Chapter 9 : Rio's Gone

1039 Words
REVENGE OF CONSUELO ____ RIO'S GONE. ~ SUOT ang red velvet floral fitted dress pinagmamasdan ni Luna ang repleksyon nya sa salamin. Ito ang napili niyang isuot sa gabing iyon; pang formal o casual ang tema ng suot niya. Ang sabi sa kaniya ni Franco, susunduin daw siya nito quarter to seven she's almost done magreretouch na lang siguro siya kapag dumating na ito. Alam na ni Franco ang bahay niya nang ihatid siya nito kaya hindi na ito mahihirapan sa paghahanap. Inikot niya ang tingin sa buong paligid ng silid niya; simple lang ito walang masyadong kolorete. It's her personality afterall; simple lang din naman siyang tao kaya nga nang umuwi siya n'on dito sa Leviste pagkatapos niyang manirahan ng mahigit 12 years years sa Amerika mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang lahat. Consuelo born in USA, doon siya lumakit at nag-aral ng elementarya niya highschool na siya nang nag-transfer sa Leviste at si Rio ang una niyang naging kaibigan sa subdivision nila. Hindi niya makalimutan ang gabing iyon it was 1st night of simbang gabi. Umiling-iling si Luna, kahit ano'ng pilit nyang tanggalin si Rio sa sistema niya hindi niya magawa sampung taon na ang nakaraan pero halos sariwa sa ala-ala niya ang lahat ng may kaugnayan kay Rio. 'Hindi lang halos sampung taon, Consuelo! Labing dalawang taon mula ng nawala siya na parang bula sa iyo! Iniwan ka niya ng nag-iisa! Umalis siya ng kahit na walang anong pasabi sa iyo!' Pagtatama niya sa kaniyang sarili. Noong gabing iyon— ang gabing binigay niya kay Rio ang sarili ng paulit-ulit mula n'on hindi na ito nagpakita sa kaniya.. Wala siyang maisip na dahilan n'on dahil masaya silang naghiwalay kahit na alam niya pag-uwi niya galit ng mga magulang niya ang sasalubong sa kaniya. Pagkatapos n'on wala ng Rio siyang nakita, tumawag, nagparamdam sa kaniya hanggang sa nabalitaan niya na lang na umalis ito ng bansang hindi man lang nagpaalam sa kaniya. Inintindi nya ang sitwasyon n'on hindi siya nagalit kay Rio; umaasa siyang babalik ito dala ang paliwanag sa kaniya kung bakit bigla itong umalis. Hanggang sa ilang buwan ang lumipas, wala pa ring Rio ang bumalik ng bansa, ang sumagot ng tawag o mga messages niya hanggang sa nalaman niyang buntis siya na nagbunga ang gabi ng pinagsaluhan nila ni Rio. Nagpatuloy siya sa paghihintay sa nobyo niya, hindi niya basta-basta sinuko si Rio; araw-araw siyang umaasang uuwi ito sa kaniya para masabi niya ang magandang balitang mayroon siya para dito. [Are you ready? Malapit na ako, Luna.. 10 minutes to be exact.] Text message ni Franco ang nagbalik sa katinuan niya, natatawa siyang tumayo. 'It was Rio again! Again and again.' Tumayo siyang muling inayos ang sarili. Nandito na siya sa unang baitang ng hagdan sa paniningil sa mga Montaño, everything will under her control. "Ma'am Luna, may tao ho sa labas si Franco Montano daw po.." "Susunod ako, Mika. Salamat." Isa pang sulyap ang pinakawalan ni Luna sa salamin bago tuluyang nagpasyang lumabas para puntahan si Franco; napili niyang bag ang mini kelly niyang regalo niya para sa ala-ala ng anak niyang si Luna nang magdiwang ito ng ika-sampung taong wala na ito. "You look so great, Luna—" hindi napigilang puri ni Franco sa kaniya. Sa isip-isip niya hindi pa ito date ha. "You look great too, Frank—" ganting sambit niya rito. Ang totoo hindi niya man lang ito tinapunan ng tingin para tingnan kahit palihim ang ayos nito. Hindi siya interesado! Iyon ang tumatak sa isip niya. Pinagbuksan siya ng pinto ni Franco, matapos magpasalamat sa compliment niya para dito. "Around 15 minutes baka nasa bahay na tayo," bungad ni Franco nang sumakay na ito sa gawi nito. Ngumiti si Luna bilang tugon sa harap nito— hinanap ng puso niya ang pangamba't takot sa paghaharap nila ni Helen, wala siyang makapa sa puso niya. Siguro dahil ilang taon niya ng pinaghandaan ito. "I want you to be feel at home in our home, Luna. Most especially to my mom," masayang bilin sa kaniya ni Franco. She smirk.. Home? Ang alam niya ang home ay tahanan— kasama ang pamilyang maayos na disposisyon sa buhay, mababait, masasandalan, mapagkatiwalaan at higit sa lahat may pagmamahal. Home ba ang tawag nito sa bahay nila kung ang hayop na Helen? Charles? Ay naroon sa bawat sulok ng bahay ng mga ito. Para kay Luna isa itong impyerno! Pumikit siya nang maramdaman ang panginginig ng kalamnan sa sarili niya. "My mom is the best.. She's a good cook, a good public servant, Luna.." Napalunok ng ilang beses si Luna nang bigla niyang narinig ang ilang papuri tungkol sa nanay nito. Mukhang wala yatang balak tumigil ang lalaking ito; in his tone of voice mukha itong mama's boy mukhang walang pinagkaiba kay Rio. "I know magkakasundo kayo—" dugtong pa. Ano kaya mararamdaman ng lalaking ito kung ako mismo ang papatay sa nanay niya? Lihim siyang natawa. Masyadong mabilis ang lahat, aniya ng utak niya. Ilang taon lang ba ang lalaking nasa tabi niya ngayon? Matanda siya ng dalawang taon dito kung hindi siya nagkakamali. Laking 'tate ito.. Pero gan'on na lamang kabilis mahulog sa patibong niya. Sinulyapan ni Luna ang mukha niya sa salamin; napangiti siya simple lang ayos niya pero nag-uumapaw nag karismang mayroon siya. "Ang sabi mo marami ka ng narinig tungkol kay mom 'di ba? Can I know what those things, Lun—" Nagkatinginan sila; ang tingin niya may pang-uuyam ang tingin nito sa kaniya naghihintay ng magiging sagot niya rito tungkol sa huwarang ina nito para dito. Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Luna; kasunod ang malalim na buntong-hininga kung paano niya mapipigilan ang sariling sabihin ang totoo dito. "Hayop siya.." hindi niya napigilang bigkasin dito. Pansin niya ang kunot ng nuo ng lalaki nang muli itong humarap sa gawi niya. "Hayop siya.. sa galing, Franco. She's deserve the recognitions from her constituents and by you as her son. Hayop sa galing talaga siya, Frank! Kaya nga I'm excited to meet her—" puri niyang may halong pang-uuyam dito. "Akala ko literal na hayop ang mommy ko.." natatawang sambit sa kanya ni Franco; nakitawa din siya dito. 'Hayop talaga siya, gago!!' sigaw ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD