_{JHON MARKUZ's POV}_
NAGISING ako kinabukasan na sobrang sakit ng aking ulo, na waring may hang over dahil sa alak na nainum ko kagabi na kung tutuosin ay halos iisang baso lang na hindi ko pa naubos ang aking nainum, tumihaya ako at bahagya kong hinilot ang aking sentido, habang nananatiling nakapikit ang aking mga mata. Ilang sandali pa ay nagmulat na rin ako ng aking mga mata, ngunit napakunot naman ang aking mga kilay ng mapansin kong ibang silid ang aking kinalalagyan, at nang iginala ko ang aking paningin ay saka ko nalamang nadito ako sa isang silid ng VIP room sa mismong sarili kong Bar, agad akong napabalikwas ng bangon ng biglang bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kagabi, tumayo ako ay inikot ko ang kabuoan ng silid na 'to, na kahit ang c.r ay sinilip ko, ngunit wala ni anino ng isang babaeng ginamit ko kagabi, bumalik ako sa kama at dinampot ang aking pantalon na aking hinubad kagabi, napakunot naman ang aking kilay kung bakit nanatiling nasa katawan ko ang aking boxer, ngunit ang aking longsleeve naman ay hindi ko makita, hinila ko ang kumot na nasa ibabaw ng kama, subalit hindi ko nakita roon ang aking pang itaas na damit, bagkus ang mantsa ng dugo na nasa sapin ng kama ang umagaw sa aking pansin, lumapit ako at mariin kong tinitigan, at sa pagkakataong 'yon, ay isa isa ko ng naaalala ang mga nangyari kagabi, ang paglapit ng isang babae sa akin at dinala ako rito sa loob ng silid, ngunit nang tatangkain na sana ng babaeng 'yon na lumabas ng silid ay hindi ko hinayaang mangyari, dahil upang may mangyari sa aming dalawa at–– "Fvck!!!! She's a virgin, and –and her tattoo!!!" mariin kong sabi, at saka ako nagdumaling lumabas ng silid nang maisuot ko na ang aking pantalon, na tanging 'yun din lang ang aking suot dahil sa hindi ko na makita ang aking damit pang-itaas.
Pagbaba ng Bar ay nakita kong maayos na uli ang loob nito, na para bang wala man lang nangyaring gulo kagabi, nakita ko ang aking mga tauhan na papalapit sa akin at nangunguna sa mga 'to sina Greg, Austin at Onas.
"Boss, naayos na ho namin lahat, ang bawat pamilya ng mga nadamay kagabi." sabi ni Onas.
"Naging maayos rin ho, Boss ang naging operasyon kagabi, wala naman hong naging aberya." sabi naman ni Austin, pero kahit isa sa mga sinabi ng dalawa ay wala kong pinansin, dahil ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang babaeng nakasama ko sa loob ng silid, ang babaeng pinahirapan ko dahil lang sa nasa ilalim ako ng droga.
"Where was the woman with me last night, Greg?" seryoso kong tanong at mariing nakatingin kay Greg.
"Huh? Eh Boss nung balikan ko na ho kayo kagabi habang kasama ko 'yong babae, eh kaso wala na ho kayo roon, kaya pinaalis ko rin ho 'yung babae, at inakala ko ho na nakaakyat na kayo sa itaas," halatang nagugulohan na sagot ni Greg, na tama ng ang nasa isip ko, ibang babae 'yon, at hindi lang basta babae, na lalo lamang naging palaisipan sa akin kung sino ang babarng 'yun, at ano ang dahilan nito kagabi at bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"FIND THAT WOMAN!! CHECK ALL CCTV RECORDS! NOW!!!" malakas at mariin kong sabi sa mga 'to, nagsipagtanguan naman at agad na rin umalis sa aking harapan.
Lumipas pa ang ilang sandali at ibinigay na sa akin ni Greg ang loptop kung saan naroon na ang kopya ng CCTV record kagabi.
"Boss, napansin ko ang malaking pagkakapareho ng babaeng 'yan sa lahat ng kopya ng CCTV na makikita roon ang babaeng ilang beses ka na ring iniligtas." seryosong sabi ni Greg, na sa sinabi nitong huling salita ay napaisip ako, dahil kung totoo man ang sinasabi ni Greg na inililigtas ako ng babaeng 'yon, bakit at ano ang motibo nito.
"Who are you?" mahina kong sabi habang nakakatitig sa screen ng loptop, na kitang kita ko ang babaeng 'yon na lumabas ng silid habang nakatungo, at napansing ko rin ang suot nitong damit, na kaya pala hindi ko makita ang aking pang itaas na damit, ay 'yun pala naman ay nasa katawan na ng babaeng 'yon, ngunit hindi ko naman maintindihan ang aking sarili na sa mga oras na 'to ay para akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa aking puso, na para bang nagugustohan ng aking puso ang tanawing suot nito ang aking damit, napailing na lang ako at muli kong itinuon ang aking pansin sa screen ng loptop, kita kong ang kilos ng babaeng 'yon na waring nagdudumali habang papalabas ng fire exit.
"Kami na ho ang bahala, Boss, sa babaeng 'yan, sinisimulan na rin ho namin ang pag-iimbestiga sa kanya." sabi ni Onas, tumango naman ako at hindi na umimik pa.
"Boss, tumawag na po si Mr. Sam Walton, payag na raw po s'ya sa inaalok n'yo," sabi ni Austin, dahilan para maagaw ang aking atensyon.
"Ok, good! Prepare the contract, and set up a meeting this lunch at my favorite Restaurant." sabi ko, pagkatapos ay lumabas na ako ng Bar, na agad rin naman sumunod ang tatlo, ganun na rin ang ko pang mga tauhan. Habang nasa biyahe ay hindi ko pa rin mawala sa isip ko ang babaeng 'yon, at aaminin kong puno na ang utak ng maraming katanungan tungkol sa babaeng mula pa sa nakalipas na anim na taon ay wari bang naging isang anino ito sa akin, at sa loob ng mga taong 'yon ay hindi ko man lang nakita ang itsura nito, na para bang isang anino lang sa dilim, pero ngayon, hindi na ako papayag na hindi ko malaman o makilala ang katauhan ng babaeng 'yon, ngayon pa na may namagitan na sa amin at alam kong 'yon din ang babaeng nasa likod ng aninong 'yon sa nakalipas na anim na taon.
"Boss, tumawag ho pala ang Senior, kung makakapunta raw ho kayo sa death anniversary ng Seniora sa susunod na linggo?" agaw ni Greg sa aking atensyon, bumaling naman ako ng tingin dito tumango.
"Fix my schedule." seryoso kong sagot.
"Boss, nakahanda na rin po pala ang lahat para sa makalawa, sa imbitasyon ni Morris," sabi naman ni Onas.
"Good!" simpeng tugon ko, at muli kong itinuon ang aking tingin sa labas ng sasakyan.
Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil alas onse na rin kami nakarating dito sa aking condo, at hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin ako, nagsuot lang ako ng longsleeve na itim na medyo fit sa aking katawan at hinayaan ko lang na nakabukas ang tatlong butones, dahilan naman upang mas lumitaw ang magandang hulma ng aking katawan, pinaresan ko lang ng black denim jeans at leather black shoes, nang matapos ay isinuot ko na rin ang aking sunglass, at dinampot ang aking cellphone saka dumiritso palabas ng aking unit. Paglabas ko ay naghihintay na rin ang tatlo sa tapat ng pintuan ng aking unit, tinanguan ko naman ang mga 'to, hudyat na paalis na rin kami.
"Boss, tumawag na ho ang Sekretarya ni Mr. Sam Walton, nadoon na raw ho sila." sabi ni Austin, tinanguan ko lang 'to at dumiritso na kami pababa ng Condominium.
Lumipas pa ang kalahating oras ay nakarating na rin kami sa lokasyon sa Makati kung saan doon ko ipina-set ang meeting ko Mr. Sam Walton, nang makapasok na kami ay agad na rin akong naupo sa harapan ni Mr. Sam Walton, bumati ito, pero tanging tango lang aking itinugon, saglit pa ibinaba na rin Greg sa harapan ni Mr. Sam Walton ang kontratang pepirmahan nito, nakipagnegosasyon kasi rito nung nakaraang linggo sina Greg ag Austin, para sa panibagong itatayo ko negosyo na itatayo ko sa labas ng bansa, nung una hindi ito pumayag, at hindi rin naman ako namilit, dahil 'yun ang hindi ko ugali, kung ayaw ay wala ng marami pang salita, magandang asset din kasi sa negosyo 'to dahil kilala rin 'to sa lipunan bilang isang magaling na negosyante, kaya nung sinabi ni Greg na pumayag na ito, napailing na lang ako. Ilang sandali pang pag-uusap ay pinermahan na rin nito ang kontrata, at hindi na rin naman nagtagal pa si Mr. Sam Walton.
“Thank you, Mr. Morisson, I am honored to be your business partner." nakangiti nitong sabi habang nakatayo, saka nito inilahad ang kamay sa akin, tumayo naman ako at seryoso kong inabot ang kamay nitong nakalahad at bahagya lang akong tumango, nang tuloyan ng makalabas ng Restaurant si Mr. Sam Walton kasama ang mga tauhan nito ay saka naman tinawag ni Greg ang Waiter at sinabi rito ang aking mga gusto kong pagkain. Ilang minuto lang ay inihatid na sa aking table ang aking mga pagkain, ganun na rin ang pagkain ng aking mga tauhan na sa kabilang lamesa din lang, nagsimula na akong at halos nasa kalahati pa lang ang aking pagkain nang mapansin kong isa isa nang naglalabasan ang mga taong kumakain sa loob ng Restaurant na 'to, na kahit ang ilan ay halatang hindi pa rin tapos, hanggang sa napansin kong lumapit ang isang lalaking naka-Police uniform kina Greg at saglit itong kinausap, pagkatapos ay lumapit naman ito sa akin kasama ang aking mga tauhan.
"Boss, may nangyayari raw ho na Hostage taking d'yan sa katabing Banko, pinag-iingat lang daw ho ng may-ari ng Restaurant ang mga customer." mahinang sabi ni Greg, tumango lang naman ako at muling nagpatuloy sa pagkain, ganun na rin ang aking mga tauhan, at tumalikod na rin ang Police na lumapit sa amin, at bahagya pa itong yumukod bago tuloyang lumabas ng Restaurant, ngunit nakakailang subo pa lang uli ako nang maagaw ng isang babae ang aking pansin sa labas ng Restaurant nang saktong mapabaling ako ng tingin sa bahaging 'yun, nakita kong sumaludo ang mga Pulis sa babaeng nakasuot ng purong itim na damit, na hindi ko maintindihan sa aking sarili kung bakit para bang hindi ko kayang umiwas o kahit malingat man lang ito sa aking paningin, na wari bang na-magnet na ng babaeng 'yon ang aking presensya. Nanatili lang akong nakasunod ang tingin sa galaw ng babae, na hindi ko naman maiwasang makaramdam ng paghanga sa dating nito, na wari bang kahit sino ang makaharap nito ay makakaramdam ng takot, dahil sa seryoso rin nito itsura. Hinubad nito ang jacket at mabilis isinuot ang bulletproof vest na hinubad naman ng isang Pulis, at kasunod noon ay isinuot nito ang isang itim na bonnet nang matapos na nitong itali ang medyo may kahabaan nitong buhok, ay muling isinuot ang jacket, saka nito hinugot ang baril na nakasuksuk pa sa Chest Holster na nakabit sa katawan nito, na kanina ay nakita ko ring kinabitan nito ng silencer, nang matapos ang babae sa paghahanda ng sarili, saka ito marahan at maingat na lumakad sa gilid ng Restaurant, at sa pagkakataong 'yon ay dahan dahan akong napatayo mula sa aking kinauupuan, na para bang wla sa sarili, at dahan dahan namang humakbang papalapit sa salaming dingding kung saan naroon ang babaeng naka-bonnet na dahan dahang lumalakad papalapit sa armadong lalaki na may hawak na Hostage, mariin lang akong nakasunod dito ng tingin, na para bang kahit isang sigundo ay ayaw kong may malagpasan akong pangyayari, kitang kita ko ang maingat pero mabilis nitong pagkilos na hindi ko mapigilang hindi humanga sa angkin nitong husay ay abilidad, dahilan naman upang kumabog ang aking puso na para bang may nais itong sabihin.
Napamura ako ng ilang beses ng makita kong inasinta nito ang armadong lalaki sa ulo at mabilis na lumapit at agad na sinenyasan ang isang Pulis at saka nito hinila ang wala nang buhay na armadong lalaki.
"Fvck!!! Fvck!!! Fvck!!! I need to know who you really are." mariin at seryoso kong sabi, habang mariin pa ring nakasubaybay ang akung tingin sa babaeng may kakaibang husay pagdating sa gan'tong larangan, nakita ko 'tong marahan itong humakbang patalikod habang hawak nito ang halatang empleyado ng Banko, na sa pagkakataong 'yun at tuloyan na akong napalabas ng Restaurant na agad namang nagsisunodan ang aking mga tauhan, at nang makalapit na ang babae sa pintuan ng Banko ay saka nito binitiwan ang empleyado ng Banko na kanina ay hostage ng isang armadong lalaki, nang mahawakan na ng Pulis ang empleyado at nakita kong saka ito pumasok sa loob, na hindi ko naman mapigilang 'di makaramdam ng pag-aalala para sa babaeng 'yon.
"Fvck!! Is she crazy? Bakit s'ya pumasok mag-isa sa loob??" mariin kong sabi nang tuloyan na akong makalabas ng Restaurant.
"Lieutenant Lopez is one of the best in this field, iba ho ang galing at husay n'ya, kaya ho hindi nakakapagtaka, Mr. Morrison kung isa s'ya sa kinatatakutan ng mga nasa lipunan," seryosong sabi ng isang Pulis na si SPO1 Gomez, base na rin sa nakalagay na pangalan nito sa suot na uniform, subalit waring bigla akong binuhosan ng malamig na tubig sa aking buong katawan dahil sa biglang panlalamig na bumalot sa aking buong kalamnan, nang marinig ko ang apelyidong sinabi nito, na alam kong ang babaeng pumasok sa loob ng Banko ang tinutukoy ni SPO1 Gomez.
"Lieutenant Lopez??" pag-uulit ko sa sinabi ni SPO1 Gomez, na para bang 'du ko kayang paniwalaan kung tama ba ang aking nasa isip na maaaring may kaugnayan ito sa pamilya Lopez lalong lalo na sa batang babae, na nagpagulo sa aking sistema.
"Yes, Mr. Morrisson, Lieutenant Lopez has only been in the service for two years, at nitong nakaraang taon lang ho s'ya nabigyan ng parangal bilang isang Police Lieutenant General (Deputy Director General)." seryosong sabi naman ni SPO1 Gomez, na mababakas sa pananalita rito ang matinding paghanga sa babaeng 'yon.
"Greg, Austin, Onas!" tawag ko sa tatlong tauhan kong pinagkakatiwalaan.
"Yes, Boss?" sabay sabay na sabi ng tatlo.
"Find out everything about that woman, keep an eye on her if necessary, para malaman n'yo ang lahat tungkol sa kanya." seryoso kong sabi sa tatlo na nagsipagtanguan naman.
"Masyado pong pribado ang buhay ni Lieutenant Lopez, na kahit po kami wala rin pong ideya o alam tungkol sa kanya." muling sabi ni SPO1 Gomez, tumango na lang ako at hindi na nagkomento pa, dahil ang mga tauhan ko na ang bahala sa bagay na yun, tumingin ako kina Greg, at nagsipagtanguan naman ang tatlo. Subalit agad akong napabaling sa harapan ng Banko, nang biglang tumalsik ang isa pang armadong lalaki mula sa salaming dingding, kasunod nito ay ang babaeng pumasok sa loob ng Banko kanina, kitang kita ko kung paano nito suntokin ng sunod sunod sa mukha ang lalaking armado, na hindi man lang nagawang makapalag ng lalaki, nakita kong tumayo na ito, subalit bago pa man ito makaikot ay nakita kong nahila ng natitira pang lalaki ang bonnet nito, na naging dahilan upang malantad ang maganda at maangas nitong mukha at sumabog ang mahaba nitong buhok, dahil sa paghila ng isa pang armadong lalaki sa bonnet ng babae, biglang inundayan ng suntok ng armadong lalaki ang babae, at muli akong namangha sa nakita kong bilis ng kilos nito, mabilis nitong nasalag ang kamay ng lalaki, saka nito mahigpit na hinawakan at mabilis na pinilipit ang kamay, pagkatapos ay umikot ito papunta sa likod ng lalaki, at mabilis nitong itinulak padapa, hanggang sa napansin kong hindi na nagalaw ang mga armadong lalaki. Maya maya pa ay tumayo na 'to, at nang makalapit sa babae ang mga ka-Pulisan ay isa isa ang mga itong sumaludo sa babaeng nakipaglaban sa mga armadong lalaki na nang hostage sa maraming tao sa loob ng Banko, tumango lang naman ang babae saka nito hinubad ang jacket at inalis ang bulletproof vest na nakita kong isinuot nito kanina.
"Lieutenant Lopez, isang karangalan na naman po ang inyong nagawa, ibang iba talaga ang husay mo." rinig kong sabi ng isa pang Pulis sa babae.
"Buhay pa ang mga 'yan, hintayin n'yo lang magising, and make sure no one has been hurt by the hostages earlier." narinig ko namang seryosong sabi ng babar sa lahat ng mga ka-Pulisan na nasa harapan nito, pagkatapos ay tumalikod na rin ito, habang ako ay patuloy pa ring nakasunod ang tingin sa babae, nakita kong tinungo nito ang Ducati Panigale V4 black at mabilis na isinuot ang helmet, ngunit nang umikot na ito pasakay sa motor nito, ay mariin akong napamura ng makita ko ang tattoo nito sa likod na katapat ng balikat, dahil ang tattoo'ng 'yon ang nagmamay-ari ng babaeng nakasama ko kagabi, ang babaeng ganun ko na lang kinuha ang kainosentahan, ang babaeng marahas kong ginamit kagabi dahil lamang na nasa ilalim ako ng droga.
"FVCK!!!! THAT'S HER!! SHE'S THAT WOMAN!!" mariin kong sabi, habang nananati pa ring mariing nakatitig rito, hanggang sa sumakay na ito sa motor at mabilis na rin nitong pinaharurot, ngunit bago pa man ito makalayo ay muli pa itong tumingin sa pinangyarihan ng krimen, at alam kong o ramdam kong kahit nakasuot ito ng helmet, ay alam kong sa akin ito nakatingin, dahil 'yun ang nararamdaman ko, mabilis kong nilingon ang tatlo at doon rin pala nakatuon ang paningin sa babaeng mabilis pinaharurot ang motor.
"Ang angas, Boss! Ibang klase ang babaeng 'yon!" sabi ni Greg, na halatang 'di maiwasan ang matinding paghanga para sa babae.
"Greg, follow her!! Now!!" mariin kong utos sa mga 'to na agad namang sumunod kasama ang ilang mga tauhan ko, habang naiwan naman sa aking tabi si Austin at Onas.
"Copy, Boss." sagot naman ni Greg.
"Austin, kunin mo ang record ng CCTV sa lugar na kung saan nahagip sa CCTV ang babaeng 'yon, lalo na sa loob ng Banko!!" seryoso at mariin kong sabi kay Austin, tumango naman ito.
"Copy, Boss!" mabilis na sagot nito at agad na ring kumilos, habang ako naman lumakad na papalapit sa aking kotse na mabilis namang sumunod si Onas, saka ako nito ipinagbukas ng pintuan ng kotse.
"Sa condo, Onas." malamig kong sabi rito.
"Copy, Boss." sagot naman nito, at agad na ring pinaharurot ang kotse pauwi sa aking condo, at doon na lang ako maghihintaysa report ng aking mga tauhan.