Chapter 7 : Flashback

1136 Words
Revenge of Consuelo | 7 Chapter 7 | Flashback ___ 13 Years ago "MABUTI NAMAN NAKAGAWA KA NG PARAAN LUMABAS NG BAHAY NIYO, SHILO!" madalas na tawag ni Rio kay Consuelo. Inalalayan niya itong makasakay ng sasakyan niya; pasado alas syete na ng gabi naisipan nilang dalawang lumabas. May pupuntahan daw sila para sa kanilang anibersaryo— dalawang taon na sila ngayon ni Rio. Ang sabi sa kaniya ni Rio sa tawag kanina may pina-reserve daw ito sa isang restaurant sa bayan ng Leviste. Isang buwan mula ngayon bago ang ganap na pagkadalaga ni Consuelo dise-otso na siya. Disi-sais siya ng maging nobyo niya ito nasa pagtatapos na siya ng sekondarya n'on nang sinagot niya si Rio. Matagal din itong nanligaw sa kaniya, nasa ikalawang taon na ito bilang kolehiyo nang pormal silang magkakilala kahit na halos magkapitbahay lang sila sa Riverside. Wala naman kasi silang pagkakataon para magkakilala; parehong mahigpit ang pamilya nila idagdag pa ang pagiging magkalaban sa politiko maging sa negosyo. Mahigpit ang mga magulang niya sa kanya. Wala siyang matatandaang in-expose siya ng mga ito mula sa negosyo nila hanggang sa naisipan ng papa niyang tumakbo bilang alkalde at kalabanin ang papa ni Rio sa darating na eleksyon dalawang taon mula ng mga sandaling iyon. Hindi lang nila kapwa napigilan ang damdamin ng isa't isa na maging sila. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Rio? Bukod sa magandang lalaki ito; matiyaga siya nitong niligawan, minahal siya't pinaramdam ito sa kaniya ni Rio minahal din naman niya si Rio pagmamahal na para sa kanilang dalawa ipaglalaban nila iyon pareho lalo na kapag dumating ang panahong sasaklawan sila ng pareho nilang pamilya. Handa na sila d'on! Hinanda na siya ni Rio. "Oo naman. Espesyal sa atin ang araw na ito, Rio. Hindi naman pweding hindi natin i-celebrate 'to 'no." Ginagap ni Rio ang kamay niya; hinalikan ito ng nobyo. "Mahal kita, Shiloh.. Dalawang taong pagmamahal na alam kong mas magtatagal pa," malambing na pagkakasabi sa kaniya ni Rio. Nakangiti siyang hinawakan niya ang pisngi ni Rio; habang nanatiling nakahawak ito sa kamay niyang pinagdaup-palad nito. "Ang sabi mo nga habambuhay tayo hindi ba, Rio. Kaya asahan mo na marami pa tayong ipagdiriwang hindi lang ang araw na 'to.." "I will fight this love, Shiloh. Nag-iisip na akong ipakilala ka sa pamilya ko—" Binaba niya ang kamay niya nang marinig ang mga sinabi nito. Ipakilala na siya ni Rio sa pamilya ng mga 'to. Nakaramdam siya ng takot sa puso niya. Paano na lang kung maging tutol ang mga magulang nito sa kaniya? "Okay ka lang ba, Mahal?" "Hindi ba masyado pang maaga. Rio, ayaw kong maging hadlang sila sa atin. Hindi ba ang sabi mo may bilin sa iyo ang mama at papa mo?" "Mahal kita, Shiloh. Ayaw kong matakot ka, ayaw kong ganito na lang palagi tayo nagtatago." "Malapit na rin naman ako mag disi-otso hindi ba? Hintayin na lang natin iyon, Rio. Sige na, Mahal." Pakiusap niya rito. Handa na si Rio ng mga sandaling iyon, pero siya naman ang nag-aalangan dahil sa sitwasyon nila. Narinig niya ang plano ng papa niyang tatakbo ito sa susunod na eleksyon, ayaw niyang pati ang mga magulang niya maging hadlang sa kanila kung ano ang mayroon sila ni Rio. "Rio, bakit?" tanong niya kay Rio nang bigla na lamang itong tumahimik; nakatitig lang ito sa kaniya. "I want to memorize your face, Shiloh. I want to remember everything about you. Mahal kita, Consuelo Guerrero—" "Mahal din kita, Rio Montaño. Mahal na mahal.." NAPATINGIN si Luna sa kawalan nang maalala ang nakaraan. Kanina nang marinig niya ang pangalan ng kausap ni Franco sa kabilang linya kung saan binanggit nito si Rio; naalala niya ang madalas na tawag sa kaniya ng nobyo n'on.. it was Shiloh. 'Sino ang Cielo na iyon?' tanong niya. Kung bakit ba naman kasi hindi man lang nag-abala magkwento ang lalaki kahit na inabot na sila ng dilim sa daan tungkol sa pinag-usapan ng mga ito. Nandoon din ang takot niyang magtanong. Ano naman ang idadahilan niya kung bakit naging interesado siya? Hindi pa sila ganoon ka-close nito. Napalunok si Consuelo. Nababagalan siya sa sitwasyon ni wala man lang siyang natanggap na text mula sa lalaki kinuha nito ang number niya at nagbilin ito sa kaniyang tatawagan siya kapag nakauwi na. 'Baka may kinatagpo pa?' galit niyang tanong sa sarili. Wala naman siyang pakialam kung may kinatagpo itong poncio pilato ang kailangan niya ngayon ay ang makausap ito; may mapag-usapan sila. 'Dahil umaasa kang balita mula kay Rio? Iyon ba ang kinagagalit mo, Consuelo?' sermon ng utak niya. 'It's not all about, Rio! It's all about my damn plan! Bullshit!' galit niyang tugon. Napabangon si Consuelo. Hinanap nya ang vape niya. Ilang beses niyang tinapunan ng tingin ang cellphone niya hanggang sa ilang sandali nag-ring ito. Nagmadali siyang bumalik sa kama para tingnan kung sino ang tumatawag. Binggo! Banggit niya. It's Franco. Ilang segundo pa ang pinalipas niya bago sinagot ito. "Hi, Lun. I just got home. How are you? Sorry na. Napadaan lang sa isang bar kaya medyo na-late ang tawag ko sa iyo—" bungad nito. 'Sinungaling!' kontra nya. "No! It's okay. Actually, I don't expect your call naman—" pagsisinungaling niya. "How sad! Samantalang ako nagmamadaling tawagan ka agad after I talk to mom." Napataas kilay siya. Ito na ba ang hinihintay niyang kwento mula rito? Umupo si Luna. Gustong pakinggan ang iba pang sasabihin ng kausap sa kabilang linya. "Congresswoman, Helen?" sambit niya. Sa boses niya nandoon ang kunwang proud siyang marinig ang tungkol dito. "Marami akong naririnig tungkol sa mom mo. How lucky you are," aniya pa. "Yes. May mga pinag-usapan lang kami. Aside of that I mentioned you to her. Excited nga siyang ma-meet ka." Napataas kilay si Luna. Kung n'on nandoon ang takot niyang makaharap ito, iba na ngayon. Handa na siya. Handang handa na siya. "So! Pwedi ko bang imbitahan ang isang Ms. Luna Lozano sa isang simpleng hapunan dito sa bahay namin?" Ilang sandaling sambit nito sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Luna. Everything is under her control. Sinasabi na nga ba niyang hindi siya mahihirapan dito. "Please—" may himig pakiusap pa ni Franco. "It's my pleasure to meet Ms. Helen Montaño, Franco. Who I am to refuse it? Sabihin mo sa akin kung kailan to prepare something for your mom. Please." Mahaba niyang pagkakasabi dito. Mukhang nasiyahan naman si Franco at narinig niya pang napa-yes ito sa kabilang linya. "I will prepare everything, Luna. Thank you." "Don't mention it, Frank. I'll come. Bye." Pinindot niya ang end call button ng cellphone niya. Dinala niya ito sa dibdib niya nandoon pa rin ang ngiting sumilay sa labi niya. 'Malapit na ako, Helen! Malapit na ako!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD