Chapter 38: Judgment Phase 11 Raven Hindi ba't dapat matuwa ako dahil nahuli na namin ang mga killers? Pero parang hindi ako makaramdam ng kahit anong tuwa dahil na rin napagtanto ko na napilitan lang ang iba kong kasamahan na gawin ang mga bagay na iyon dahil na rin sa kanilang role. Ang isa pang pinoproblema namin ngayon ay ang sinabi sa amin ni Chelsea. "Raven may nakita ka d'yan?" tanong ni Crystal. "Wala," Hinahanap namin ngayon ang mga bomba at susubukang i-difuse ito. Wala man akong kaalaman pagdating sa mga bomba pero may mga bagay na mapipilitan kang gawin dahil idinidikta na rin ito ng sitwasyon. Hinahanap naming lahat ngayon ang mga bomba na sinasabi ni Chelsea. Ngunit halos ilang minuto na kaming naghahanap ay ni-isa ay wala pa rin kaming matagpuan. Wala akong ideya kung

