_{GENE's POV}_ Nang maramdaman kong lumabas na rin si Kuya Austin, at ang tunog ng pag-lock ng pintuan ay saka ako mabilis na kumilos at lumakad sa kabilang sulok kung saan naroon ang banyo, saka ako dali daling pumasok sa loob, at kinuha ko ang cellphone, na nakuha ko sa lalaking sumampal sa akin kanina. Laking pasalamat ko na lang nang tuloyan ko na 'tong mabuksan, dahil sa wala rin namang password na nakalagay sa cellphone. Pinindot ko ang numero ni Ate Gemma upang tawagan ito, ngunit ilang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot, napaisip na lang akong marahil ay nag-iingat ito, kaya't naisipan kong gumawa na lang ng video at ipadala kay Ate Gemma gamit ang account ng taong nagmamay-ari ng cellphone. "Ate, si Gene 'to, makinig kang mabuti, dahil baka hindi ko na uli magawa ito. Pinili

