EPISODE 8

2195 Words
_{GENE's POV}_ "Mama!!!" sigaw ng aking anak habang tumatagpo papalapit sa akin, na alam kong kabisado na rin nito ang aking motor, na kahit nga ang tunog ng aking kotse ay alam na rin nito eh, na kahit pa tulog basta marinig nito ang aking sasakyan ay agad nagigising at saka tatakbo sa akin papalapit. "Gene!! Diyos ko!! Ayos ka lang ba??" sabi ni Ate Gemma na kasunod din lang ni David papalapit sa akin, at mababakas sa mukha nito ang waring pag-aalala, kaya naman napakunot ang aking mga kilay dahil sa pagtataka kung bakit gan'to ang itsura nito. "Hey? What's going on here? Bakit parang ang tagal nating 'di nagkita kita eh kagabi lang ako hindi nakauwi!" natatawa kong sabi sa dalawa, nang tuloyan na ngang nakalapit sa akin. "Nagagawa mo pang magbiro, eh halos nasa piligro ka na naman nga kanina!" nag-aalalang sabi ni Ate. "Mama, I saw you on TV, you fought those bad people, I want to be like you when I grow up, Mama, strong like you, because you can fight them!" masiglang sabi ni David, na ngayon ko naunawaan ang ibig sabhin ni Ate Gemma, nginitian ko naman ang dalawa, saka ko binuhat si David, ngunit napadaing ako nang maramdaman ko ang bahagyang kirot ng aking kabilang balikat, na lalo ko lamang naramdaman ang pananakit ng aking buong katawan, na pakiramdam ko para na rin akong lalagnatin. "Ouch!" bahagya kong daing, na lalo namang ipinag-alala ni Ate Gemma. "Ayos ka lang ba, Gene? May tama ka ba? Ano'ng nararamdaman mo?" sunod sunod naman nitong tanong, na ikinangiti ko naman ng bahagy. "Ate, ayos lang ako, 'wag ka mag-alala, parang hindi mo naman ako kilala," nakangiti kong sabi rito. "'Yun na nga, Genalyn, ang punto ko eh, kilala kita, kaya ako nag-aalala! Diyos ko naman, tayo na nga lang dalawa ang magkasama, tapos nasa ganyang trabaho ka pa, na sa tuwing malalaman ko o mapapanood kita sa TV, na nakikipaglaban, pakiramdam ko dahan dahan na akong tinatakasan ng aking kaluluwa, sa tindi ng aking takot na nararamdaman, at muling bumabalik sa aking ala-ala ang mga nangyari noon, na nawala sina Nanay at Tatay dahil sa mga ganyan, sa mga bala ng baril," umiiyak na sabi ni Ate Gemma, na alam kong sobra na itong natatakot o nag-aalala para sa kalagayan ko, at nauunawaan ko rin naman ito, pero hindi ko naman puwedeng basta basta na lang iwan ang aking propesyon, pinangarap ko 'to eh, at ipinangako ko sa aking sarili na magiging matapang ako para maprotektahan ko ang aking mga mahal sa buhay, na hindi ko nagawa noon sa aming mga magulang, dahil sa wala pa akong kakayahan noon, kundi ang umiyak at sumigaw, at ngayong nasa gan'to na akong posisyon na may sapat ng kakayahan upang maprotektahan ko sila, ay hindi ko hahayaan na ang natitira kong mahal sa buhay ay mapapahamak na wala man lang akong kakayahang ipagtanggol sila. Niyakap ko naman si Ate Gemma habang kalong ko sa kabila kong braso ang aking anak, pagkatapos ay hinagod ko ang likod nito para pakalmahin. "Ate, magtiwala ka sa akin na hindi ako mapapahamak, ok? –Sabi nga ng aking Boss, malakas ako eh, 'di ba, my little Boss?" sabi ko saka ako bumaling ng tingin sa aking anak. "Yes! Mama! You're strong and brave, that's why I want to be like you when I grow up, puwede po 'yun, Mama, 'di ba?" masiglang sabi ni David, ngunit bago pa man ako maka-imik ay agad naman uling nagsalita si Ate Gemma. "Oh ngayon, pati 'yang anak mo, idadamay po, at gagawin mong kagaya mo! Paano na lang pag lumaki na 'yan at nagkaroon ng pamilya, hindi mo ba naiisip, Genalyn, kung ano rin ang mararamdaman nila? 'Yung matinding pag-aalala na gaya ng aking nararamdaman pag nalalaman kong nakikipag-barilan ka, o nasa misyon mo? Hindi ako papayag na pati 'yang anak mo eh isusunod mo sa mga yapak mo!!" matigas at may pinalidad na sabi ni Ate Gemma, saka ito tumalikod, napa buntonghininga na lang ako at napa-iling. "Mama, galit po ba sa akin si Tita Gemma, kasi gusto ko rin pong maging kagaya mo paglaki ko?" halatang nalulungkot na tanong sa akin ni David, ngumiti naman ako rito saka ko 'to hinalikan sa noo. "No, my little Boss, Tita Gemma was just worried kasi love ka ni Tita, kagaya ng Love ni Mama sa 'yo," nakangiti kong sagot rito, kaya naman umaliwalas na ang itsura nito, na kanina lang ay mababakas ang bahagyang lungkot. "Talaga po, Mama? Pati po ba si Papa Oscar love n'ya rin po ba ako?" masigla nitong tanong, tumango naman ako ng sunod saka ko ginulo ang buhok nito. "Oh? Ano'ng mayroon? Bakit naririnig ko yata ang pangalan ko, Captain?" agaw ni Kuya Oscar sa aming atensyong mag-ina, na sabay naman kaming napalingon sa pintuan kung saan nakatayo roon si Kuya Oscar na kadarating din lang, kaya naman napalingon ako sa aking suot na relo, dahil hindi ko na namamalayan ang oras, na halos mag-aalas sais na rin pala ng hapon. Nagtatrabaho si Kuya sa J-Hilton inc. na isang sikat na kompanya rito sa Pilipinas, ngunit, hanggang ngayon ay walang makapagsabi kung sino ang totoong may-ari ng kompanyang 'yon. na hindi ko rin naman pinag-uukolan ng panahon alamin dahil alam kong maayos naman si Kuya sa kompanyang iyon at walang nagiging problema, na ayon rito ay maayos rin naman ang pamumuno sa lahat ng empleyado, at malaki rin ang mga benepisyo para sa lahat ng manggagawa ng kompanya. "Papa Oscar!!" sigaw ng aking anak, at dali dali naman itong bumaba mula sa akin at mabilis na tumakbo palapit kay Kuya Oscar, na agad rin naman nitong kinalong, napangiti na lang ako, dahil sa nakikita kong pagmamahal na ipinararamdam ng mag-asawa para sa aking anak. Lumipas pa ang ilang mga oras, nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone na agad ko namang dinampot, alas otso na rin pala ng gabi, pagkakain ko kasi kaninang alas sais, qy agad na rin akong nagpahinga, na 'di ko na namalayan ang oras, napasarap ang aking tulog, marahil ay dahil sa pagod ko kanina sa nangyaring Hostage Taking, isa pa ay dahil masama ang aking pakiramdam mula pa kaninang umaga pag gising ko. Napakunot ang aking mga kilay ng mabasa ko ang isang text ni Mark, na halatang galit na 'to, dahil hindi nito ugali ang magmura sa text, ngunit bago ko pa man ito matawagan ay muli namang nag-ring ang aking cellphone at si Mark na nga uli ang tumatawag. "Yes, Ma——" sabi kong 'di ko na rin natapos dahil agad na ring nasalita si Mark sa kabilan linya. "THEY ARE COMING!!! GOD DAMN IT, MOONLIGHT!!!! KANINA PA AKO TUMATAWAG!!" sigaw nito sa kabilang linya, dahilan naman upang magising ang aking diwa, na kahit ang aking mga ugat na kanina lang ay namamahinga, ngunit ngayon ay waring puputok na sa matinding pagtintig ng mga 'to, dahil sa pangamba at pag-aalala para sa aking pamilya. "WHAT?? s**t!!! DO THEY ALSO KNOW ABOUT MY CONDO?" makalas kong tanung dahil sa aking pangamba. "Yes! Alam na rin nila. –But don't worry, aabangan ko na sila Ate Gemma sa labasan in 30 minutes, ako nang bahala sa kanila, dahil in 45 minutes parating na d'yan si Morisson. Mag-ingat ka, Moonlight!" seryosong sabi ni Mark, na 'di ko na nagawa pang magsalita at agad ko na ring pinutol ang linya, saka mabilis na tumakbo palabas ng silid. "A-Ano'ng nangyayari, Gene?" nagugulohang tanung ni Ate Gemma, na inabutan ko ang mag-asawa habang mahimbing na natutulog sa mga hita ni Kuya Oscar. "Ate, Kuya, wala na tayong oras, kailangan na nating umalis!!!" nagmamadali kung sabi, saka ko ini-off ang TV, at agad isinunod ang mismong main fuse box ng buong bahay. "Ano bang nangyayari, Gene?" tanung naman ni Kuya Oscar na mababakas na rin sa mukha nito ang pag-aalala. "Mamaya ko na ipapaliwanag, dahil in 20 minutes nadito na sila!!" sagot ko na agad na ring tumayo si Kuya at mabilis na binuhat si David, pagkatapos ay ipinasa nito kay Ate. "Lumabas na kayo, Gemma sa labas, kukunin ko lang ang susi ng kotse!" natatarantang sabi ni Kuya Oscar na agad naman sinunod ni Ate Gemma habang kalong ang aking anak ako naman ay mabilis kong kinuha ang aking importanteng gamit sa aming silid at agad kong isinukbit sa aking balikat ang Chest Holster na nakasuksuk na rin doon ang aking baril, hindi na ako nag-atubili pang magpalit ng damit, naka short shorts lang ako at sandong itim, na kahit ang aking buhok ay hindi ko na rin nagawa pang itali. Paglabas ko ng bahay ay naroon na rin sina Kuya sa labas, at nakabukas na rin ang makina ng sasakyan, hindi naman ako nahirapang kumilos sa loob ng bahay kahit walang ilaw, dahil sanay na rin naman akong kumilos sa ganung sitwasyon dahil sa aking trabaho, agad akong lumapit sa kanila nang matapos kong i-locked ang pinto. "Kuya, Ate, kayo na muna ang bahala kay David, ha? Dumiritso kayo sa sa unang kanto pakanan ay naghihintay na sa inyo si Mark, ano man ang mangyari 'wag kayong titigil o kakaliwa hanggang hindi n'yo nakikita si Mark, naka-monitor na rin kayo sa kanya kaya alam n'ya kung nasaan na kayo. Sige na, Kuya, Ate, mag-iingat kayo, susunod na ako!!" seryoso kung sabi, at agad na ring pinaharutot ni Kuya Oscar ang kotse nito, habang ako naman ay mabilis ang naging kilos na idinikit ang maliit na device sa harapang ng bahay, maliliit na camera na kahit hindi konektado sa kuryente at malinaw pa rin nitong makukunan ang mga mangyayari, na nakakonekta na rin ito kay Mark, nang matapos ay agad kong inilabas ang aking Ducati Panigale V4, at mabilis ko na rinh ini-lock ang gate, pagkatapos at sumakay na rin ako sa aking motor at agad ko na ring pinaharurot nang maisuot ko na ang aking helmet, nag-vibrate ang aking cellphone na naka-konekta sa agad sa aking earpiece. "Yes, Mark? How are they? Is it already there?" agad kong tanong. "Yeah! They are with me, don't worry! hurry up, it's only five minutes," seryosong sabi nito, na sakto namang may tatlong kotseng itim ang sunod sunod na lumiko papunta sa aking direksyon na nagmula sa kaliwang kanto, kaya naman inihanda ko na ang aking sarili kung sakaling makilala ako ng mga 'to, dahil alam kong mga tauhan na ni Jm ang laman ng mga sasakyang 'to, o maaaring isa sa tatlong kotseng 'yon ay naroon din ang taomg tinatakasan ko, si Jm. "Yeah! Nakaliko na sila sa direksyon ko, don't worry about me, Mark. Just take care of them, magkita na lang tayo sa hideout, susunod na ako." sabi ko, at agad ko na ring pinutol ang linya, diritso lang ako ng takbo, ngunit ang aking paningin ay nakatuon sa tatlong kotseng dumaan sa aking gilid, ngunit sa huling kotseng dumaan, ay ganun na lang ang biglang pagkabog ng aking dibdib ng magsalubong ang mga mata namin ni Jm, na kita ko pa sa itsura nito ang waring nagulat rin at bahagya pang napa-angat ang likod nito sa upuan, na ako naman ay lalong hindi naging komportable sa tagpong 'yun, kaya naman mas lalo ko pang pinarurot ang aking motor, at mula sa aking side view mirror, ay kitang kita ko ang mabilis na pag-ikot ng kotseng nahuhuli kung saan nakasakay roon si Jm, na alam kong ako ang dahilan na maaaring nakilala na agad ako nito, na ako ang babaeng dalawang beses na nitong nai-incounter at alam kong hindi pa rin ako nito tuloyang naaalala o talagang nakikilala na ako ang batang babaeng iniligtas nito noon, labimpitong taon na ang nakalilipas. Subalit bago pa man magkaroon ng pagkakataon ang mga ito na maabutan ako ay agad ko na ring binilisan pa ang takbo ng aking motor, na hindi naman nakakapag-alala, dahil madalang pa rin ang sasakyan sa bahaging 'yon, at nang silipin ko sa aking side view mirror ang kotse nito, ay hindi ko na maaninaw pa dahil sa napakalayo na rin ng distansya ko rito. Napangiti na lang ako at tuloyan ko na rin pinaharurot ang aking motor, hanggang sa tuloyan na nga akong nakalayo na halos hindi ko na natatanaw ang kotseng sinasakyan ni Jm. "Hindi pa ngayon, Jm, hindi pa! Darating din ang araw na magkakaharap tayo at pag nangyari 'yun, titiyakin kong makikilala mo na ako o maaalala mo, na ako ang batang nangako sa 'yo na puprotekhan ka, na ganun rin ang pangakong binitiwan mo sa akin noon, at 'yon ang aking paghahandaan, ang ating pagkikita." mahina kong sabi, habang patuloy pa rin sa mabilis na pagpapatakbo ng aking motor, papunta sa Secret Place namin ni Mark, na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam, dahil ang lugar na 'yon, ay naroon ang lahat ng aming mga kagamitan na ginagamit sa aming mga misyon, mga iba't ibang klase at uri ng mga armas, mga pasabog, mga costume, at iba't ibang mga gadget, na naroon naka-konekta lahat ng pagsubaybay namin sa lahat ng CCTV footage na hinahawakang kaso namin ni Mark, lalong lalo na ang tungkol kay Jm, at sa aking condo, ganun na rin bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD