DAHIL kasama namin si ma'am hindi ko magawang abalahin yung dalawa kung anu bang problema nila at hindi sila nag uusap. "Ma'am, saglit lang po ah," paalam ko rito saka tumayo ng mamataan ko si Creepy Girl malapit lang sa table namin kasama si Alexa. "Do you want to get sick again?" Ito agad ang bungad niya sa akin ng makaupo ako sa tabi niya. Si Alexa naman tahimik lang sa tapat ni Creepy Girl na kumakaen ng sandwich. Nagtatakang napatingin ako kay Creepy Girl. "What?" tanong ko. "I saw you were carrying heavy things earlier," sabi nya ng hindi nakatingin sa akin—Naalala ko naman yung kaninang pagtulong ko kay ma'am. So kaya nya ako dinedma kanina? Ganun ba yun? Akala ko pa naman dahil may pagtingin na siya kasi sabi ni ma'am ung tingin niya, tingin ng nagseselos. Sabagay ma

