Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon: ang pakikipagkaibigan nina Mina at Tina, ang mga regalo at ang mga pag-amin ng triplets. Natatakot akong dumilat dahil baka magising ako sa higaan ko sa bodega at galit na naman sa akin ang triplets. Pero sobrang init ng pakiramdam ko, masyadong mainit para sa isang taong mag-isang natutulog at masyadong komportable para sa maliit kong higaan. Dumaing ako habang nag-uunat. Mga alas-singko pa lang ng umaga pero iyon ang nakasanayan kong oras ng gising para magluto ng almusal para sa pamilya. Ayaw kong mas magalit pa sa akin ang mga magulang nila ngayong interesado ako sa mga anak nila. Naisip ko kung pwede akong dumaan sa kusina nang patago para magsimulang magluto. Hindi nagigising ang triplets hanggang tanghali tuwing Linggo pero gising na ang mga magulang nila ng alas-syete. Sinubukan kong kumawala kina Alex at Calix. Nagising si Alex, dumaing, at hinila ako pabalik sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo? Kailangan mo bang mag-CR?" tanong niya, antok na antok pa.
Ang cute niya tignan na magulo ang buhok. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.
"Ito kasi ang oras ng gising ko," mahinang sabi ko. "Kailangan kong magluto ng almusal ninyo."
Tumawa si Calix at humikab. "Di ba tanghali na tayo nagigising?"
"Oo, pero alas-syete gising ang mga magulang ninyo," sabi ko.
"Bahala na sila sa sarili nila, 'wag kang mag-alala," sabi ni Alex, hinigpitan ang yakap sa akin.
Gumalaw si Felix. Inagaw niya ako kina Alex at Calix nang lumuwag ang hawak nila.
"Hoy!" angal ni Calix.
Pinahiga ako ni Felix sa dibdib niya, na komportable naman. Humawak na naman siya sa puwet ko at pinisil-pisil. Ito ang kinatatakutan ko.
"Ano'ng ginagawa mo, Felix?" tanong ni Alex, may pagdududa.
"Nagbo-bonding lang ako sa maganda kong mate," sabi ni Felix.
Naalala ko noong kinain ni Felix ang huling pancake kaya wala akong nakain at sinabi niyang mataba ako. Napagtanto ko ang alaala. Napansin ni Felix ang kakaibang kilos ko.
"Sorry, Baby," sabi niya.
"Maganda talaga sa paningin mo ako?" tanong ko.
"Oo naman," simpleng sagot niya.
"Kamakailan lang sinabi mong mataba ako," sabi ko.
Nangilig si Felix. Sa katahimikan, alam kong hindi rin komportable sina Calix at Alex.
"Tapos kinuha mo pa ang huling pancake. Wala akong kinain noong araw na 'yon. Buong araw akong nag-aayos ng mga gamit ninyo," sabi ko.
Bumalik lahat ng mga alaala.
"Tahan na, Baby, patawad," bulong ni Felix, hinalikan ang noo ko.
"'Wag mo akong hawakan!" sigaw ko. Tumalon ako palabas ng kama.
Umupo ang triplets.
"Felix, gago ka, ano'ng ginawa mo? Hindi naman siya takot kanina," sigaw ni Alex.
"TAKOT AKO!" sigaw ko nang napakalakas kaya napatalon ang triplets at literal na tumakbo papasok ng kuwarto ang mga magulang nila.
Napaiyak ako nang todo, hindi mapigilan ang hagulhol. Nagmadaling lumapit ang triplets para aliwin ako.
"HINDI!" sigaw ng tatay nila, malakas pa rin kahit na ginawa na niyang mga bagong alpha ang mga anak niya.
Bumalik sila sa pagkakaupo.
"Ano'ng ginagawa niya dito?" mahinang tanong niya. Delikado ang tono.
"Hindi ako makatulog na alam kong nasa bodega siya. Hindi ko kaya," sabi ni Alex, inako ang responsibilidad.
"Bakit hindi mo siya nilagay sa guest room?" tanong ni Romeo.
Tahimik ang nanay nila, hinayaang asikasuhin ito ng asawa.
"Ah," sabi ni Alex.
"Tingnan mo, Dad, maayos naman ang lahat, 'di ba Chasity?" malambing na tanong ni Calix.
"Kasalanan ko," sabi ni Felix at halata sa boses na nasasaktan. "Minamadali ko siya at sorry ako. Masaya naman siya hanggang lumipat siya sa tabi ko kanina lang."
Nalulungkot ako para sa sarili ko pero dahil sa mate-bond, gusto ko siyang aliwin.
"Felix, okay lang tayo di ba?" mahinang tanong ko, kailangan ng katiyakan ng lobo sa loob ko. Kailan pa ako naging ganito karupok?
"Palagi, Baby, mahal na mahal kita, Chasity," sabi niya. Nagulat ang mga kapatid niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Totoo kaya? Parang totoo ang dating. Sinabi ng lobo ko na totoo nga. Hindi ko inasahan na si Felix ang unang mahuhulog nang todo at mabilis. Siya pa ang pinakamasama noon!
Binalewalang ni Romeo ang pag-amin ni Felix.
"Napakabata pa ni Chasity. Eighteen pa lang siya. Bata pa rin kayo. Twenty-one pa lang kayo. Ang dami na ninyong naging girlfriend," sabi ni Romeo.
Grabe ang pambabara ng tatay nila.
"Sa pagkakaalam ko, naglilinis, nagluluto at nag-aaral lang si Chasity. Hindi ninyo pwedeng ipuslit dito sa gabi ang walang karanasang mate ninyo. Tatlo kayo at kahapon lang kayo nagkakagalit-galit. Sobra ito para sa kanya," sabi ni Romeo.
Wow. Nagmamalasakit ba talaga si Romeo sa akin? Mahal na mahal niya ang mga anak niya. Siguro ngayong ako ang napiling mate nila, kailangan niyang pangalagaan ang natitirang kapakanan ko.
"Wala naman kaming ginawang... mating stuff," sabi ni Calix.
"Siguro sa mata mo, Anak," sabi ng nanay ni Calix, "pero iba ang dating kay Chasity."
Malungkot na malungkot ang triplets at gusto ko silang aliwin. Pinagsisisihan ko nang husto ang pagsigaw ko. Gusto kong matapos na ang awkward na moment na ito.
"Magluluto na ako ng almusal. Late na," sabi ko, aalis na sana. Tumakbo si Felix gamit ang werewolf speed, isinara ang pinto at tumayo sa harap nito.
"Alam kong nagkamali na ako ngayong umaga pero habang nandito na," kibit-balikat ni Felix, "Sa patay kong katawan, Princess."
Tinitigan ko siya.
"Isa pa rin ako sa mga Alpha ng pack na ito at kahit gusto mo ako o hindi, hindi ka na kailanman magbubuhat ng daliri sa bahay na ito," sabi ni Felix, kumikitid ang mga mata.
"Kumuha kayo ng katulong at tagaluto ulit. Dalawa kada isa kung masyadong mahirap para sa isang tao," utos ni Felix sa mga magulang niya.
Mukhang inis sila pero Alpha si Felix.
"Sang-ayon ako," sabi ni Alex, tumango.
"Ako rin," sabi ni Calix, kurap sa nanay niya para hindi masyadong magalit.
Ginulo niya ang buhok ni Calix at umalis, binuksan ni Felix ang pinto para sa kanya.
"Bago matapos ang araw, ayusin ninyo ang situwasyon ng kuwarto at magdesisyon kayo kung anong guest room ang magiging kay Chasity," sabi ng tatay nila. Umalis na rin siya.
Nakaupo na naman ang triplets sa kama habang nakatayo ako malapit sa kanila.
"Baby, sorry sa lahat ng pagkakataong tinawag kitang mataba," sabi ni Felix.
Nagulat ako kaya natawa ako.
Umirap si Alex. "Ang ibig sabihin ng tanga kong kapatid ay maganda ka."
Namula ako. Na-realize ko na hindi ako tinawag ni Alex na mataba kahit kailan. Naalala ko ang sinabi niyang may crush na siya sa akin noon pa. Totoo kaya iyon?
Si Calix lang ang nagbigay ng papuri sa akin bago ang mate bond. Siya ang pinakamadaling patawarin.
Lumapit ako kay Felix, niyakap siya at umupo sa kandungan niya. Sigaw nang sigaw ang lobo ko na gawin ko ito. Nagpasya akong sumunod. Nagulat sina Alex at Calix.
Idinuldol ni Felix ang ilong niya sa ilong ko. Na-realize ko na tinatawag pala ng lobo ni Felix ang lobo ko. May na-realize pa ako.
"Hindi ko pa nakikita ang mga lobo ninyo," sabi ko.
Ngumiti ang triplets. Gising na gising na sila ngayon.