-bye!"
Tuwang tuwa pang paalam ng mokong sa lalaking yon, bigla na namang may sumulpot na dalawang lalaki, kaya mabilis ko silang tiningnan at nilapitan.
"Ilag, Apollo!" I yelled at him.
Hinila ko ulit siya para makaiwas sa tadyak nung kalaban saka ko sinipa yung sumugod, sinuntok ko naman yung sumunod sa kanya sa sikmura. Mabilis naman agad silang tumumba dahil doon. They are all guards here, sigurado ako doon dahil iisa sila ng uniporme.
May sumugod muli na dalawa sa amin, kaya mabilis kong sinalo ang kamao nung isa sa kanila saka ko pinipilit iyon, napahiyaw siya sa sakit dahil don. Mabilis ko din siyang iniharap sa kasama niyang sisipain sana ako, binitawan ko naman agad ang lalaking pinilipit ko ang kamay pagtama ng sipa ng kasama niya sa sikmura niya, saka ko din sinipa sa sikmura ang lalaking iyon.
"Go insan!"
Pagche-cheer ni Apollo sa akin kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Our things you idiot!" hiyaw kong muli sa kanya.
Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit namin dahil sa hiyaw ko, pinagsisipa ko naman agad at pinagsusuntok yung mga natira doon para siguradong wala ng makakatayo pa sa kanila.
Napatigil ako sa ginagawa ko ng maramdaman kong may ibang taong nakatingin sa amin, napalingon ako sa mahabang pasilyo na tinatahak namin, sa dulo noon ay nakatayo ang isang medyo bata pang lalaki na nakasuot ng tulad nila, but unlike them he has a gold badge.
Dumeretso lang ako habang nakatingin din sa kanya, kasunod ko naman si Apollo na biglang natahimik, inaantay ko kung susugod siya o hindi pero nananatili lang siyang nakatayo doon.
"Welcome to DR University!" bati niya paglapit namin saka siya yumukod.
Pagtayo niyang muli ay saka naman niya binuksan ang pintong katabi niya.
"Come in,"
Pagkasabi niya noon ay hinila ko na si Apollo saka pumasok sa loob ng deans office, nakaupo naman ang dean sa swivel chair niya at nakatingin sa amin mukang inaasahan niya na kami.
"Have a seat." alok niya sa amin.
She was smiling from ear to ear pero kakaibang ngiti ang mga iyon, napalingon ako kay Apollo ng maupo siya dahil hindi ako umupo. May naglapag pa ng tea sa tapat ng dalawang upuan kung saan nakaupo si Apollo at naglapag din sila sa harapan niya.
Iniabot ko na agad ang form namin ni Apollo sa dean, sabay batok sa mokong nung akmang hahawakan niya na ang tasa.
"Drink that or you'll be a dead chicken after," agad akong banta kay Apollo.
Napakamot ulo lang naman agad siya dahil doon saka ko ibinalik ang diretsong tingin ko sa dean na ngumisi bigla sa akin.
"Here's your dorm number, your schedule, and your ID, congratulations," pagbati ng Dean sa amin.
Kinuha ko naman agad iyon saka ko hinila si Apollo at tumalikod para lumabas na, dire-diretso kami palabas at hindi na nag-paalam. Kakaiba ang pag-welcome nila sa mga estudyante nila, nakapagtataka.
"Excuse me."
Napatigil kami sa paglalakad saka kami lumingon dahil sa narinig ko. Yung guard na may gold badge, hindi na siya yumukod sa amin but this time yung kasama niya naman ang gumawa noon.
"He will be your guard papunta sa dorm niyo, ask him anything you want."
Pagpapakilala ng guard na may gold badge sa lalaking kalapit niya.
"Follow me."
Pagkasabi niya noon ay lumapit na siya sa amin kaya sumunod na kami agad sa lalaking yon at sumakay muli sa elevator pababa. Hindi naman nagtagal ay nakababa na kami, paglabas namin ng building ay sumakay lang kaming muli sa mini bus. Mukang malayo pa din dito ang dorm namin.
Habang nasa byahe ay nagmamasid at nakikiramdam ako sa paligid, lalong dumami ang mga estudyante sa parteng ito ng school, at lahat sila ay tumitingin sa amin. Marahil nagtataka sila dahil newbie kami.
"Tama na!" hiyaw ng isang boses lalaki.
Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng hiyaw na iyon, ng mapadaan kami sa grupo ng mga estudyante na pinagtutulungan yung duguang lalaki na nakahilata sa damuhan, tuwang tuwa sila habang hirap na hirap na ang lalaking yon.
"Maawa kayo sakin, tama na!"
Hiyaw niyang muli pero parang wala namang pakielam ang mga nambubugbog sa kanya. Mayamaya lang din naman ay biglang may mga nagdatingan at nagkarambola na sila, mga estudyante din ang mga iyon. Nakita ko ding may mga knife yung dumating at pinagsasaksak nila yung mga lalaking bumugbog sa isang lalaki. Napalingon ako kay Apollo ng mapakapit siya sa akin. Hindi niya nga pala gustong makakita ng dugo.
"Hindi lang yan ang makikita mo araw-araw, may mas malalala pa dyan," biglang sabi nung kasama naming guard sa amin.
Napatingin kami ni Apollo sa kanya. Marahil ay napansin niya ang reaction ni Apollo.
"Dapat nagisip ka muna bago ka pumasok dito, dapat naghanda ka, entering this school means committing to it also. Isa itong laro na buhay ang nakataya, hindi ito larong pambata na pwede sa mahihina. Ang pagpasok mo dito ay wala ng labasan, maliban na lang kung graduate ka na o patay ka na."
Matapos na sabihin iyon ng guard na kasama namin ay hindi na siya nagsalita pa, nagkatinginan lang naman kami ni Apollo dahil sa sinabi niya. Isa ba yung pananakot o talagang babala?
Mayamaya lang din naman ay may mga tunog ng pito na ang umalingawngaw malapit sa mga nagkakagulong esdtudyante. Mayamaya lang din naman ay sumulpot na ang ilang guards at mabilis na nahuli ang mga nambubugbog sa lalaking yun, ang lalaki namang nabugbog ay dinala ng ibang guards.
Ganito pala yung school na gustong gusto nila? Bakit kaya? Ano namang meron dito? Anong espesyal dito? Iyong p*****n, saksakan at bugbugan araw araw? Anong maganda dito? May matino pa rin ba dito?
Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng tumigil ang bus sa isang 2 story dorm, parang exclusive dorm ito at limited only ang mga nakatira, its like a subdivision style, magkakamuka ang dorms at hindi magkakadikit. Ayon sa mapa na nakita ko kanina, nasa east ang mga dorms and we are on the west part of the school, baka ito yung dark village na sinasabi nila? Baka nga.
"Welcome to dark village, that's your dorm, welcome and good luck."
Yumukod siya sa amin pagkasabi niya non at pagkaturo niya sa amin ng dorm namin. Matapos noon ay saka siya muling sumakay sa bus at umalis. Agad naman kaming pumasok ni Apollo sa loob dala ang mga gamit namin, malinis narin dito at maayos.
"Ako na ang magluluto," Apollo said pagkapasok na pagkapasok namin kaya kinuha ko na lang ang mga gamit niya.
"I’ll bring this upstairs," sagot ko sa kanya.
Tumango lang siya dahil sa sinabi ko kaya umakyat na lang agad ako sa taas. Pag-akyat ko sa hagdan ay agad ding bumungad sa akin ang maraming kwarto doon, maganda din dito, maganda ang style at maaliwalas, at parang pang-maramihan siya.
Marami ang kwarto dito pero kapansin-pansin ding mayroong dalawang malaking kwarto na namumukod tangi sa lahat, dalawang kwarto na nasa dulong parte pero hindi yon ang unang umagaw ng atensyon ko.
"Insan ano nga palang ----
Ramdam kong natigilan din si Apollo sa anumang sasabihin niya at lumingon sa tinitingnan ko, mabilis kong binitawan ang mga dala ko at kinuha ko agad ang portrait na yon saka ko inilibot ang tingin ko sa mini sala.
Wala na akong nakitang ibang gamit nila kaya pinili ko na yung nasa kanan na kwarto at agad na pumasok doon. Pagpasok ko ay inilibot kong muli ang tingin ko sa kabuuan nito, sa hitsura pa lang kitang kita mo na kung sino ang may-ari ng kwarto na to.
Mabilis kong ibinaba ang portrait na nakuha ko sa labas saka ako lumabas at pumasok sa kabilang kwarto, naabutan ko naman doon si Apollo, nakatingin din siya sa mga gamit na pamilyar sa kanya.
Mabilis kong hinakot ang lahat ng gamit don na alam kong sa kambal at wala akong iniwan. Apollo tried helping me pero dinala ko lahat ng mga gamit na yun sa napili kong kwarto ng magisa.
"Insan?"
Tawag sa akin ni Apollo pero hindi ko yun pinansin, inilapag ko sa kama ko lahat ng gamit na nakuha ko, saka ko lang din namalayan na Iyak na lang ako ng iyak. Saka ko lang din namalayan ang mga luha na kanina pa pumapatak at ang mga hikbing ngayon lang kumawala, nandito pa ang mga gamit nila.
"I guess, itong dorm na to mismo ang tinirahan nila nung nag-aaral pa sila dito."
Nakaupo lang ako sa paanan ng kama habang nakatungo, hindi naman ako pinakikiealaman ni Apollo.
"Tahan na, ang maganda nating gawin ay maglinis dito malay mo may naiwan silang clue," he said, "Let's fix your room first."
I tried to stop dahil tama si Apollo, dad enrolled me here and let me live in the same dorm as them, I should not cry instead, I should be strong, I should be strong for them.
He pats my head and I just nod. Kapag sila ang nasa usapan hindi ko maiwasang hindi mapaiyak, that is because I really really love my brothers. And their death makes a scar on my life.
"I bet this room was Nate's room and the other one is for Naye."
I look at Apollo habang inaayos namin ang lahat ng gamit dito sa kwarto ko, he's happy, I can see it. He was the youngest son of my dad's eldest brother, and he was very close to my brothers. Marahil sa kadahilanang hindi nalalayo ang edad niya sa mga kuya ko, malayo na kasi ang agwat ng edad niya sa mga kuya niya.
"Why did you come with me?" tanong ko sa kanya habang tuloy kami sa pagliligpit.
"No one is able to come with you maliban sa akin, so I come, saka isa pa I should protect you, you’re our princess Naya, wala na ang kambal, kaya ako na lang ang gagawa non."
Ngumisi lang ako sa sinabi niya and he smile, kahit mukang bakla at ubod ng lampa niyan napakabait naman nyan.
"Teka magluluto nga pala ako, itatanong ko lang dapat kung anong ulam ang gusto mo eh."
Natawa lang ako sa sinabi niya at natawa din naman siya, tsk, Apollo talaga.
"Adobo na lang," sagot ko sa kanya.
"Adobo? Copy."
Bumaba na agad siya pagkasabi niya noon, napailing na lang din naman ako habang natatawa and I continue what I'm doing. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapanaiwala na ito pala ang ginamit nilang dorm, kaya pala parang iba ang pakiramdam ko dito.
Pero parang ang weird, matagal na silang wala dito sa dorm na to, bakit kaya nandito pa rin ang mga gamit nila? At isa pa, alam nila na may bagong titira dito, bakit hindi nila naisip na alisin ang gamit ng kambal, nilinis lang nila ang dorm pero iniwan ang mga gamit.
Dahil ba sa akin? Dahil ba Myren din ako at si Apollo? Dahil nga kaya doon o dahil din kay Dad? Ang daming tanong na gusto kong masagot pero hindi ko alam kung papaano.
Ano nga kayang klaseng school ang DR University para kahumalingan nila? Kilala ko ang kambal hindi sila mahilig sa basag ulo. Lalo namang hindi nila kayang pumatay, bakit nga kaya sila pumasok dito? Ano nga kayang meron sa school na to?