NAKALUBLOB na kami sa tubig ni Avry after namin sa locker room kanina. Umandar nanaman nga ang pagiging clingy niya. Kung siguro nagpaubaya ako baka nauwi na talaga dun(s*x). Ang matindi pa sa locker room? Paano na lang kung may pumasok? "Hey. Try to relax. I won't leave you. I promise!" Nagtaas pa ito ng isa niyang kamay na parang nanunumpa lang habang ang isa ay nasa bewang ko. Parang linta akong nakapulupot sa kanya. Takot na takot akong lumubog, lalo na't lagpas ulo ko ang lalim ng tubig. Dahil hindi pa din ako naimik, naging seryoso na ang mukha nitong tumuon ng husto sa'ken. "Love, you are shaking. I'm sorry," napalitan ng matinding pag-aalala ang mukha niya," let's go." Aya nito. Nakatingin lang ako sa kanya. I know she just want to make me happy and have moments togethe

