Gangsters 3

2705 Words
(Naya's POV)   Nalinis na namin ang buong dorm pero wala kaming nakuhang clue, siguro ay dahil kinuha na nila dad ang ibang gamit nila kuya dito dati nung nag-iimbestiga sila. Sabi kasi ni dad noon, dark village was far different from those ordinary dorms, dito kasi hindi malakas ang kapangyarihan ng Dean, ito lang ang kaisa-isang lugar sa buong university na malaya sa mga nakatataas. Katulad lamang ito ng mismong DR University na malaya naman sa gobyerno, I remembered dad entered this school para mag-imbestiga pero gaya nga ng sabi ko wala namang nangyari dahil malakas ang kapit ng school sa kung sino. Sabi pa ni Dad akala niya ay hindi ako tatanggapin sa school na to dahil alam niyang naaalala siya ng Dean pero hindi niya rin maintindihan kung bakit nakapasok kami ni Apollo at pumayag silang mag-dorm kami sa dating dorm ng kambal. Kung anuman ang dahilan wala na akong pakielam ang importante nandito na ako, pero hindi ko iyon ipagwa-walang bahala dahil nababasa ko sa mga tingin ng Dean na may mali. Nagbasa narin ako ng mga libro na tungkol sa university kagabi at marami din akong nalaman kasama na nga doon ang tungkol sa village na ito, siguro kaya din hindi napakielaman ng Dean ang dorm nila Kuya ay dahil sa hindi nga sakop ng kapangyarihan niya ang parte na ito. Napabuntunghininga na lang ako sa maraming bagay na naiisip ko saka muling inayos ang gamit ko. Wala na kaming problema sa dorm at maayos na ang lahat, ngayon naman ay ang pagpasok na lang ang aatupagin namin ni Apollo. "Kumain ka na," bungad sa akin ni Apollo sa pinto ng kusina kaya tiningnan ko siya. "What the --” Napatingin si Apollo sa sarili niya habang hindi ko naman malaman kung tatawa ba ako o ano, hindi ko narin naituloy ang sasabihin ko dahil sa gulat. "What is that s**t?" hiyaw ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa suot niya. "Ito bang suot ko?" Tumango lang ako sa kanya, nakasuot ba naman ng maid attire ang loko at nag-apron pa saka may nakalagay pa sa ulo niya na kung ano, tapos yung attire niya pang-babae. Kung alam niyo yung hitsura ng mga maid sa mayayaman na angkan sa mga anime, ganon ang hitsura niya. "Syempre dahil tayo lang dito I will be your mom and dad muna," ngingiti-ngiti niyang sabi habang umaarteng akala mo bakla. "Nakaka-suka ang muka mo, tsk!" singhal ko sa kanya. Saka ako tuluyang pumasok sa kusina, natawa lang naman siya sa akin sabay flip hair. "Naya umupo ka na at kumain." Tiningnan ko siya ng masama hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa boses niya, nag-boses babae pa kasi siya ng sabihin iyon, napakamot ulo na lang siya dahil sa ginawa ko, muka siyang tanga. "Sit down." I glared at him again ng ulitin niya ang ganoong boses habang palapit na ako sa mesa. "Ehem, este sit down, sit down insan," He said na nag-boses lalaki na saka ako pinaghila ng bangko kaya naupo na ako. "Sit down, let's eat mala-late tayo." Naupo agad siya dahil sa sinabi ko, Apollo is a year older than me. Grade 12 na siya at Grade 11 pa lang ako, pero kung umasta siya akala mo ako ang G12 at siya ang G11. "Insan? Yung ID, color-coded no?" I look at him ng magsalita siya pagbaba niya ng hagdan, nagbihis kasi agad siya matapos naming kumain at naghintay na lang ako dito sa baba. Kung sino pa ang lalaki siya pa ang mabagal kumilos, tumayo na ako sa couch at naglakad palapit sa pinto. Buti na lang no uniform basis ang senior high dito, ID lang ang magiging identity mo. "Ang kupad mo, bilis na," sermon ko sa kanya saka ako naunang lumabas ng pinto. "Mam yes mam!" agad naman niyang sagot. Sumaludo pa siya sa akin and I just roll my eyes on him. Tsk. Lumabas na agad kami at mabilis na lumakad papunta sa gate, mala-late kami sa mokong na to eh. Hindi kasi pumapasok ang mini bus dito sa loob, hanggang sa gate lang sila kaya no choice kami kung hindi ang maglakad palabas ng village, para makasakay sa nagaabang na bus sa may gate. Hindi na ako nagsalita habang nalalakad kami, almost the same ang schedule namin ni Apollo, subjects lang ang pinagkaiba dahil magkaiba kami ng strand pero yung oras ay parehong pareho. "If G11 is black and G12 is white? How about the other?" Tanong ni Apollo habang naglalakad kami, hindi na siguro niya makayanang kimkimin ang mga tanong niya, madaldal siya hindi niya talaga kaya yun. "The college have uniforms unlike us, Apollo, they have a color-coding basis on the uniforms and ID too, although the designs of their uniforms depend upon the courses, example the freshman is green their ID is green too and the only thing that will serve as their difference in each other is the uniform designs," mahabang paliwanag ko sa kanya kahit na nakakatamad magpaliwanag. Problema ko rin naman siya kapag nagkataon kaya no choice ako kung hindi sagutin siya. "Cool, wait? How did you know that?" I just roll my eyes at him, Apollo was not observant and he doesn't have a photographic memory like me. "I saw it yesterday,” simple kong sagot sa kanya. "Whoah!" Nilingon ko siya saka ko siya tiningnan ng masama, this time nakasakay na kami sa mini bus papunta sa building namin. “Magbasa ka ha?” sermon ko sa kanya. Agad naman niyang ikinatango iyon habang kakamot-kamot siya ng ulo. Napapailing na lang ako sa kanya, masiyado siyang inosente e ang tanda tanda na niya, Tsk. Sabagay, hindi ko siya masisisi, we knew how to fight, but I have experience to it and he doesn’t. "May dumi ba ako sa muka?" bulong ni Apollo sabay siko sa akin ng marahan. "Muka kang dumi," sagot ko sa kanya na agad niyang ikinalingon sa akin. "Insan naman eh!" maktol niya kaya nilingon ko lang siya. "Don't mind them." Natahimik na siya dahil sa sinabi ko, alam ko namang ang pinoproblema niya ay ang mga estudyanteng nakatingin sa amin ngayon. Bumaba agad kami ng bus ng ihatid kami nito sa bungad ng senior high school premises saka kami nagsimulang maglakad, dahil doon ay mas marami na ang tumitingin sa amin. Mostly ang nakikita ko na ngayon ay senior high students marahil dahil senior high pa lang kami at senior high premises ito. Wala ding pagala-galang college dito unlike kahapon na kahit senior high premises ito ay may mga college students. "Insan mukang hindi maganda to," bulong ni Apollo sa akin. Siniko ko siya ng mahina saka ko inayos ang sukbit ng bag ko, bakas na bakas sa tono niya na kinakabahan siya, lumalapit naman lalo ang mga estudyante sa amin at mas dumadami pa sila. Lalo ko namang pinakiramdaman ng mabuti ang paligid. Binatukan ko agad si Apollo nung may naghagis ng shuriken sa aming dalawa mula sa likod namin saka ako umiwas. Tumama naman ang shuriken sa noo nung nasa harapan namin na hindi na nakaiwas, umagos mula doon ang masaganang dugo at mabilis siyang bumagsak. "Dugo! Dugo? Waah Dugo! Dugo! Ayoko ng Dugo!" Nagwala na si Apollo habang nagsisisigaw, gusto kong matawa habang pinanonood ko siya pero hindi ko ginawa, alerto ako habang nakatingin sa kanya pero hinahayaan ko lang siya. Mayamaya lang din naman ay nagkagulo narin ang ibang mga estudyante pero hindi sila ang sumugod sa kanya, siya ang sumugod sa kanila. War freak talaga siya kapag nakakakita ng dugo at walang nakakatalo sa kanya kapag ganyan siya. Sinuyod niya ang mga estudyante doon habang nanonood lang ako, naku naman Apollo maaasahan ka talaga. He hates blood, mom said it started when he saw my brothers soak in their own blood. Panay mura at hiyaw na lang ang naririnig ko kay Apollo habang inuupakan niya ang mga yon, wala ng ibang nakalapit at nakagalaw dahil sa kanya nanonood na lang din yung iba. Nilapitan ko na si Apollo at tinapik para patigilin na siya, male-late narin kasi kami. "Ano?" hiyaw niya sa akin. Abat? Sinampal ko agad siya saka ko siya hinila palayo doon para matauhan, muka namang nahimasmasan siya dahil doon. Wala talaga siyang sini-sino kapag nakakakita siya ng dugo, kaylangan niya pang matauhan para maka-kilala. Naka-alis kami don ng walang aberya dahil mukang mga natakot din sila kay Apollo, yung mga nakaharang kanina ay agad na naglayasan sa dadaanan namin, iniwan lang naman namin ang mga sapin saping estudyante na nakahilata doon na binugbog ni Apollo. "Okay na ako insan, bitawan mo na ako, pwede na." Binitawan ko na ang mokong dahil sa sinabi niya, natauhan na nga siya. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang G12 ABM building kung saan pupunta si Apollo, sa likod noon ang building ng G11 ICT na siya namang hinahanap ko. "Bilisan mo," I said to him. Alam ko namang sinunod naman agad niya ako dahil naririnig ko na mas lalong lumakas at bumilis ang tunog ng sapatos niya sa sahig. Inihatid ko na siya para sigurado, hindi naman halatang mas matanda siya sa akin at lalaki siya kaya okay lang yan. "Dadaanan kita mamaya pag lunch break na." Paalala ko muli sa kanya na tinanguan niya lang pagtigil namin sa tapat ng room niya, may pagka baliw pa naman ang shunga na to. "Sige," sagot niya lang sa akin. Ako narin ang nagbukas ng pinto ng room niya, wala namang pake yung teacher nila doon kaya sinenyasan ko na siya na pumasok na. Yung mga kaklase naman niya ay napalingon lang sa amin. Naupo na si Apollo kaya umalis na agad ako. Its better to be late than absent ang katwiran ko simula bata ako, kaya lang ayokong nakakakuha ng atensyon kaya ayokong nale-late kapag first day. Tsk. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para mabilis na makarating sa building na pupuntahan ko. Nung makita ko na ang building ay tumakbo na ako kaagad saka ko hinanap ang room ko, dire-diretso din akong pumasok ng makita ko yon. Napalingon ang lahat sa akin even the teacher. Isa pang napansin ko dito walang teacher na babae o staff na babae man lang, mula sa guards at hanggang sa mga guro o staffs ay puro lalaki, kung may babae man dito yun ay yung dean lang. "Sit down." Pagkasabi non ng teacher namin na nasa unahan ay hindi ko pinansin ang iba pa niyang sinabi, naghanap na lang agad ako ng upuan at doon naupo, sa bandang likuran narin ako nakaupo dahil late ako. Dumeretso na lang naman ng pagtuturo ang teacher at hindi na nagabala pa na usisain ang pangalan ko, gaya ng teacher ni Apollo.       (Apollo's POV)   "Sino yung kasama mo kanina?" tanong ng isa kong kaklase na lalaki sabay batok sa akin pagka-alis ng teacher namin. Aray ko ha? Ang kapal nito, si Naya lang ang nambabatok sa akin eh. Tiningnan ko lang naman siya dahil doon. "Newbie din ba siya?" Tanong din nung isa pa naming kaklase na halos mahalikan ko na sa sobrang lapit ng muka niya sa akin. "Ibalato mo na lang sa amin yon." Pinalibutan na ako ng mga kaklase ko, oh my gulay monay tinapay. Yari ako nito, talagang inantay lang nilang umalis si sir bago nila ako lapitan. "Sumagot ka pipi ka ba?" Inis na hiyaw nung kaklase kong may mabahong hininga. Ew, Grabe pa naman tutok na tutok ang muka niya sa akin. "Hoy ang iingay niyo!" hiyaw nung nasa likod ko kaya lalong hindi ako sumagot sa kanila. "Wala pang umistorbo ng tulog ko kung hindi kayo lang! alam niyo ba iyon?" Lalo akong nanigas dahil sa sumigaw don, ayokong mapa-away. "Relax Fredrick," dinig kong awat ng nasa likod ko din habang naestatwa na ako lalo dito. "Hindi, ginagago ako ng mga to eh!" Sigaw siya ng sigaw, kung hindi ko lang alam na lalaki yon malamang naisip ko na kanina pa na meron siyang red tag. Puro kasi kami lalaki dito kaya alam kong lalaki ang sumisigaw sa likod ko na hindi ko na pinagka-abalahang tingnan kasi ayoko ng away. "Lumayo kayo sa kanya!" he shouted again, "Dun kayo" Naglayuan naman agad sa akin ang mga kaklase naming halos daganan na ako kanina, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Napapakamot na lang ng ulo yung mga lumapit sa akin kanina pero yung iba sa kanila ay sinamaan lang ako ng tingin. Mayamaya naman ay pumasok na yung susunod naming teacher, tuloy-tuloy na yun hanggang lunch break at hindi na nila ako ginulo, pagkatapos naman ng morning session namin ay lumabas agad ako ng room at sa labas ko na inantay si Naya dahil pag umalis ako malamang pagagalitan ako nun. "Ipakilala mo kami sa kanya." Kantiyaw na naman ng mga kaklase ko habang sakal sakal pa ko nung isa gamit ang bisig niya, ito na naman sila. Hindi naman ako sumasagot o kumokontra sa kanila, s**t, natatanaw ko na si Naya. "Hoy? Ibili mo ako ang pagkain!" Napalingon ako sa sumigaw sa tabi ko habang nakatanaw ako kay Naya kanina, Ayan na naman si boy sigaw, nagsitabihan yung mga kaklase namin na takot sa kanya. "A-ako?" Paniniguradong tanong ko baka kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita, baka lang naman. "Oo! sino bang panget dito ikaw lang naman!" sagot niya sa akin ng pasigaw, hiyang hiya naman ako sa kanya ah. "Pwede bang magtanong?" halos pabulong kong sabi sa kanya na agad na ikinakunot ng noo niya. "Kung itatanong mo kung anong sikreto ng kagwapuhan at kalakasan ko, wag mo ng alamin," agad niyang sagot sa akin. Gwapo? Sino kayang niloloko ng isang to? Napakunot naman ang noo ko dahil doon. "Babae ka ba? Ang init kasi ng ulo mo lagi, Bibigyan kita ng napkin ni Naya with wings yon." Nagtawanan lahat ng mga kaklase namin dahil sa sinabi ko, wait? Binulong ko lang yun di ba? Bakit nagtatawanan sila? Narinig ba nila? Napatigil ako sa pagiisip ng magulat na lang ako dahil kinuwelyohan niya ako bigla. Lagot na -- "Sinusubukan mo ba ako?” hiyaw niya sa muka ko kaya napalunok ako sa kaba. Ngunit mayamaya lang din naman ay nagulat na lang ako ng bigla siyang tumalsik sa mga kaklase namin ng may makita akong pamilyar na kamao na sumapak sa kanya at nang lingunin ko yon ay nakita ko si Naya. "Anong karapatan mong sapakin ako?" hiyaw na naman niya. Agad akong lumapit kay Naya habang nakatingin lang siya sa kaklase ko. "Anong karapatan mong kwelyuhan ang pinsan ko?" hiyaw din ni Naya sa kanya. Oo nga naman, wala siyang karapatan. Itinayo siya ng mga kaklase namin, habang matatalim ang mga tingin ni Naya sa kanya. "W-wag ka ng magalit miss -- may langgam kasi yung kwelyo niya," mahinahong sagot nung mokong kay Naya. Natakot siguro kay insan. Bigla ding umamo ang muka niya at parang hindi niya ininda ang dumudugo niyang nguso. "Sino man sa inyo ang manakit dito, ihahatid ko sa hukay nila ora mismo," muling banta ni insan sa kanila. Natahimik lang sila at parang natigilan dahil sa sinabi ni insan, hindi naman na ako tumutol ng hilahin na ako ni Naya palayo sa kanila. "Kamusta don?" tanong niya nung nakalayo na kami. Binitawan niya narin ako at marahan na ang paglalakad niya kaya nasasabayan ko narin siya. "Okay naman" sagot ko sa kanya and she just look at me saka siya mabilis na umiwas ng tingin. "Tsk" Napangiti na lang ako sa reaksiyon niya. Mainitin talaga ang ulo ng taong to, wala talaga siyang sini-sino, masyado talaga siyang tahimik, napaka-suplada, masyadong matapang, masyadong malakas, walang pakielam, walang pasensya, walang awa, and that is NayaMaine Myren. That happens when her brothers died, her smiley face turns hell, her sweet tone turns cold, her twinkling eyes turn dangerous, her golden heart turns to stone, the good girl Naya turns hell when that happens. At first I doubt coming here with her dahil alam kong kumpara sa kanya ay walang wala ako. Alam ko na magiging pabigat lang ako sa kanya kapag sumama ako but still I chose being here with her, dahil alam ko na kaylangan ako ni Naya, at alam ko na kaylangan ko siyang protektahan at suportahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD