NATAGPI ang tingin ko kay Ms. Enriquez na nagdi-discussed. Sobrang ganda niya talaga, mula ulo hanggang paa, idagdag mo pa ang galing niya sa pagtuturo. Nakaka-starstruck, nakaka-amaze, ideal woman na maituturing. Napa-igtad ako ng bigla akong tawagin nito. Hindi naman dahil sa magiging tanong niya kasi alam ko sa sarili kong kaya kong sagutin yun. Na-overwhelmed lang akong makuha ang atensyon niya. Tumayo akong hindi maitago ang ngiti saking labi. "By the way, welcome sa class ko, Miss Samson. My pleasure to have you here," sinuklian niya ko ng nakakalaglag panga na ngiti. Para siyang nag-liliwanag sa ganda," We are already done with this lesson regarding self-concept, but I'm just curious-" Saglit siyang natigil, dahang humakbang palapit sa akin. Damn! Ang bango niya. Nakasun

