DINALA ko si Avry dito sa paborito kong lugar. Isa itong open restaurant na katabi ng lake. Kapag sa gabi sobrang romantic gawa ng mga ilaw sa paligid. Sayang nga lang at maliwanag pa. Dito kami mag lulunch ni Avry tapos if game pa siya manood ng sine mamaya or kung ano pang gusto niyang gawin. Pwede din naman mag arcades o di kaya window shopping dahil wala naman akong masyadong pera para literal na mamili. "Where did you learn this place?" Tanong ni Avry ng makapili ng table at makaupo na kami. Abala ang mata niya ngayon sa paligid. Gandang ganda.. Sabi ko na at magugustuhan niya to, unang beses ko pa lang maisip. Una at last na punta ko rito ay mag-isa ko lang. Ugali ko na kasi talagang lumabas minsan ng mag-isa. Me time nga diba. "Sa t****k," tila alangan kong sagot. Tuming

