ILANG araw ang nagdaan at hindi na nga kami muling nag-usap pa ni Avry. Kahit kapag nasa P.E class ay walang imikan unless kailangan.
Hindi na din napag-usapan ng tropa ang tungkol sa deal kaya wala pa ding final na desisyon para doon.
Tingin ko hindi yun magawang banggitin saken ng tropa dahil araw-araw mainit ang ulo ko. Lahat napagbubuntunan ko. Lahat ng magawan ako ng mali talagang ginigisa ko sa mantika.
NATAPOS ang lahat ng klase namin ng wala akong naging imik sa mga kaibigan ko. Hindi rin ako sumabay sa lunch kanina sa kanila.
Pasakay na'ko ng kotse ko para umuwi. "Ice!" Kilala ko ang boses na yun kaya tumigil ako.
"Sama ka samen.. Wala naman pasok bukas.." Si Rafa kasama ang dalawa ng makalapit sila sa'ken.
Naisip kong kailangan ko yun for distraction. Magsasalita na sana ako pero may nauna," Ice.." Napatingin kaming lahat sa kanya.
Akala ko ba malinaw na ang huling pag-uusap naming dalawa? Dahan itong lumapit. "I'm sorry, please." Sa nagsusumamo niyang boses. "Flowers?!" Bumalin ang mata ko sa iniaabot niya.
It's my favorite flower, tulip which represents forgiveness, making amends with a person who's important to you.
White tulips symbolize renewal, which makes them the perfect choice when used to repair a relationship with the chance of a better one.
Nakatingin lang ako roon,"tanggapin mo na," tulak ni Kera sa braso ko. Saka lang bumalik sa ulirat ang utak ko.
Marahan kong tinanggap ang isang tangkay ng kulay puting tulip na hawak ni Avry pero hindi ibig sabihin, okay na ako sa ginawa niya. Or okay na kami.
Ang kaninang lugmok na pagmumukha ni Avry ay napalitan ng ngiti.
"Sakto!" Naputol ang saglit na katahimikan dahil kay Kera. "Sumama ka na lang samen, Val." Aya niya dito sa taong nasa harapan ko pa din.
Siniko ko agad si Kera. Ano bang ginagawa ng babaeng ito? Alam naman niyang hindi na'ko sang-ayon na si Avry ang maging challenge ko.
"Sure!" Sagot naman ng huli na muling hinuli ang tingin ko. "If your Ice Queen will allow me," dagdag pa niya sa mababang tono.
"Tara na! Payag na yan si Ice. Pakipot lang yan." Talaga ba Rafa? Mentally, I facepalm. Tahimik lang naman si Xander.
"Convoy na lang tayo." Dugtong pa ni Rafa na hinila na sa kamay si Kera. Sumunod na din sa pag alis si Xander.
Naiwan kaming dalawa. "I didn't bring my car. Can I ride on you, instead?" May choice ba ako? Tumango na lang ako sabay lakad papunta ng driver's seat.
Kaya naman niya siguro pagbuksan ang sarili niya sa passenger's seat diba.
Tahimik kaming dalawa sa kotse. Wala din naman kasi akong balak magsimula ng conversation.
"Are you still mad at me?" Di ako umimik. May sense bang pag-usapan pa yun?
Naramdaman ko na lang sunod ang mainit niyang palad na sa hita ko pa talaga humawak. What the hell Avry?
"Can you not touch me there-"
"So, I can touch you here?" Putol niya saken kasabay ng paglipat ng kamay niya sa braso ko. "Don't touch me!" Pagtatama ko sa unang sinabi ko saka siya bumitaw na nag-angat ng kamay na tila sumusuko.
"Sorry na, please?!" Nanunuyo ba siya? Seryoso ba? Ganun ba kaimportante sa kanya ang kapatawaran ko?
"Please?" Mas pumilig pa ito sa gawi ko. Hindi niya ko tinigilan at naiinis ako sa sarili ko dahil tila lumalambot ako.
"Oo na! Sige na!" May yamot kong sagot. "Happy?"
"Yes, enough for me to be happy again." Ano bang pinagsasabi niya? At ano ba tong dibdib ko? Masyadong uto-uto.
Para tuloy may nagrambulan sa loob na hindi ko nagugustuhan. Ganito ka na ba karupok ngayon, Ice Queen?
Sorry lang ata niya ang tinanggap ko sa buong buhay ko maliban sa mga taong mahalaga sa'ken.
Ibig sabihin ba nun mahalaga na siya sa'ken?
Tumigil ka self!
Huminto ang sasakyan ni Rafa kaya huminto na din ako. Mabilis na bumaba si Avry at nagtaka pa ako, sinundan siya ng tingin hanggang nasa side ko na siya, pinag bubuksan ako ng pinto.
Ayoko ng mga ganitong simple gesture dahil isa yun sa mga kahinaan ng isang legendary Ice Queen.
Pinaunlakan ko na lang din dahil may choice ba ako? Wala naman diba? Yun lang yun...
Papasok na kami ng maramdaman ko ang kamay ni Avry sa bewang ko.
Fuck s**t! Kaya ko naman ang sarili ko ah? Ano bang ginagawa niya? Tinabig pa ako ni Kera," Ui! Ang sweet.." Bulong nito saka nag overtake. Napansin ko ang pagsiklop ng mga daliri nila ni Rafa.
Sila na ba? Hindi ko na sila minsan maintindihan kung anong klaseng relasyon na ba meron sila pero ano bang paki ko? Malalaki na sila. Alam na nila ang ginagawa nila.
Bahala sila!
Sunod ko naman nakita ang likod ni Xander. Ano nanaman problema ng taong ito? Parang something off nanaman sa kanya.
"I told you not to touch me," sabay ng pag alis ko sa kapit niya pero kumunot ang noo ko ng mas dumikit lang siya lalo sa akin at bumalik pa ang hawak sa bewang ko.
Oh my God! Avry! The nerve! Si Ice Queen ito baka nakakalimutan mo?!
Nakaupo na kami ngayon sa napili naming table. Nasa kaliwa ko si Avry habang sa kanan ko naman si Xander, kaharap namin ang dalawa. Si Rafa at Kera na nasa tapat ni Xander.
"Order na.." Sabi ni Kera ng magbigay ng menu ang waiter.
"Baby." Nagpantig ang tenga ko. Muntik na akong mapatayo. "What do you prefer?" Takang taka akong bumaling sa kanya.
Nasa menu ang atensyon nito.
What the hell, Avry?? Namumuo nanaman ang bagyo sa utak ko. Ilang araw na ngang humupa ito.
"Hmmm?" Sabay tingin nito sa akin kaya naman nagsalubong na ang mga mata namin.
"Pumili ka na lang kung anong gusto mo, Avry. Ako ng bahala ng oorderin ko." Sabi ko sa kanya.
"She likes, Pasta.." Sapat ang lakas ng boses ni Xander para mapatingin kami sa kanya.
"Ako ng bahala sa food mo, Ice. I know what you want." Sabi pa nito na may ngiti, nakatingin sa akin.
Dahil sobrang lapit ni Avry narinig ko ang pag-tss nito.