11

1101 Words
ISANG basang bimpo mula sa noo ko ang nalaglag sa ginawa kong pag galaw. Nag-aadjust pa ang mga mata ko sa pagdilat habang nag-iisip kung anong meron sa bimpo. Wala na si Creepy Girl. Saka ko naintindihan na siya ang naglagay nun sa noo ko. Inalagaan at binantayan niya ba'ko buong gabi? Kinapa ko pa ang sarili kung mainit pa ba ako pero thank god at normal na. Lumabas ako ng kwarto sa pag asang baka nasa living room lang siya pero talagang nakauwi na'to. Nakita ko naman na may kung anong natakpan sa ibabaw ng dining table. "Oh.. Nakuha pa niyang magluto?" Natanong ko na lang sa sarili ko pagkakita ng mga pagkaen. Meron pang pumukaw sa atensyon ko. Isang capsule na may nakadikit na note sa tabi nito. "Take your med after meal," diko namalayang nakangiti na pala ako at tila nag-init pa ang pisngi ko. Sunny side-up fried egg at corn soup? Wow! Sa bango ng naaamoy ko, di ko na napigilan kumuha ng bowl at maupo ulit para lantakan ang hinanda ni Creepy Girl. Nag-effort talaga siya magluto? Totoo ba? Hmm. NAKANGITI akong pumasok ng room pagdating ko. Hindi naman ako masaya pero kailangan ba may dahilan? "May nangyari ba?" Si Kera agad ang unang lumapit sa'ken. Tahimik lang ako at bumalin sa nilabas kong phone. "Hoy.. Mag share naman. You look different, Ice," sabay ng paninitig niya sakin. Sumimangot akong sinalubong ang mga mata niya. "Ikaw Kerara, hiwalay na ba kayo ng cheater boyfriend mo kaya ako ngayon ang pinagti-tripan mo?" Unti-unting sumama na din ang mukha nito. May tinamaan ata ako. "Ui.. Anyare? Nagbibiro lang naman ako, Kera. Seryoso?" Hindi siya nagsalita at kunwari binabasa ang binuklat niyang libro. Never nya yun ginawa. Magsasalita pa sana ako ng dumating naman si Rafa. Kinawayan ko to para tumabi at makipag-usap na muna sa amin ni Kera pero nag angat lang ito ng ulo at sa dulo sa likod pumuwesto. Naningkit, nanukot ang noo kong napatingin sa kanilang dalawa. Anong meron? Magka-away ba sila? Na-iintriga akong magtanong pero nagpipigil ako hanggang sa di na ko matahimik kasi naman ang tagal din ng Prof naming dumating. Hinila ko ang upuan ko palapit kay Kera. "Hey.." Kinalabit ko to. Galit galitang tinabig lang ang kamay ko. Ang arte naman, pakipot pa. "Ano nga? Anyare kay Rafa? Sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo?" Bumubuhos na sa'ken ang sobrang pagtataka. Buti na lang at dumating si Xander. Malamang may alam siya. "Hey.. Talk to me." Salubong ko agad sa guy best friend ko. Nakaakbay ako sa balikat niyang nakalapit ang bibig ko sa tenga niya. "Later, Ice. For now, hayaan na lang muna naten silang dalawa," lalo akong napa-isip dahil sa sagot na yun ni Xander. Bwisit ang mga animal. Ako lang ang walang alam?? "Bat dimo pa sabihin ngayon saken?!" Pangungulit ko ulit kay Xander ng mahila ko siya palabas ng room. Ang ingay na din kasi ng iba pa naming kasama. "Grabe, Ice.. Can't we just talk about it some other time? Andyan na si Prof," nginuso niya ung babaeng naka formal. Natigilan naman ako kasi agaw atensyon ang datingan ng babae. Siya ba ang Prof namin? She's so hot and gorgeous. Wala sa sariling lumakad na lang ako, sumunod sa pumasok na Prof sa room namin at naiwan si Xander. Alam kong napapailing na to ngayon. Masisisi niya ba ko. Ang ganda kaya ni Prof. Ayeeh.. Mukhang maganda ang buong araw na to ah! Kinikilig ako. BUONG klase nangalay ata ang panga ko kakangiti, pati balikat ko kakataas ng kamay. "Ice ngayon ka lang naging sobrang active sa class," makahulugang pagpaparinig ni Drei. Ang animal na to. Umikot lang ang mga mata ko at di siya pinansin. Samantala ang gorgeous Prof namin ay nagliligpit ng mga gamit niya ng tumayo ako para tulungan siya. "Ma'am, can I help you with those?" ngiting ngiti na tanong ko. "Are you sure, Ms. Samson?" Di makapaniwalang tugon nito. Oo naman sure ako. Kinuha ko na ang ibang dala niya. "We'll wait for you sa Cafeteria na lang, Ice," Tinanguan ko ang sinabi ni Xander. Nakita kong nakasunod na din sa kanya ang dalawang dipa din nagpapansinan. Napailing na lang ako at bumalik ang tuon kay gorgeous. "Thank you talaga," pasasalamat nito habang palabas kami ng pintuan. Namataan ko naman si Creepy Girl. Babatiin ko sana to at magpapasalamat sa ginawa niya pero ng makalapit ako agad tong lumakad bago pa man ako makapag salita. Problema niya? "Do you know her?" Saka lang ako nakabawi. "Yes, ma'am. I wanna court her, but she doesn't like me," sumilay ang gulat nitong mukha sa sinabi ko. Never naman kasi akong nagtago ng pagkatao ko. I'm all out. "So, you like girls too? Sa ganda mong yan?" Bakit? Ang magaganda para talaga sa magaganda. Pinagsasabi mo Ice?? "Pero dinya ko gusto eh," tila nagdadamdam kong saad. "You are not sure. The way she looked at us earlier, I might think that she's jealous?" "You just think?" nangingiting tanong ko kay ma'am. Okay din pala siya, parang barkada lang. Mukhang bata pa din kasi, siguro nasa mid-20s lang. Nagtaas baba ang kilay nitong," I believe," saka lumabas ang malawak niyang ngiti. Ewan ko pero tuwang tuwa ako sa mga naririnig ko mula sa kanya. Ibig sabihin hindi pa ko loser. May chance pa ako kay Creepy Girl. "Gusto mong sumabay mag lunch sa Cafeteria, ma'am? My treat," aya ko rito. Malapit na din kasi kami sa faculty niya. "Sure. Hindi ako tatanggi sa blessings." Buti pa siya madaling kausap di gaya ni Creepy Girl, pa hard to get. Papunta na kami ni ma'am sa cafeteria after namin malagay ang ibang dala niya sa table niya at di ko maiwasan mangunot ang noo dahil sa mga nakatinging mata sa amin. "Guys.. Look, the Ice Queen has a new girl now," sigaw ng lalaking nadaanan namin. "Break na kasi sila ni Drei," dagdag pa ng isa. "Don't mind them," siko sakin ni ma'am. "I don't mind, ma'am. sanay na ko sa kanila," ganti ko habang patuloy kami sa paglakad. "Ako na lang, Ice!" may pahabol pang sigaw ng animal. "Ice!" Tawag sa akin ni Xander kasabay ng pag kaway ng makarating kami ng cafeteria ni ma'am. Agad naman kami nagtungo roon ng kasama ko. Para tuloy kaming rumarampa ni ma'am. Gaya ko ang taas din kasi ng suot niya. Kung di lang siya, Professor, iisipin kong modelo siya ng sikat na brand ng damit. "Hello, ma'am," bati ni Xander ng may pagtango, pag-galang. Ganun din si Kera at Rafa na pansin kong hindi pa din on good terms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD