Chapter 39: Final Night Raven Pagkatapos ng mga kaganapan kanina sa Trial court, hindi ko na alam kung paano pa muli ako magsisimula. Parang hinihigop ang lakas at pag-asa ko habang tumatagal kami sa lugar na ito. 4:45 PM Ilang oras na lang bago mag alas-nuwebe. Ilang oras na kaming naghahanap, pero mas mahirap ngayon dahil wala si Tomy at Loren dahil binabantayan nila ang kundisyon ni Hannah. Ayon kay Shane ay hindi raw maganda ang kundisyon ni Hannah dahil sa dami ng dugo na nawala sa katawan nito. Dalawang bomba, dalawang bomba pa lamang ang natatagpuan namin matapos ang trial court. Hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang ng mga bomba na nasa parkeng ito. Dalawampung bomba? Trenta? Sampu? Walang may alam. "Raven kumain ka na ba? Kumain ka muna," Sabi sa akin ni Mario. "'Wag

