WALANG pasok ngayon kaya naisip kong libangin ang sarili ko ng mag-isa para maiba naman. Minsan kailangan din may me time. Hindi kasama sila Xander, Rafa at Kera. Isa pa mukhang nagkaka mabutihan na si Rafa at Kera sa isang linggong inoobserbahan ko sila. Ayoko silang pangunahan sa mga magiging ganap o desisyon nila sa buhay. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. May masaktan man saka ako reresponde. Doon ako manghihimasok. Nag commute lang ako papunta ng Baguio. Nakita ko lang sa t****k ang pinagkakaguluhang coffee shop rito na tinawag na love is blind. Na-intriga ako kung bakit pinagkakaguluhan pero mas interasado akong malaman kung bakit ganun ang pangalan ng coffee shop. Pumila ako ng counter para umorder ng kape at cake. Habang nag-aantay ng turn ko, nasa phone

