_{JHON MARKUZ's POV}_ "Boss, ayon ho sa nakuha naming impormasyon ay patuloy pa rin ho si Mr. Tomoharu sa pag papalaganap ng droga, at ayon na rin ho sa impormante ko ay kayo ang ginagamit na pangalan ni Mr. Tomoharu, dahil sa kilala ho kayo ay maraming itong naiilabas na droga palabas ng bansa upang ibenta," agaw ni Greg sa aking atensyon. "Damn it!!!" mariin kong mura, "Kuhain n'yo ang lista ng mga pangalang nakausap o umanib kay Mr. Tomoharu, at dalhin lahat sa akin, at ihuli n'yo ang gagong 'yon!!" "Copy, Boss." sagot nito, pagkatapos ay lumabas na uli ng aking opisinang nand'to sa mansyon. Napakuyom na lang ang aking mga kamao kasabay ng pag-igting ng aking mga panga, dahil sa galit na naramdaman dahil sa gagong matandang 'yon, na nagkamali ako ng kunin ang serbisyo nito dahil ngay

