SIMULA ng date namin ni Avry hindi na siya mawala sa isip ko. f**k s**t! Kahit anong gawin ko para maging busy lang may pagkakataon pa din talaga na naglalaro sya sa utak ko.
Malala na ata talaga ako.
Andito ako ngayon sa kwarto ko sa kama at dapat ng rereview dahil may short quiz sa isa naming minor subject.
Ang aga magpa exam ng animal ilang araw pa lang ang klase namin sa kanya. Naiinis tuloy ako tapos idagdag mo pa itong si Avry na ginugulo ang utak ko halos four days na.
Wala siya sa P.E. class namin kasi may training ata sila sa swimming—wala nga ako sa mood ng araw na yun at panay pang aasar ang natanggap ko kay Kera.
Ewan ko ba sa babaeng yun, tila may alam siya sa mga ganap sa buhay namin ni Avry—Hindi na lang siya mag focus sa kung anong ganap sa kanila ni Rafa.
Isa pa yun at ilang araw na walang kibo. Kapag tatanungin ko naman panay sabi lang siya ng okay lang siya. Si Xander naman medyo nagiging busy din sa football.
Saglit kong kinuha ang phone na nasa tabi ko lang. Iniisip kong kamustahin si Avry. Diba kasi ang alam niya nanliligaw ako sa kanya.
Ei kung ganito ang galawan ko malabo atang sagutin ako nun. Pero teka nga? Hindi ba dapat kinakausap ko na siya about sa challenge?
Nung isang araw pa yun gumugulo sa isip ko. Ayoko ng maglihim pa at gusto kong maging honest kay Avry.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat lahat kung paano nagsimula ang paglapit ko sa kanya. And maybe.. maybe lang naman.. Para siguro magsimula kami sa tama. Ako sa kanya dahil nasa tama naman siya. Ako itong wala sa ayos.
Shit! Ang gulo!
Kulang na lang mapatalon ako ng kama ng mag ring ang phone ko. Video call sa messenger.
"s**t!" Biglang mura ko ng makita kung sino ang tumatawag. Namiss ko sya.... Kausap.. Kayo naman.
"Hi! Avry.." Bati ko rito ng masagot ang tawag niya.
"Are you busy right now?" Agad akong umiling. Kung sa kanya lang naman palagi akong may free time.
Asus Ice Queen!
"Can I come over?" Huh? Dito sa unit ko? Why??
Bakit tila kinakabahan ako? Twice naman na siyang nakapunta rito. Okay lang naman siguro.
"Sure.." Pagpayag ko. "Is everything alright?" Tanong ko ng mapansin kong tila may bumabagabag sa kanya.
"Ah.. Sorry, Ice.. I change my mind. Maybe next time." Biglang nawala yung kaninang excitement na naramdaman ko.
"O-okay.. Are you sure okay ka lang?" Gusto ko lang naman makasiguro. Naiisip niya ba si Alexandra? Bakit parang nahuhurt ako?
Ano ngayon kung maisip niya? Mahal niya yun ei. Baka nga kung buhay pa hanggang ngayon sila pa.
Paano naman ako? Teka bat ba ganito ang iniisip ko? Winaglit ko sa utak ang mga bagay na lalason lang din naman sa katinuan ko.
Saglit lang ang naging pag uusap namin ni Avry at nagpaalam na din siya. Sunod ko naman nakausap si Mommy at Ate Izzy.
"Kamusta ang studies mo?"
"Okay naman my." Pilit akong ngumiti.
"What happened to our baby?" Lumabi ako sa sinabi ni Ate.
"Hindi na ako baby, Ate!" Reklamo ko rito na tinawanan lang naman niya.
"May boyfriend ka na ba? Girlfriend?" Sunod na tanong nila.
"Huh? Wala no.. Bakit naman yan naisip nyu?" Maktol ko. Ngayon ko na lang sila ulit nakausap ibang tao pa gusto nilang topic.
"Mukha ka kasing problemado sa jowa mo, my sissy.." Huh? Ano daw?
"Okay naman ako, Ate.. huh? Ano bang sinasabi mo." Umiling iling si mommy. Hindi din ba siya convince.
"Ang dami ko lang inaaral kaya ganito. Miss ko din kayo.." Paglalambing ko. Totoo naman din. Miss ko na nga sila.
Isang oras din ang dumaan matapos ng video call namin nila ate. Nagreready na akong matulog dahil anong oras na din at baka bukas ng madaling araw na lang uli ako mag rereview para mas madaling pumasok sa utak ko.
"Sino naman yun?" May nagdoorbell kasi. Napatingin pa ako sa oras. Almost 11 p.m. na. Sino naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras.
Never naman ako pinuntahan nila Xander, Rafa at Kera ng ganito ka late. Unless overnight sila dito sa unit ko.
"A-avry?!" Agad itong bumagsak sa dibdib ko pagbukas ko pa lang ng pinto. Nasilip ko na din naman siya kaya hindi ako natakot na baka masamang tao ang nagdoorbell.
"You are drunk.." Marahan ko siyang pinasok, hawak hawak ko siya habang sinasara ng isa kong kamay ang pinto.
"S-sorry.. I don't wanna go home." Ang wasted niya—para siyang naging si Creepy girl ulit.
Marahan ko siyang iginaya sa couch. "Maupo ka.." Imbis na siya lang pati ako napasama. "s**t! Avry.. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo." Nasa bewang ko ang mga kamay niya. Tatayo na sana ako pero humigpit ang kapit niya sakin.
Pinakatitigan niya ako hanggang...
"Ahmm.. ahmm.." She's kissing me! The hell!
She stole my first kiss!!!
"A-avry.." Awat ko rito pero parang traydor ang sarili kong nagugustuhan ang matamis niyang labi kahit may lasang alak din ito.
Why did I let her???
"You like me, right?" Sabi niya ng maghiwalay ang mga labi namin. Halos habulin ko ang hininga ko sa mainit at malalim na halikan na yun.
Mabilis lang yun pero sapat para makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. s**t!
"Lasing ka na.. Rest, Avry." Saka pilit akong kumawala sa kapit niya sa akin.
Hindi ako komportable. May kakaiba sa kanya. May dinadamdam siya kaya siya nagkakaganito at naiinis ako kasi parang she's using me??
Nakahiga na siya now sa couch at naka pikit. Di ko alam kung iiwan ko na lang siya dun at babalik na ko ng kwarto ko para matulog or what.
Naiinis ako sa hindi ko maintindihan na dahilan. Maya pa ay bigla ito ulit nagsalita.
"A-alexandra.." Hinahanap niya ang namatay niyang girlfriend. f**k! Kaya siya wasted ngayon dahil sa taong yun na wala naman na dito sa mundo.
Gets ko hindi madali for her. Nahihirapan siya, I can see that clearly pero di ko maiwasan mainis. I hate it! I hate it na ganito siya.
Parang ako ang nahihirapan para sa kanya.
"Tara na sa kwarto.." Muli ko siyang inakay.
"I-I thought.. I can forget you.."Nagsalita nanaman siya. "But I guess I-I w-was wrong.." Hindi ko na nagugustuhan ang mga naririnig ko.
Muli ko siyang hinayaan. "I-Ice's o-okay.. Mama l-likes her.."
Huminga ako ng malalim dahil tila bumibigat ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
It's so obvious kung gaano niya kamahal si Alexandra at hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.
Nasasaktan ba ako?? Ako ang buhay.. Ako ang nakakausap at nakakasama niya..
"Ako na lang, Avry.. Ako na lang.. Kaya kitang mahalin, paligayahin. Kaya kong alisin siya diyan sa isip at puso mo.."
Saka ako tumayo at pinahid ang luha ko matapos ng mga sinabi ko na siguradong hindi niya narinig.
Narinig man siguro pero wala siyang naintindihan dahil nga lasing na lasing ang gaga.