MARK's POV "Joey, may balita na ba?" tanong ko kay Joey na isa sa magaling din naming tauhan ni Moonlight. Dalawang linggo na ngayon ang lumipas mula nang magtagumpay si Morrison na makuha si Gene, at iyon ang lubos na nakakapagbigay sa aking damdamin ng matinding takot at pangamba para sa kalagayan ni Gene, at hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin namin ni Joey ang lugar o ang mansyon ni Morrison kung saan nito dinala o ginawang bilanggo si Gene, na nalaman nga namin tatlong araw ang lumipas na naroon nga sa lugar na 'yon si Gene at ginawang bilanggo, kaya't sa mga oras na ito ay pinag-aaralan namin ang lugar at pinipilit na i-hack ang lahat ng CCTV sa bawat sulok ng loob at labas ng bakuran at pamamahay nito para mapasok namin at makuha si Gene, dahil alam kong sa mga oras na ito na m

