The Revenge Of Consuelo| 4
LUNA
____
MAGANDANG umaga ang bumungad kay Luna; nagising siyang maaliwalas ang mukha niya kahit na ano'ng oras na siya natulog nagdaang gabi.
Sumariwa sa isip niya ang planong sadyain ang lugar ni Franco, binasa niya ang message ni Rana sa kaniya kung saan nakalagay d'on ang address ng gym nito naka-pin pa ang locations para ayon sa kaibigan niya hindi siya maligaw.
Trenta minuto din ang lalakbayin nya mula rito hanggang sa bayan.
Naalala niya ang araw ngayon, sabado. Naisip niyang bago tumuloy sa naunang sadyang lugar dadaan muna siya sa sementeryo; dadalawin niya ang mga magulang niya, ang lolo niya maging anak niyang si Luna.
Napasinghap si Luna nang pinilit niyang ibangon ang katawan, nakaramdam siya ng panghihina sa balikat niya nang maalala ang buong mag-anak niya.
Ang sabi sa kaniya ni Rana n'on— bakit niya pa rin hinahayaan ang lungkot sa puso niya kung ganoon na rin naman katagal na nawala ang mga ito sa buhay niya? Gusto niyang magtampo sa tanong na iyon ni Rana; dahil kung alam lang nito ang hirap niya para 'di na gaano isipin ang pagkawala ng mga ito ginawa niya na ang lahat. Subalit hindi ganon kadali; buong pamilya ang nawala sa kaniya walang natira.
Ilang beses niya na bang sinubukang sumuko sa buhay? Mayroong uminom siya ng maraming gamot n'on sa Amerika nadala lang agad siya sa hospital ng ka room mate niya.
Sinubukan niya ring lunurin ang sarili n'on sa kasamaang palad may nakakita sa kaniya't nailigtas siya.
Mayroon ding masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya ng sariling sasakyan umaasang mabangga siya o may makabangga sa kaniya bigo nga lang siya.
Sa maraming beses na sinubukan niyang mawala sa mundo; absent si kamatayan kaya heto't buhay na buhay pa rin siya. Humihinga't patuloy na nilalabanan ang lungkot ng pag-iisa.
Napailing-iling si Luna.
'Hindi pa tapos ang misyon ko! Bibigyan ko pa pala sila ng hustisya.' iyon ang madalas niyang paniniwala, kaya nga siguro nandoon pa rin siya para maningil na kapag nakabayad na ang mga ito pwedi na siyang mawala sa mundo.
Susunod na siya sa mga mahal niya sa buhay.
Napabuntong-hinibga siya bago tuluyang tumango sa kama. Aayusin niya ang sarili, magpapaganda siya ang bilin sa kaniya ni Rana.
Sigurado raw itong nandoon si Franco sa lugar na iyon, personal na ng kaibigan niya sinubaybayan si Franco. Ang sabi pa nito sa kaniya mauuna daw ito sa lugar para masigurado niyang nandoon nga ang lalaki para hindi masayang ang pagpunta niya.
Maasahan niya si Rana ganoon din si Jaypee ang dalawang taong tinuring niyang pamilya kapalit ng mga nawala sa kaniya. Hindi siya binibigo ng dalawa; mula sa negosyo hanggang sa laban na kinakaharap niya sa mga Montaño. Alam din naman ni Luna ang matatanggap ng mga ito oras na mawala na siya sa mundo kapag tapos na ang misyon niya; si Jaypee at Rana hindi sila maiiwang lalaban pa sa buhay para mabuhay ibibigay niya ang karapat-dapat sa mga ito para maging komportable ang buhay ng mga ito pagdating ng araw. Ilang milyon na rin ang nakatago niya para sa dalawa; maging kay Mika.
Maluwag na ngumiti si Luna, ganoon siya magmahal handa siyang ibigay ang lahat para lang gumaan ang bigat ng krus na nakaatang sa mga balikat nila.
Sino nga lang ba ang walang pagsubok sa buhay? Kung siya na kaya niyang gawin ang lahat, puntahan ang lahat ng lugar sa mundo, mabibili nya ang lahat ng kung anong gusto niya sinusubok pa rin ng tadhana.. paano na lang ang mga ito? Kaya iyon ang gusto niyang mangyari tutal iyon lang naman ang mga bagay na iyon ang nagpapasaya sa kaniya ang tumulong sa mga taong alam niyang hindi siya gagaguhin at ipagkakanulo kahit na ano'ng mangyari.
Loyalty! Iyon ang nangunguna ngayon kay Luna. Mahalaga sa kaniya ang mga taong hindi nabibili ng pera, hindi katulad ng mga pulis n'on maging ng mga taong nagmaniobra sa preno ng sasakyan nila.
Sinusundan na naman siya ng multo ng nakaraan, kahit na anong pigil niyang isipin hindi nya naiiwasan.
'Kailangan ko na bang magmadali, Ma? Pa? Lo?!'
Magmadali sa paghihiganti, ang naiisip niya.
Inayos ni Luna ang buhok niya nang mapatingin sa salamin ng silid niya.
'This is all for you, Guys. Hindi ako babalik ng Amerika na hindi sila nakakabayad. This is for you, Luna. Iyong daddy mo, hindi siya exempted, Anak ha!' kausap niya sa mga larawan ng mga itong nakapaskil sa dingding ng silid niya.
Off limits sa lahat ang silid niya kahit kay Mika at sa dalawa niyang kaibigan— siya lang ang pweding maglabas pasok d'on kaya walang kahit na sino ang nakakakita sa lahat ng kung ano ang mayroon siya sa silid na iyon.
Kabilang na ang ilang baril na binigay sa kanya ng lolo niya na pagmamay-ari ng papa niya.
'Kung alin man sa baril na iyan ang gagamitin ko para mabura sila sa mundong ito! I'll do it. I'm ready!'
Isa-isa niyang pinagmasdan ang lahat ng iyon; nakalatag ang lahat ng baril na mayroon siya sa lamesang puro salamin ang nakapalibot dito.
Nagiging koleksyon niya na ang mga iyon, ang nagbibigay ng sigla sa kaniya kapag napagmamasdan niya ang mga ito. Mayroon siyang kuwarenta y cinco, pistol, revolver, at ilan pa na nakahanay sa harap niya.
Magaling humawak ng baril si Luna— pinag-aralan niya ng ilang taon ito. Ang sabi nga ng mentor niya sa kaniya n'on, asintado siya.
Regular din siya sa firing squad sa Leviste mas sasanayin niya pa ang sarili, hahasain ang bawat kalabit ng gatilyo sa gayon kahit kaninong ulo ng mga Montaño niya iputok ang baril na mayroon siya sisiguraduhin niyang hindi mabubuhay ang mga ito; diretso ang mga ito kay kamatayan.
Maingat na kinuha ni Luna ang kwarenta y cinco kalibre na paborito nya sa lahat ng mayroon siya; si Lolo Fernan niya ang nagbigay nito sa kaniya.
Humarap siya sa salamin, tinutok ang baril sa repleksyon ng sarili niya galit ang mga matang hinawakan nya ang gatilyo.
'Ito ang papatay sa iyo, Helen! Itong hawak ko ang bubutas sa sentido mo! Beng!'
Napakagat-labi si Luna, sinundan ng tingin ang kamay niyang maingat na binalik sa estante ang baril na hawak niya.
Taas kilay siyang tumalikod sa mga ito. Tutuloy siya sa plano sa pagpunta niya kay Franco.
___