—AFTER 3 LONG YEARS PAST— ‐---------- _{JHON MARKUZ's POV}_ "Rizza, bumaba na ba si Hilton?" tanong ko kay Rizza, nang abutan ko itong nag-iimpis ng kalat sa lamesa. "Ay Sir, good morning po! Iyun na nga po sana, Sir eh, kaso hindi na naman po kumain, eto nga po inimpis ko na naman po ang mga pagkaing inihanda ko na hindi na naman po n'ya ginalaw, narinig ko na lang pong nagpapahatid na kay Kuya Greg sa School," sagot nitong ikina buntonghininga ko na lang ang narinig ko rito at hindi na ako umimik pa, tumango na lang ako at dumiritso na rin palabas ng bahay para pumasok sa Opisina. Kita ko ang malaking pagbabago sa nangyari kay Hilton simula nang mangyari ang trahedyang 'yon sa Restaurant tatlong taon na ang lumipas, kung saan nasaksihan nito ang nangyari kay Gene, sa babaeng itinurin

