_{JHON MARKUZ's POV}_ "Boss, nasa mansyon na po si Hilton, kaso iyak pa rin po ng iyak, at nagpupumilit pong pumunta rito sa Hospital, sigaw rin po ng sigaw ng Mama. –Natawagan ko na rin po ang Senyor, at papunta na rin daw po sa mansyon," rinig kong sabi ni Greg. Hindi ako tumugon at nanatili lamang nakatuon ang aking atensyon sa harapan ng Hospital kung saan dinala ang babaeng muling nagligtas sa aking anak at sa akin, na kahit sa kabila ng aking nagawa rito ay inuna pa rin nito ang aking kapakanan. At nauunawan ko kung bakit gano'n na lang ang pag-iyak at paghahangad ng aking na anak makapunta kung saan nando'n ang itinuring nitong ina, sa nakalipas na limang taon, dahil totoong minahal at inari nitong isang totoong anak si Hilton. "Greg? Gaano ako kasamang tao? May kapatawaran pa ba

