19

1298 Words
KAHIT anong pilit kong basahin ang ginawa kong reviewer ay wala talagang pumapasok sa utak ko. Parang bina-block nito lahat ng information maliban sa mga naging kaganapan kagabi. "Morning, Ice." Kumunot lalo ang noo ko ng makita ang pagmumukha ni Drei na ngiting ngiti. Sinundan ko lang siya ng masamang tingin saka tahimik na bumalik sa binabasa ko. Yamot kong naihampas ang papel sa desk ko. "Oh? Early in the morning wala na agad sa mood ang Ice Queen?" Si Rafa, sabay ang pag-upo sa silyang hinila niya palapit sa akin. Hindi ako nagsalita at bumalik pa din sa binabasa ko. "Hey guys! Morning," rinig kong bati ni Kera. Parang hanging dumaan lang din yun sa tenga ko. "Coffee?" Napatingin ako roon at paangat na bumaling sa nag-abot. It was Xander with his handsome smile. Payak akong ngumiti," Thank you, best friend." Saka ako bumalik sa papel na hawak ko, humigop na din ako sa ibinigay ni Xander. Kailangan ko talaga to dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Lasing na lasing si Avry kagabi at nakausap ko pa nga ang mama niya sa phone nito. Tunog kasi yun ng tunog. Alalang-alala ang mama niya dahil anong oras na. Ramdam ko kung gaano siyang nakahinga ng maluwag ng sabihin kong kasama ko ang anak niya. Panay ang pag-thank you niya sa'ken. Tumawag na din daw kasi sya kay Alexa at hindi nga raw nito kasama ang anak. "Are you okay, Ice?" Si Xander ito. "Yup." Tipid kong sagot ng hindi siya tinatapunan ng tingin, sabay inom sa kape ko. "Galing sa ilong," kontra naman ni Kera. Di ko na lang pinansin kasi wala talaga akong energy para sabayan siya. "Is it about, Val?" Napasinghap akong nawala ang tingin sa binabasa ko. "Sabi ko na eh." Nakita ko pa sa peripheral view ko ang pag iling niya. Naisip kong it's time tapusin ang walang kwentang challenge nila sa'ken. Wala na akong pakialam kung anong pang-aasar pa ang maging pasaring nila. "I can't do the challenge anymore," seryosong sabi ko. "Mag-isip na lang kayo ng ibang parusa." Dagdag ko pa. "Anong nangyari sa Ice Queen ng Samson University?" May tono panunudyo ni Rafa. Akala ko ba best friend ko siya? Dapat nasa side ko siya. "But you know the consequences, Ice. Right?" Saglit akong napaisip sa tanong ni Xander. Mahalaga sa'ken ang condo ko sa Makati, regalo pa yun sa akin ni Dad. Kung ang pagpapaalila lang kay Kera ay walang problema at kahit di ko na din siya pakialaman sa mga katangahan niya sa pag-ibig. Napabuntong hininga ako. "Good morning, Class!" Bati ng Prof namin kaya agad kaming umayos at bumati rito ng pabalik. Naputol ang usapan namin ng mga kaibigan ko. Gaya ng inaasahan may pa quiz nga ito. Nagbigay lang siya ng 30 minutes para sa 30 items. Familiar lahat ng tanong pero parang nagka buhol-buhol sa utak ko ang mga sagot. Di ko magawang mag focus. Natapos ang 30 mins ng ganun ganun lang at nagsimula kaming magcheck. Para akong nahipan ng masamang hangin ng makita ang score ko. Ito ang unang pagkakataong nakakuha ako ng zero sa simpleng quiz. s**t! Saglit na nag discussed ang prof namin about sa topic. "Class dismissed!" Di ko namalayang tapos na pala siya. Nagsi tayuan na ang lahat at isa-isang nagsisilabasan ng room. Malapit na ako ng pinto ng," Ms. Samson, stay." In her monotone. "What's wrong?" Bulong pa ni Rafa. "Wait ka namin," sabi naman ni Xander. Nasa harap na ko ngayon ng Prof ko. Alam kong about ito sa nakuha kong score. "Did you not understand anything in our lesson last time and you got zero today?" Hindi ako makasagot. Maliban sa kahihiyan ay lutang pa din talaga ang utak ko. "Sorry, ma'am, it won't happen next time." Para matapos na lang agad ang usapan. Akala ko abswelto na'ko. "What time your last subject will end?" At bakit naman kaya? "4 p.m. ma'am." Tanging nasabi ko. "Meet me in the faculty. Retake your exam." Saka niya ko hinayaan makaalis. Napabuntong hininga ako. May magbabago ba? Baka zero lang ulit makuha ko. "What happened?" Nag-aalalang tanong ni Kera. Nag-aantay naman ang dalawa sa sagot. "I got zero in the quiz." Bagsak ang panga ng tatlo. "What?? The Ice Queen got zero?" Di makapaniwalang nasabi ni Kera. Talaga naman kasing nakakabigla yun dahil sa talino ko. Habang naglalakad para sa sunod naming subject panay ang tanong sa'ken ni Xander kung may problema ba ako. Ganun din ang di nawawalang pag-aalala sa mukha ni Rafa. "Guys mauna na kayo mamaya pag-uwi kasi ireretake ko yung quiz sa faculty niya after my last class." Sabi ko sa kanila. NATAPOS ang huling subject ko at nakapag review na din ng konti para mabawi ang nakuha kong zero kanina kay ma'am Fuentez. Kumatok ako ng nasa harap nako ng faculty nila ma'am. Narinig ko naman ang boses ng pag unlak kaya pumasok na ako. Bago ko mahanap ang desk ni Ma'am Fuentez..... The f**k is she doing here?? Nagtama ang mga mata namin ni Avry. I don't know if naaalala niya ang ginawang paghalik sa'ken kagabi. Nagising na lang din ako ninang umaga na wala na siya sa unit ko. Bago pa man ang lahat, ako na ang unang nag iwas ng tingin. Tama at nakita ko na din naman si Ma'am Fuentez. "Very good, Ms. Samson. You got a perfect score." Natutuwang sabi nito matapos kong mag retake at macheck niya mismo ang exam ko. Tahimik lang akong lumilipad nanaman ang isip. Hindi na'to pupwede. Daig ko pa ang kakabreak lang sa relasyon. Palabas na ako ng faculty after ko kay ma'am Fuentez. "The f**k!" Napamura at kunot ako ng may mabangga. Nakayuko kasi ako at tagusan ang tingin. Bigla akong nag space out ng makita ko nanaman siya. "Yes?" Tanging nasabi ko. Inantay nya ba kong makalabas? "Can we talk?" Lumakad lang ako, di pinansin ang sinabi nya pero sinundan niya ako. Di ko na nga namalayang nasa parking lot na pala kami at nakasunod pa din to sa'ken. "Ice, please. What should I do to make it up to you?" Yun pa lang ata ang nagrehistro sa utak ko kung kanina pa pala niya ako kinakausap habang naglalakad kami. Tumigil ako saka siya hinarap. "Talk about what?" I asked emotionless. Ibabalik ko naman sa kanya kung paano niya akong kausapin dati. "I'm so sorry, Ice. I promise it won't happen again." Paghingi niya ng tawad na hindi man lang nabawasan ang kung anong bumabagabag sa'ken. "I'm sorry, Avry." Tinutukoy ko ang nagawang pagpapanggap. "Can we just forget everything? Like we didn't know each other?" Yun ang naisip ko, lalo at desidido na akong wag gawin ang challenge sa'ken ng tropa. Pakikiusapan ko na lang si Rafa na wag ang unit ko sa Makati. If gusto niya ang kotse ko na lang. "Just like that?" Kunot ang noo nitong may halong inis. Umurong nanaman ang dila ko at walang masabi. "Can't you just forgive me and give me a second chance?" "You want me to forgive you? What are you apologizing for? Anyway?" Alam niya bang hinalikan niya ko? "Why did you kiss me?" Matapang na tanong ko. Ano ngayon kung hindi niya maalala? Ipapaalala ko! Tama ang hinala ko, hindi niya magawang sumagot. She knew what she did but didn't know why she did it. "I'm sorry about that but I'm not sorry kissing you, Ice." Hindi yun ang sagot na hinahanap ko. Kailangan ko ng dahilan at nakakabaliw na wala siyang maibigay. Napabuntong hininga na lang akong bubuksan na sana ang pinto ng kotse ko ng humawak siya sa kamay ko. Nakikiusap ang mga mata nitong nagmatigas pa din ako. "Move." Titig na titig lang ang mga mata namin na tila nakakadarang. "I said move! Avry! Now!" Full of authorization.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD