Chapter 31: Judgment Phase 9 Owen “Owen, salamat sa pagtanggol kanina,” sabi ni Crystal at lumapit sa akin. ` “I saved you ‘coz we’re friends.” Kaplastikan. Sa totoo lang ay isa rin si Crystal sa mga pinaghihinalaan ko. "Wala kang dapat ihingi ng salamat, ginagawa ko lang ang makakaya ko para mailigtas ang mga inosente kong kaibigan." Alam kong malapit na namin matapos ang larong ito at sa tingin ko ay hindi kami aabot sa ikalabing limang araw. Kaunti na lang ay malalaman ko na kung sino ang serial killer. Sa traitor at sa katauhan ni Amanda... Wala pa akong ideya. Naglakad na palayo si Crystal at pagkaalis niya ay tumayo na ako sa aking kinauupuan. Wala akong oras na dapat sayangin lalo na't ngayon ay malapit na ako sa katotohanang ninanais ko. Umupo ako sa isa s

