"Hey. Wake up.." Ramdam ko ang bahagyang pag uga niya sa balikat ko hanggang sa mag angat ako ng ulo. Tingin ko naka idlip ako habang inaantay siya matapos sa pagluluto.
"Eat now." Napatingin ako sa mga pagkaeng nasa lamesa, sa harapan ko lng. Umuusok pa ang bagong saing na kanin pati ang- SINIGANG??
"That's my favorite.." Nasabi ko na lang sa sobrang pagkatuwa. Last na kaen ko pa nun si Mommy pa ang nagluto. Ibig sabihin ang tagal na.
Maliban sa tipid at huling sinabi, tahimik na si Creepy Girl. Tunog lang ng kutsara, tinidor at pag nguya ata namin ang naririnig ko.
Nakakasira ng ulo ang sobrang katahimikan.
"Thank you." Sabi ko habang humihigop ng sabaw nung sinigang na niluto niya. Almost kasing lasa na ng luto ni Mommy.
"The rain had stopped. After this, I gotta go," Walang bahid emosyon niyang hayag.
Grabe, iiwan niya talaga akong mag isa kahit pa alam niyang may sakit ako. Ang tigas. Walang puso.
Mukhang paghihirapan ko talaga ng husto ang pagkuha pa lang sa loob niya. How much more pa kaya ang pa-ibigin siya.
Sa totoo lang ngayon lang ata ako hindi naging kumpyansa sa kakayahan ko.
"Can't you stay? I don't wanna be alone when I'm sick. Please, Avry," may halong pagdadasal sa loob loob ko.
Ang totoo ayoko din naman talaga mag-isa dahil nga ang sama ng timpla ko. Hindi lang naman yun dahil sa gusto kong mapalapit sa kanya.
"Fine," sunod siyang tumayo. Akala ko kung anong gagawin niya, yun pala kinuha lang niya ang kaninang gamot na hindi ko natuloy inumin.
"Take this and rest." Tinanggap ko yun saka ininom.
Matapos kumaen, sya nga ang nagligpit ng lahat. Nahihiya man ako pero no choice. Nanginginig pa nga ang mga kalamnan ko.
Kaya nga ba ayoko.. As in ayoko ng ulan.
"What are you waiting for?" Nabigla akong napaayos ng upo. Pinapanood ko kasi siya habang nakapalumbaba dito sa dining area.
"I told you to rest. Go to your room now, lay down, and sleep." Grabe ang sungit naman. Mas masungit pa siya sakin ah.
Di kaya gumaganti to dahil sa inasal ko sa kanya nung unang araw na magkrus ang landas namin?
Kasalanan naman niya yun kasi hindi tumitingin sa nilalakaran tas tumatakbo pa. Kasalanan niya talaga yun.
"I'm afraid to sleep alone. I'm having a nightmare when I'm sick," pagpapaawa effect ko pero totoo naman din yung sinasabi ko.
Kaya nga ayoko ng ulan, lalo kapag naulanan ako kasi magkakasakit ako agad, tapos nun mahihirapan akong makatulog. Kapag nakatulog naman kung anu-ano na napapaginipan ko.
"Please, Avry.. Pwede mo ba ko samahan? Malaki naman ang kama ko. Don't worry, I won't r**e you," seryoso kong sabi pero feeling awkward.
Ang tagal bago niya naisipang sumagot. Naka ready na din naman ako if ever na hindi talaga siya pumayag.
Okay lang naman dahil di ko naman ikamamatay. Pero syempre, it would greatly help kung sasamahan talaga niya ako.
Wala siyang naging sagot at bumalik lang sa kanyang ginagawa. Napahinga na lang ako ng malalim bilang pagtanggap sa hindi niya pag payag.
Marahan akong tumayo, lumakad at iniwan na siya roon. Pagpasok ko ng kwarto naghanap ako agad ng ibibigay na kumot sa kanya.
Okay lang kaya sa couch siya mahihinga? Ang arte naman kasi. Isang Ice Queen na ang makakatabi niya pero tinatanggihan pa.
"What are you doing?!"
"Ahhhh!!!!" Gulat na gulat akong naihagis bigla sa ere ang mga hawak ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Putcha naman Creepy Girl. Gusto ko pang mabuhay. Hindi ako makasagot dahil hapo ko ang dibdib ko sa sobrang pagkagulat.
Huminga ako ng malalim para kumalma. Lalo ata akong magkakasakit kung siya ang kasama ko. "Sorry. Did I startle you?" Obvious ba.
Lumapit ito saka tinulungan akong pulutin ang nagkalat na mga blanket, pillow case at kung anu-ano pa.
"Ano pa kasing ginagawa mo? I already told you to rest," seriously and authoritatively.
Sasagot sana ako pero panay nanaman ang naging pag bahing ko. Marahil dahil sa himulmol galing dito sa mga telang sumaboy dahil bigla na lang sumusulpot tong Creepy Girl na to.
Kinuha ni Creepy Girl ang hawak ko, nilapag niya yun kung saan tapos humawak siya sa magkabilang braso ko.
"Lay down." Dinala niya ako ng kama para pahigain.
Kokontra pa sana ako kasi nga bibigyan ko lang naman sana siya ng kumot. Malamig sa labas dahil may aircon.
Nagulat ako ng humiga ito sa tabi ko. Ibig sabihin pala ng pananahimik niya kanina ay oo, pumapayag siya.
"T-thank you.." Mahina pero sinigurado kong rinig niya. Imbis na sumagot, tumagilid ito, patalikod sa'ken.
Ang sama talaga ng ugali. Ang hirap niyang basahin. Nagugulo ang mga brain cells ko.
"Goodnight," pahabol ko pa bago pinikit ang mata ko.
Hindi ko talaga pinatay ang ilaw dahil iba ang epekto sakin ng dilim kapag masama ang pakiramdam ko.
Pero if ever gusto niyang patayin, okay lang din naman kasi di naman na ako mag isa.
Thanks, pa din sa kanya, kahit ayaw at labag sa kalooban niya ang lahat ng to still she's doing it diba. She's staying.
Unti-unti nararamdaman ko na ang antok kaya pumikit na ako. Andun na, papunta na ng magdilat uli ako ng mata.
What the heck?! Nasa dibdib ko lang naman ang isang braso ni Creepy Girl.
Ang bilis naman niyang nakatulog. Dahil di ako komportable, marahan kong hinilig ang ulo ko para mabantayan siyang wag magising habang inaangat at inaalis ko ang kamay niyang naka dagan.
In all fairness, maganda din naman pala siya, lalo na kapag malapitan at walang salamin-
"Why are you staring at me like that?" Bigla lang naman siyang nagmulat ng mata. Muntik nanaman akong mapasigaw.
"You are hugging me," reklamo ko. Tila natauhan siyang napatingin sa kamay niyang nakayakap nga sa akin.
Patay malisyang inalis niya yun saka muling tumalikod sa akin. Ganun na din ang ginawa ko para talikuran kami.
Pinikit ko na ang mata ko pero mukha niya agad ang pumasok sa isip ko.
She's pretty. Hindi yun maitatanggi. Maliban sa matangos niyang ilong, pinaka kumuha ng pansin ko ang mahaba niyang mga pilikmata.
They are damn captivating. The same goes for her lips. Sumilay ang punit kong mukha sa isiping iyon, mariing napapikit, kunot noong binubura ang mga imahe sa utak ko.