Chapter 33: Night 10 Raven Masaya ako dahil nabawasan na ang mga dapat mamatay sa larong ito pero at the same time... Nakakalungkot din, hindi kami makakalabas lahat dito ng sama-sama. Madalas nga ay nakakasalubong ko si Owen, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako umiiwas. Siguro marahil ay pakiramdam ko ay ang layo ni Owen sa akin. Naturingan pa man akong pulis sa larong ito pero ako pa ang walang naitutulong. Nakakapagod din, ilang beses kong sinusubukan na makipagtulungan kay Owen pero parating siya mag-isa ang nakakaresolba ng kaso. Napapatanong na nga ako sa aking sarili, ano bang role ko rito sa larong 'to? Kung dati ay malinaw sa akin na Pulis ang role ko ngayon ay nag-iba na... Pakiramdam ko ay saling pusa na langako sa larong 'to. Para akong isang matandang tao na naghihi

