Chapter 30: Trial Phase 9 Owen I thought Phil will manage to finish the game, pero nagkamali ako. Phil is smart, but he was deceived by an enemy. Kahit ako ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng talino ko, masyadong maraming sikreto ang lugar na ito. Labing dalawa na lamang kaming naririto at may anim na araw pang natitira. Kung magtutulong-tulungan lamang kami ay paniguradong hindi kami aabot sa huling araw... mahirap humingi ng tulong sa iba lalo na't may apat pa kaming kasamahan ang nagsisinungaling. Si Amanda, ang serial killer, traitor, at ang mafia. "Owen kumusta, kilala mo na ba sila?" tanong sa akin ni Mario. Naglapag din siya ng dalawang tasa ng kape para sa aming almusal. "Hindi pa," That's the usual words that I always say. Hindi ko ugali na sabihin sa iba ang karamiha

