The Revenge Of Consuelo | 3
FRANCO
____
NAABUTAN ni Rana at Jaypee si Consuelo sa lanai ng bahay niya. Sinalubong niya ang dalawa ng beso sa pisngi ng mga ito bago muling bumalik sa pagkakaupo.
"See what I've got.." bungad ni Rana sa kaniya, sabay abot sa kaniya ng isang gold envelope. Tiningnan niyang nagtatanong ang kaibigan habang binubuksan ang laman n'on.
"Invitation para sa victory party ng mga Montaño—" sabay sambit ni Jaypee sa kaniya. Umupo ang dalawa paharap kay Consuelo. Binasa niya ang nasabing invitation card na inabot ng mga kaibigan nya.
"What is your plan? Gusto mo bang puntahan iyan?"
Napangiti si Consuelo. Tinatanong pa ba ito, sagot ng utak niya.
"We have this. Invited tayo—" tugon niya sa tanong ni Rana sa kaniya.
Tama nga naman siya? Chance niya na 'to. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. After all those years— makakaharap niya na mata sa mata ang pamilyang ito.
"What if.. What if Rio is there?" Narinig niyang mula kay Jaypee.
"Nothing to be scared of. Pinaghandaan ko na 'yan, Jaypee."
Binalik niya ang card sa envelope; tinabi niya ito sa tabi niya. Katulad ng sabi niya sa mga kaibigan buo ang loob niyang puntahan ang okasyon na iyon. Sa dami ng taong pupunta sa victory party ng mga ito, sigurado siyang walang makakapansin sa kaniya.
At kung nandoon si Rio tulad ng tanong ni Jaypee sa kanya? Why not!
Sa sarili niya alam niyang 'di siya handa; kung ipagkakaloob ng mas maaga ang paghaharap na iyon haharapin niya si Rio— siya bilang si Luna Lozano.
"Thanks for this, Guys. Mahalaga sa akin 'to."
"Nasa likod mo kami, Luna. We got you."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinagkaloob niya sa sarili.
Ngumiti siya sa harap ng mga kaibigan niya. Kani-kanina lang naalala niya si Franco; ang orihinal nyang planong mapalapit dito.
Panalo siya kung iyon na ang magiging sandaling mapalapit siya rito; kongkreto ang planong nabuo niya sa isip niya para sa mga anak ng mga Montaño.
Noone can resist her, muli niyang untag sa isip niya. Naalala niya ang pag-uusap nila ng mga kaibigan niya. Umalis na ang mga ito at heto siya naiwan na naman mag-isa sa silid niya.
Walang kahit na sino ang tatanggi sa kaniya— naalala nga niya ang ex niya sa Amerika.
Si Thomas Dooley isa itong modelo sa Amerika maraming nagkakagustong modelo dito maging mga artista iyon nga lang siya ang nanalo sa puso nito.
Hindi man nagtagal ang relasyon nilang dalawa masasabi niyang isa si Thomas sa dahilan kung bakit mas tumaas ang tingin niya sa sarili bilang siya; bilang hindi ordinaryong babae.
Pinagmasdan ni Consuelo ang sarili sa life size mirror niya; walang kupas ang ganda niya. Mas lalo pa ngayong binigyan pansin niya ang sarili— regular siya sa gym kung hindi man nakakapagwork-out may mini gym siya sa bahay niya. Doon niya madalas binabaling ang oras kapag nakakaramdam siya ng masidhing galit sa mga Montaño.
Naisip niya ang huling sinabi ni Rana sa kaniya tungkol kay Franco may gym daw itong pagmamay-ari sa bayan at madalas nandoon daw ang lalaki.
Naisip niyang puntahan 'yon, kinakalma niya lang ang sarili dahil baka kapag may makaharap siyang isa sa mga Montaño bigla nya na lamang itutok ang baril niya rito at kalabitin ang gatilyo. May mapapatay siya ng wala sa oras at iyon ang iniiwasan nyang mangyari; masyado pang maaga, aniya.
Sa ngayon hindi niya ninanais ilagay sa kamay niya ang batas darating siya d'on. Iyon nga lang gusto niya bago mangyari iyon magdusa muna ang mga Montaño; sobra pa sa pagdurusang naramdaman niya nang maulila siya sa lahat ng mahal niya sa buhay.
'Buhay ang ginawa.. I'll make sure na buhay din ang magiging kapalit!' sambit ni Consuelo.
'Mamamatay sila at isa ako sa maghahatid sa huling hantungan nilang lahat!' ngitngit ng damdamin niya.
Matagal ng pinag-aralan ni Consuelo ang paraan ng paniningil niya sa buong pamilya; tanging pagkakataon na lang ang magsabi kung kailan mangyayari ang lahat ng iyon.
Binaling niya ang tingin sa kaliwang bahagi ng silid niya ang painting ng larawan ni Luna nang sanggol pa lamang ito.
'Sampung taon ka na sana ngayon, Anak. Sana naibibigay ko na sa iyo lahat ng kailangan mo, ng lahat-lahat ng karapat-dapat sa iyo, Luna," bigkas niya.
Sa negosyo na mayroon siya ngayon sa Amerika maging sa kalakhang bahagi ng Manila, sigurado siya sa mga sinabi niyang kaya niya ng ibigay ang lahat ng kailangan ni Luna; mula sa edukasyon, bahay, magandang buhay.
Doon niya napagtanto na tama ang mommy niya, kayang-kaya niyang ibigay sa anak niya sana ang lahat ng kung anong tinatamasa niya ngayon.
Naging matagumpay siya kahit na mag-isa lang siya sa buhay.
'I love you, Luna.. I'll do everything para mabigyan kayo ng hustisya pangako ko iyon sa iyo, Anak. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila masisingil!' mapait na ngumiti si Consuelo.
Sa sarili niya alam niyang nakilala siyang mahina ni Rio; na naging sunod-sunuran siya sa lahat ng gusto nito, sa lahat ng mga nangyari sa kanilang dalawa. Ginawa siyang mahina ni Rio.
Subalit ngayon natuto na siya sa mga pagkakamaling iyon, bumangon na siya sa pagkakadapa nya at hindi na siya madadapa ulit hinding-hindi na.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Consuelo.
Bukas pagsikat ng araw— kakalimutan niya ng si Consuelo siya.. Panindigan niya ang bago niyang katauhan bilang si Luna Lozano, sisimulan niya ang planong makipagkita at mapalapit kay Franco. Napataas siya ng tingin kasabay ang muling pagsulyap niya sa kaniyang kabuuan sa salamin.
'Minsan na akong minahal ni Rio at si Franco? I'll make sure na hindi lang ako mamahalin nito. Sasambahin ako ni Franco iyong tipo na wala na siyang magagawa kun 'di sundin ang lahat ng gusto kong mangyari!'
Tinaas niya ang kilay niya, sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.
'You gonna love me, Franco.. Klase ng pagmamahal na papatay sa iyo!'
Isang malakas na tawa ang pinagkaloob ni Consuelo sa sarili. Mas nakaramdam siya ng pananabik mangyari ang sandaling iyon.
She can't wait it.