_{JHON MARKUZ's POV}_
Nakatitig lang ako sa labas ng building, at pinanonood ang mga sasakyang parang mga lagaring paroon at parito, at ang mga taong akala mo'y mga langgam na abala sa pauli uli maghapon para lang humanap ng ikabubuhay, samantalang ako, na narito na sa itaas, at may kakayahang gawin ang lahat ng bagay, ngunit bakit sa kabila nun, hindi ko pa rin makita o mahanap ang babaeng labimpitong taon ko nang pinananabikang makita, ang batang babaeng nasa sampung taon pa lang ang edad noon, at ngayon nga ay nasa dalawamput pitong taon na rin ang batang babaeng 'yon ngayon, pero kahit na isang impormasyon ay wala akong makuha para mahanap ko na si Gene, subalit sa kabila ng paghahanap kong 'yun kay Gene, ay isang babae naman ang nagpapagulo sa aking isip ngayon, na inakala kong makakaharap ko na nang gabing 'yon, nang puntahan ko ang address na nakuha ni Greg, dahil sa pagsunod sunod n'ya sa babaeng 'yon, pero nang gabing pinunthan namin ay wari bang nalalaman nito ang mga bawat galaw ko at agad 'tong nakatakas, at nung oras na nakasalubong ko ang babaeng 'yon at matitigan ko ang mga mata nito habang nakasakay sa motor, ay waring may damdaming sumibol sa aking kalooban na hindi ko naman mabigyan ng kasagutan, ang mga mata nitong para bang may sinasabi o isinisigaw na damdamin at ang makinis nitong balat na hindi ko rin maintindihan sa aking katawan at ganun na lang kabilis sumibol ang init na bumabalot sa aking buong sistema, at ang angas ng dating nitong lalong nagbigay sa akin ng matinding paghanga para sa babaeng 'yon, dahil nung mga oras na nakasalubong ko 'to ay tanging maiksing short at sandong itim lamang ang suot nito at nang lingunin ko ang babaeng 'yon, nang tuloyan na ngang makalampas sa akin ay muli ko na namang nakita ang tattoo nito sa balikat, kaya mabilis kong ipinaliko ang sasakyan at pinahabol kay Austin ang motot na nasa unahan namin, ngunit sadyang magaling talaga ang babaeng 'yon, kaya't hindi namin inabutan hanggang sa tuloyan na ngang nawala sa aking paningin, at dahil sa gigili na aking naramdaman ng mga oras na 'yun ay hindi ko napigilang magpaputok ng baril, na waring sa paraang 'yun ay mailalabas ko ang galit at matinding frustration na aking nararamdaman.
"Boss, nakahanda na po ang lahat." sabi ni Austin, tumango naman ako at tumayo na rin, saka dumiritso palabas ng opisina, papunta na kami ngayon sa imbitasyon ni Morris na gaganapin sa isang sikat na hotel na alam kong isa rin ito sa may-ari ng hotel na 'yon, nang makasakay na kami sa sasakyan ay agad na ring pinaharurot ni Onas ang kotse, habang nasa biyahe ay muli ko na naman naaalala ang CCTV record na pinanood ko nung araw na naganap ang inkuwentro sa Banko kung saan ako naroon nung araw na 'yon at kung saan ko rin nasaksihan ang isang babaeng may mabangis na karakter, na hindi takot sumabak sa gyera dahil may sapat na kakayahan at husay sa pakikipaglaban, at ang babaeng 'yon din ang nakasama ko nung gabing nagkaroon din ng inkuwentro sa mismong aking Bar, na kitang kita ko rin sa lahat ng kuha na nahagip ng CCTV sa loob at labas ng aking Bar.
"Boss, hindi na ho namin ma-trace 'yung babae, simula ho nung gabing 'yon na hinabol natin ang babaeng 'yon habang naka-motor, ay 'yun na rin ho 'yong huling araw na na-trace namin. Sinubokan ko na rin hong magbantay sa Police Station kung saan ito naka-base, at magtanung tanong sa mga kasamahan nito, pero ang ikinapagtataka ko lang ho, Boss, araw araw naman daw na pumapasok ang babae sa trabaho, pero hindi ko nakikitang lumabas at pumapasok ng istasyon," agaw ni Greg sa aking presensya, na halos wala ng ibang laman ang aking isip kundi ang babaeng 'yon, simula ng gabing 'yon na nangyari sa aking Bar.
"Then, find another way, Greg!! I need that woman!!" mariin kong sabi, na ikinatahimik naman ng mga 'to, na kahit ang aking kamao at mariin ko ring naikuyom.
"Boss, nag-report po kanina si Nestor, sumugod daw ho ang mga tauhan ni Henry Ford sa hideout kanina, pero wala naman daw pong napuruhan sa kanila, at hawak daw po nila ngayon ang ilang mga tauhan ni Henry Ford, inaalam pa rin daw po nila kung sino ang nag-uutos sa kanila na ipatumba kayo, gayong wala na si Henry Ford," sabi ni Austin, napangisi naman ako, dahil sa wakas lumabas na rin sa hawla ang anak nitong si Onnix Ford, ang nag-iisang anak ni Henry Ford, na isa ring gustong kumalaban sa akin para maagaw ang aking posisyon bilang pinuno ng mga Mafia.
"That was Onnix, Henry Ford's only child. Give him the game that he wants, a good game." seryoso kong sabi, saka ako ngumisi, na kahit ang tatlong sina Greg, Austin at Onas, ay bahagya rin napangisi, dahil alam kong alam na ng mga 'to ang ibig kong sabihin.
Ilang sandali pa ay tumigil na rin ang sasakyan sa isang malaki at kilalang Hotel dito sa Makati, kung saan gaganapin ang okasyon ni Morris, ngunit hindi alam ng lahat, na ang talagang pakay ni Morris sa okasyong ito ay ipatumba ang lahat ng maaaring hadlang sa mga negosyo nito, at 'yon ang hindi alam ni Morris na bago pa man n'ya magawa ang plano n'yang 'to ay nakahanda na ang aking mga tauhan, napangisi na lang ako sa aking isip habang naglalakad papasok sa loob ng malawak na bulwagan, marami nang mga taong dumating at talagang makikita sa mga kasuotan ng mga ito na halos palaban din sa istado pagdating sa lipunan, napailing na lang ako dahil kong karamihan sa mga 'to, ay handa ring pumatay para sa pera at kapangyarihan, gaya na lang ni Henry Ford, ngunit hindi na rin nito nagawa pa ang gusto nito, dahil isang babae lang ang nagpatahimik rito, ang babaeng hindi ko alam kung ano ang dahilan nito at nagmimistulang anino ko na pumoprotekta sa akin.
"Ohh? Mr. Jhon Markuz Morrison, A Leader of all the Mafia is here, I'm glad you came, and finally, hindi mo na ibinasura ang aking imbistasyon sa limang beses na pagkakataon." nakangising sabi ni Morris, na alam na alam ko na ang ibig sabihin ng mga ganung ngisi sa mga gan'tong klaseng tao. Inabot ko ang kamay nitong nakalahad at saka nakipag-kamay, na hindi ko na nagawa pang umimik ng may yumakap ritong babae at hinalikan ito sa labi, ngumisi na lang ako ng tuloyan na rin 'tong hinila palayo ng babaeng alam kong isa rin sa mga laruan ni Morris pagdating sa kama.
"Boss, dumating na po sina Charles Merrill, Sam Walton at Mr. Choi, pero nasabihana na rin po namin sila kanina bago pumunta rito, at nasa inyo po ang panig nila kung magkagipitan mamaya, nakahanda na rin po ang mga tauhan nila na nakipag-cooperate na rin po kina Austin at Onas," bulong sa akin ni Greg, kasabay ng inabutan ako nito ng isang basong alak.
"Good! Be alert, Greg, any moment magsisimula n ang mga 'yan," mahina ko namang sagot rito, tumango naman ito at muli nang tumalikod sa akin at bumalik na uli sa puwesto nito, hanggang sa naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ng tatlong tao na sinasabi ni Greg, na ikinatuwa ko naman nang marinig kong nasa akin pa rin ang panig ng mga 'to.
"Good evening Mr. Morrison! We are glad because you still accepted our decision, na pumanig pa rin sa 'yo." sabi ni Charles Merrill.
"Malaki ang utang na loob namin sa inyong mag-ama, kaya sa inyo pa rin kami." sabi naman ni Mr. Choi.
"Sa likod mo lang kami, Jhon." seryosong sabi naman ni Sam Walton na halos kaedadan ko lang din, isa rin 'to sa maagang namulat sa gan'tong mundo, dahil ang mga magulang din nito ay kabilang din sa mga Mafia. Napangisi na lang ako at saka ko itinaas ang hawak kong baso ng alak.
"Cheers!" sabi ko saka ako ngumisi.
"Cheers!!!" sagot naman ng tatlo, na kita ko rin ang pagngisi ng mga 'to.
_{THIRD PERSON's POV}_
Lumipas ang mahigit tatlong oras ng kasiyahan at sa mga oras na 'yon, ay waring nakikiramdam din lang si Jhon, dahil may mga ilan na rin panay ang tingin sa kinaroronan n'ya habang kasama pa rin nito ang tatlong grupo na mas pinili ang umanib sa kanya na sina Mr. Choi, Charles Merrill at Sam Walton, na halatang hindi naman ikinatuwa ng karamihan, lalo na't ang kumalat na sa mundo ng mga Mafia ay si Jhon Markuz Morrison ang nakapatay sa isang maimpluwensyang tao na si Mr. Henry Ford, na naging dahilan upang maalerto naman ang ibang mga grupo.
Sa kabilang bahagi naman ng malawak na bulwagan ay abala ang mga tauhan ni Jm sa pagmamasid sa paligid, at nakikiramdam, dahil nararamdaman na rin nitong ano mang oras ay magsisimula na si Morris sa programa, at ang programang 'yon ay hindi isang kasiyahan kundi isang laban o giyera sa pagitan ng mga Mafia, dahil ang mga 'to ay agawan ng posisyon, kaya ang punterya ni Morris ay ipatumba si Jhon at ang mga grupong umaanib dito na lalong nagbibigay ng lakas kay Jhon.
Samantalang bigla naman na-alerto si Greg, Austin at Onas ng may marinig silang tatlo na nagsalita mula sa suot na earpiece ng mga 'to.
"Kuya Greg, Kuya Austin, Kuya Onas, get Jm out of that place, in ten minutes that table will explode!!" malakas na sabi ng isang babae sa earpiece na naka-kabit sa tainga ng tatlong malalapit na tauhan ni Jhon.
"Shitt!!" sabi ni Austin.
"Onas, ihanda mo na sila!!" natatarantang sabi ni Greg habang malalaki ang hakbang papalapit sa kinaroroonan ni Jm.
–(Back to JHON MARKUZ's POV)
"Boss, kailangan na nating umalis, walong minuto na lang sasabog na lamesang yan!" waring natatarantang bulong sa akin ni Greg, habang nakatingin sa relo nito, na ikina-alerto ko naman, at agad tumayo sako ko sinenyasan sina Mr. Choi. Charles Merrill at Sam Walton na agad rin naman nagkilusan dahil alam na ng mga 'to ang ibig kong sabihin, naglakad lang kami ng simple upang hindi makaagaw ng atensyon sa lahat, habang sa bawat hakbang namin ay nakikiramdam naman kami sa aming paligid, ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng mapansin ko si Greg na waring may pilit pinakikinggan sa suot nitong earpiece.
"Shiitt!! Ok! Ok!!" rinig kong sabi ni Greg saka ito bumaling sa akin.
"Boss, tatlong minuto, kailangan n'yo ng makalabas!!" natatarantang sabi ni Greg, saka ako lumingon sa leader ng tatlong grupong umanib sa akin, at sabay sabay naman nagtanguan ang mga 'to sa akin, kaya bago pa man kami tuloyang makalabas ng gusaling 'yon, ay mabilis ang aming naging pagkilos, agad kong binunot ang aking baril na natatakpan ng aking coat at mabili sa humarap sa kinatatayuna ni Morris, ganun na rin ang ibang grupong kaalyado nito, at kasabay ng aking pagpapautok ng baril ay s'ya namang pagsabog ng lamesang kanina lang ay aking kinaroroonan, ngunit nakita kong bumunot na rin ng baril si Morris at gumanti ng putok sa akin, kaya naman mabilis akong nagtago, na ganun na rin ang ginawa ni Greg, hanggang sa tuloyan na ngang nagkagulo ang mga tao, at kasabay ng sigawan ng ilang mga inosenteng tao ay ang malalakas na putokan ng mga baril.
"BOSS, SA LIKOD MO!!!" malakas na sigaw ni Austin na nakalapit na rin pala sa amin, ngunit bago ko pa man iputok ang aking baril ay tumumba nasa harap ko ang tauhan ni Morris, na ikinakunot naman ng aking kilay dahil ng lingunin ko ang aking mga tauhan, ay sige na rin ang pakikipagpalitan ng baril, at nang muli kong lingunin ang pingmulan ng lalaking gustong bumaril sa akin, ay nahagip ko ng aking tingin ang isang taong mabilis na sinipa ang isang armadong lalaki na kita kong nakatutok na rin sa akin ang baril, at dahil sa bilis ng kilos ng taong 'yon ay tumalbog ang hawak na baril ng lalaki, saka tinalunan ng taong muling nagligtas sa akin, na alam kong babae ito at hindi ito isa sa aking mga tauhan dahil wala akong babaeng tauhan kahit na ang taglong grupong umanib sa akin. Nakita kong bumagsak ang lalaki at mabilis na pinilipit ng babae ang leeg nito, saka ito mabilis na tumayo at dinampot ang baril. Sinundan ko na lang ng tingin ang babaeng 'yon, at dahil sa bilis ng kilos ay agad na ring nawala sa aking paningin.
"BOSS!! DITO!!" sigaw ni Greg habang nakikipagpalitan ng putok para makalipat ako ng puwesto, ngunit imbis na tumakbo ako ay sinalubong ko ng mga putok ng baril ang aking mga kalaban, na kitang kita ko namang isa isang bumabagsak sa aking harapan habang sina Austin, Greg at Onas naman ay mabilis na lumapit sa akin at umikot sa aking likuran na wari bang pinuprotekhan ako ng tatlo, na ramdam ko at alam kong handang lumaban at ibuwis ang buhay ng mga 'to para sa akin. Lumipas ang ilang sandali ng aming pakikipaglaban ay tumigil saglit ang mga putokan na inakala naming tapos na ang laban dahil halos lahat ng mga tauhan ni Morris ay nakalatag na ang mga katawan sa sahig na wari bang wala na ring mga buhay. At 'yon ang bagay na hindi ko inasahan nang biglang lumitaw sa harapan naming apat si Morris kasama ang ilan pang mga tauhan nitong natitira habang nakatutok sa akin ang baril nito ganun na rin ang ilan pang mga tauhan nito, na kahit sina Greg, Austin at Onas ay hindi rin agad nakakibo o kahit ang maitaas man lang ang mga baril ng mga 'to para itutok sa kalaban at sa mga oras na 'yun wala na rin akong bala.
"HAHAHA!" halakhak ni Morris "–Paano ba yan, Morrison? Mukhang ito na rin ang huling araw mo! HAHAHAHA!! Pasensyahan na lang kung nauhan kita! HAHAHA!" saka nito ikinasa ang baril nang matapos nitong ikabit ang magazine. Nanatili lang akong nakatitig dito at nakikiramdam, ngunit biglang naaagaw ang aking atensyon ng may babaeng nagsalita mula sa earpiece na nakabakit sa aking tainga, na kanina ko lang din ini-on nang magsimula na ang laban.
"Kuya Greg, Kuya Austin, Kuya Onas, Just protect Jm, cover him! Count one to three, dumapa kayo! One –two –three!! Dapa!!!" rinig kong sabi ng isang babae sa kung nasaang sulok ng gusaling 'to, hanggang sa naramdaman ko ang puwersa ng ginawang pagtulak sa akin ni Greg, at ang pagdagan sa akin ni Austin habang nakadapa, at rinig ko pa ang pitong beses na sunod sunod na putok ng baril, at bago pa man makaputok ng baril si Onas ay nakita ko nang nakabulagta na sa sahig ang nasa anim pang tauhan ni Morris, habang si Morris naman ay hindi na makakilos pa mula sa kinatatayuan nito, kitang kita ko ang panginging ng mga kamay nitong tumutulo ang dugo, at halatang sa bahaging 'yun pinunterya ng babaeng narinig kong nagsalita sa earpiece na naka-kabit sa aking tainga. Dahan dahan akong bumangon at saka ko inilibot ang aking paningin sa loob ng gusali, subalit wala akong nakita ni anino ng babaeng 'yon.
"DAMN YOU, MORRISON!!! I WILL KILL YOU!!!" malakas na sigaw ni Morris na hindi ko na napansing nasa nakuha na pala nitong muli ang baril gamit ang isang kamay nitong walang tama ng baril, ngunit bago pa man nito maiputok ang hawak nitong baril ay bigla naman lumitaw sa noo nito ang pulang ilaw, o ang laser na nagmumula sa isang klase ng baril, at kung gaano kabilis ang paglitaw ng pulang ilaw sa noo nito ay s'ya namang pag-alingawngaw ng isang malakas na putok na hindi ko alam kung saan nagmumula, hanggang sa nakita kong tuloyan nang bumagsak si Morris sa sahig habang nakadilat ang mga mata nito at dumadaloy ang masaganang dugo nito mula sa noo.
"FVCK!!!! WHO THE HELL ARE YOU??" malakas kong sigaw na alam kong naririnig ng babaeng naka-konekta sa aking suot na earpiece, narinig ko naman ang pag buntonghiningi nito, saka nagsalita.
"Soon, Jm! –Soon, you will know." malamig na boses na sabi ng babae, hanggang sa tuloyan na nga wala na akong narinig na kung ano pa mang ingay.
"FVCK!!!! DAMN IT!!!!" malakas kong sigaw saka ko inagaw ang baril na hawak ni Onas at pinaputok ko 'yun ng ilang beses paitaas, dahil sa gigil at galit na aking nararamdaman, sa hindi ko malamang dahilan kung para saan, galit dahil sa para bang nangangapa ako ng isang bagay sa isang madilim na lugar at gigil dahil sa hindi ito nagpakalala sa akin, o kahit ang magbigay man lang sana ng kahit anong impormasyon para magkaroon ako ng ideya sa pagkatao nito. Pagkatapos ay agad na rin akong lumabas sa gusaling 'yon at mabilis na tinungo ang aking sasakyan, na mabilis din naman ang naging pagsunod sa akin ng tatlo.