_{GENE's POV}_ NAGISING ako nang maramdaman kong may marahang humahaplos sa aking pisngi, nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Mark, ngunit sa kabila nun ay mababakas ang waring puno ng pag-aalala, pagkatapos ay agad ako nitong niyakap. "Fvck! Gene! Thanks God, you're awake!" masigla ngunit puno ng takot o pangambang sabi nito, ngumiti naman ako ng baghaya at gumanti rin ng yakap sa kabila ng aking panghihinang nararamdaman. "Tsk! Para namang hindi mo ako kilala ah! Siyam nga kasi ang buhay ko 'di ba?" pabiro kong sabi rito, saka ko sinabayan ng mahinang pagtawa. "It's not funny, Gene!" galit naman nitong sabi saka umayos ng tayo at mariin akong tinitigan. "How's Ate Gemma?" imbes na tanong ko rito at binalewala ko na lang ang galit galitan n

