REVENGE OF CONSUELO | 8
_____
PURITY
13 YEARS AGO
"AKALA ko ba sa restaurant tayo pupunta, Rio?" gulat na tanong ni Consuelo kay Rio nang sa ibang lugar sila lumiko ng nobyo. Pamilyar sa kaniya ang lugar na ito, isa sa mga sikat na hotel sa Leviste malapit na ito sa Buenavista. Madalas din silang nagagawi sa lugar na ito kapag napupunta sila sa Isla pero itong pinasukan ng sasakyan ni Rio ay isang hotel na kailanman hindi niya pa napuntahan.
Napalunok si Consuelo sa naramdamang kaba, lalo pa't wala siyang nakuhang tugon kay Rio mula nang bumaba sila ng sasakyan.
"R-Rio.."
Hinawakan ni Consuelo ang bisig ni Rio nang nagpatiuna ito sa paglalakad.
"Kinakabahan ka ba?" tanong sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa natin dito? Dito ba iyong resto na sinasabi mo?" tanong niya.
Inikot niya ang tingin sa buong paligid; natuon ang pansin niya sa ilang taong nasa lobby. Mas nakaramdam siya ng kaba nang naglakad si Rio papunta sa receptionist at kung may ano itong kinuha na kung hindi siya nagkakamali isa itong key card.
"Rio.. Pwedi bang pansinin mo ako. Sagutin mo ako what we're doing here?" muli niyang tanong dito nang hinarap siyang nakangiti ni Rio.
"Mahal mo ako 'di ba?"
"Hindi yan ang tanong ko sa 'yo.. Ang tanong ko anong ginagawa natin dito. Ano 'yan?" mahinang tanong niya rito.
Ginagap niya ang key card na hawak ni Rio.
"Basta. Magtiwala ka lang sa akin, Shiloh. Hindi kita papahamak. Okay. Trust me. I love you—"
Hinawakan ni Rio ang kamay niya hanggang sa naging mabilis ang lakad nila para maabutan ang nakabukas na elevator, 6th floor ang button na pinindot nito.
Tumambad sa harap ni Consuelo ang isang magandang set-up sa silid na iyon, may ilang petals sa kama na hugis puso; mayroon isang kumpon ng pulang bulaklak at isang kahon ng tsokolate.
"R-Rio.." bulas niya sa pangalan ni Rio.
Ngumiti ito sa kaniya nang igiya siya sa kaliwang bahagi ng kama nandoon ang pangalawang mesa na puno ng pagkain.
Mas nakaramdam siya ng tuwa ng sa bandang bintanang may kurtina nakapaskil ang ilang larawan nila ni Rio kasama ang ilang balloons sa bawat gilid nito.
"Happy anniversary mahal kong, Shiloh."
"Paano mo nagawa 'to? Mag-isa ka lang?"
"Pag gusto mo lahat ng may paraan, e kaso di lang kita gusto kun 'di mahal na mahal kita, Shiloh."
Tinaas ni Rio ang tingin niya para magtama ang mga mata nilang dalawa.
"Simula sa araw na ito.. Hindi lang pamilya mo ang magmamahal sa iyo ng sobra, Shiloh... Kung 'di kasama na ako d'on habambuhay iyon, Mahal.."
"Totoo ba iyan, Rio? Kahit ano'ng mangyari hindi mo ako iiwan? Hindi tayo magkakalayo? Kahit kailan?"
Tumango-tango si Rio.. Yumuko ito para halikan ang nuo niya. Mahigpit na yakap ang naging tugon niya sa lahat ng hinanda para sa kaniya ng nobyo.
Si Rio ang una niyang minahal, ito ang unang nagparamdam sa kaniya ng lahat ng iyon; ng sayang nararamdaman niya ngayon. Kasama na rito ang pangakong habambuhay na pagmamahal sa kaniya ni Rio— si Rio lang ang lahat ng iyon at ito lang ang gusto niyang tumupad n'on wala ng iba pa.
Isang masayang gabi ang naghihintay sa kanilang dalawa hindi alintana kung ang kapalit ng lahat ng 'to ngayon ay ang galit ng pamilya niya kapag nabalitaan ng mga ito ang ginawa niyang pagtakas mula sa bahay nila. Hindi iyon ang nasa isip ni Luna bahala na kung mapagalitan, aniya.
Ang mahalaga sa kaniya ang sandaling iyon ang idadagdag niyang ala-ala na magkasama sila ni Rio, ala-alang balang-araw ikwekwento niya sa magiging anak nila ng nobyo.
Maingat siyang inalalayan ni Rio madami itong hinandang pagkain sa kanilang dalawa parang sobrang espesyal ang araw na iyon. Natutuwa siya kung paano siya alagaan nito, ang kaninang kaba lang na nararamdaman niya sa lugar na iyon ay biglang naglaho kilig ang pumalit n'on sa puso niya dahil sa pagiging romantiko ng katipan niya.
"Masaya ka ba?" Ilang sandaling tanong ni Rio sa gitna ng pag kain nilang dalawa.
"May dahilan ba para hindi ako maging masaya? Ang ganda kaya nito na-appreciate ko ng sobra, Mahal."
"May surpresa pa ako sa iyo, Shiloh."
"Ha?"
Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ni Rio, tsaka niya lang napansin ang isang maliit na kahon sa ibabaw ng karton ng tsokolate.
"Ano iyan?"
"Tapusin mo muna pagkain mo... Mas matutuwa ka sa ibibigay ko—"
"Nag-abala ka pa. Samantalang ako wala man lang may hinanda para sa iyo. Hindi ko pa kasi tapos ang crafts na ginagawa ko at naabutan ako ng pagre-review.." malungkot nyang sambit dito. May regalo naman talaga siya para kay Rio, tulad nga lamang ng sinabi niya hindi pa tapos ito. Marami pa siyang bibilhing materyales para sa regalo niya para dito.
Nang matapos silang kumain, kinuha agad ni Rio ang sinasabi nitong isa pang regalo sa kaniya. Sinundan niya ang binata hanggang sa binuksan nito ang isang maliit na box— kwentas ang laman n'on ginto iyon hindi siya nagkakamali. Napansin niya ang pendant n'on letter C stands for Consuelo.
"Simbolo ng walang hanggang pagmamahal ko sa iyo, Consuelo Guerrero—"
Hindi nawaglit ang tingin niya kay Rio hanggang sa ikabit nito sa leeg nya ang kwentas na iyon.
"Rio, ang mahal nito. Saan ka kumuha ng pera? Baka pagalitan ka ng mama at papa mo.."
"May ipon ako.. Para sa iyo ito para sa espesyal na araw na ito."
"Ang iniisip ko lang kasi—"
"Shhh!!"
Yumuko sa harap ko si Rio— ang iba niya pang sasabihin ay naputol na sa ginawa nya.
Ginagap nito ang labi niya't sinilyuhan iyon ng isang matamis na halik; halik na hindi niya pinagkait sa kaniyang tugunin ito.
Hanggang sa nangyari na ang nangyari ng gabing iyon; binigay niya ng buong puso't kaluluwa ang sarili niya kay Rio.
DINILAT ni Luna ang mga mata niya nang maalala ang nakaraan sa huling gabing magkasama sila ni Rio. Wala sa sariling napahawak siya sa kwentas na suot niya; ang kwentas na binigay nito sa kaniya na hanggang sa mga sandaling iyon suot-suot niya pa rin.
Hindi para maalala si Rio kun 'di para 'di makalimutan ang plano niya rito kung paano sinira nito ang lahat ng pangako nito sa kaniya. Napapikit si Luna nang may naramdamang namumuong luha sa mga mata niya.
'Kung hindi lang sana ako naging mahina ng gabing iyon.. Sana walang Luna na nawala sa akin ng maaga, Rio! Niloko't ginago mo ako! Pinaglaruan mo ang pagmamahal ko sa iyo! You're bullshit! Tangina ka, Rio!' may diin ang bawat salitang namutawi mula sa kanya— mga salitang gusto niyang sabihin kay Rio kapag nakaharap niya na ito.