'' Lance kain tayo sa Mang Inasal, KKB.'' Lintanya ni Robbie. Tamang-tama sobrang gutom ko na talaga.
'' KKB? '' takang tanong ko kay Robbie.
'' Kanya-kanyang bayad '' kunot noong sagot ni Lance sa'kin, pake ko ba sa KKB na yan. Alagang libre kaya ako.
" Bat KKB? Sabi niyo libre ako dito, dapat talagang kayo ang manglibre sa'kin! Ako lang third wheel! " inis na sabi ko sa kanila. Dapat ako yung kasama ni Lance eh, Taeng Robbie 'yan napakalandi! Ayaw daw kumain kung hindi siya namin isasama. Pasalamat siya girlfriend siya ng bestfriend ko. Hmp!
"Nabili na namin yung dapat pang libre sayo, Sachi " sagot ni Robbie sa'kin habang nakasiksik sa braso ni Lance. Inis naman akong pumasok sa loob ng Mang Inasal, mukhang palabok lang mabibili ko.
Umikot ang mata ko ng makita kong sabay silang pumasok, " wala ng vacant seat." Sambit ni Lance habang nililibot ang tingin sa loob.
Napangisi naman ako sa naisip kong kalokohan.
" Don't worry, akong bahala. Basta libre niyo ko?" Hindi mawala-walang ngisi sa mga labi ko ang pagbikas ni'yon.
" Tss. Sige nga!" Angas na sagot ni Lance sa'kin na mukhang may alam sa gagawin ko.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at ipwenisto sa aking tainga, and loudy say "Taena Bro! Pumunta ka dito bilisan mo, nandito siya may kasamang iba!"
Then 8 tables left empty at mabilis na nawala sa tabi ni Lance si Robbie.