MAAGANG nagising kinabukasan si Nami upang pumasok sa kanyang trabaho. Ito na ang huling araw niya bilang sekretarya sa kanilang opisina ngunit hindi alam ng mga katrabaho niya ang totoong dahilang kung bakit mawawala siya sa kompanya.
Maituturing ang pamilya nila na nasa middle class dahil kahit papaano ay nabibili nila ang gusto nila, may sarili silang mga sasakyan na magkakapatid dahil na rin sa kanilang sariling pagsisikap, at idagdag pang dating OFW ang magulang nila na ngayon ay may sariling maliit na business na Master Dumplings. Pumatok kasi ang dumplings, at mga siomai na gïnawa ng mga ito mula sa iilang mga costumer na umo-order sa kanila ay nagkaroon na sila ng store.
Iniunat niya ang kanyang mga braso pataas para magising ang kanyang buong sistema. Inilibot niya ng tingin ang kanyang mata sa bawat sulok ng kanyang medyo kalakihang kuwarto. Napangiti siya nang makita ang mga nakadikit na larawan ng paborito niyang singer na si Taylor Swift sa kanyang kulay Aquamarine na pader. Makikita ring naka-display sa gitna malapit sa kanyang 40inches na TV ang mga collection niya ng mga memorabilya na nakalagay sa Minimalist Wall Shelves Vintage na binili pa niya sa Shopee.
Tingin niya ay mami-miss niya ang kanyang kuwarto ngunit nakapagdesisyon na siya na tanggapin ang alok ni Fabio sa kanya. Nakahanda na rin sa pulang maleta na may lamang iĺang mga importanteng gamit na kanyang dadalhin para bukas.
Agad na siyang naghubad ng kanyang suot na kulay blueng terno na pantulog upang pumunta sa kanyang banyo para maligo. Itinira lang niya ang suot na pulang panty.
Habang nasa loob ng banyo at naliligo ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Siguro dahil sa isiping malapit na siyang magkaasawa, at ang mapapangasawa pa niya ay ang lalaking lihim niyang hinahangaan.
PAGKAPUNTA ni Nami sa kanilang kusina ay naabutan niyang naghahanda ng almusal ang inang si Naomi.
Mukhang narinig ata ng kanyang ina ang yabag niya kaya lumingon ito upang batiin siya.
"Good morning anak! Mukhang wala kang tulog dahil nanlalalim ang mata mo. Mukhang excited ka atang pumunta ng Singapore para sa business trip ninyo ng boss mo,” masayang sabi sa kanya ni Naomi na ngayon ay tapos na maglagay ng tatlong plato sa lamesa.
“Good morning ma!” Bati niya sabay halik sa pisngi ng ina. “Wala po ba sina Kuya Sanji, at papa ngayon?”
“Oo anak, pumasok na ang Kuya Sanji mo. May inaasikaso sa opisina niya. Alam mo naman mga engineer, kailangan maging hands-on sa site. Ang papa mo naman e ayon busy sap ag-aasikaso ng business natin dahil maraming orders. Mamaya pupunta ako sa store pagkatapos nating kumain. Basta anak, kapag nasa Singapore ka na huwag mong kakalimutang tumawag sa akin ha? Naku kung hindi lang ako kinumbinsi ng Ate Robin mo hindi kita papayagan. Baka kasi umatake na naman ang sakit ng ulo mo,” nag-aalalang paalala ni Naomi habang sinisenyasan siyang umupo na at kumain.
Nakaramdam naman ng pagkabalisa si Nami dahil hindi niya sinabi ang totoo sa kanyang ina. Ngunit agad niyang iwinaksi ang nasa isip upang hindi mahalata ng kanyang ina ang sikreto niya.
“Ma, huwag ka na pong mag-alala pa dahil hindi na naman sumasakit ang ulo ko. Saka di ba po umiinom naman akong gamot na nireseta ng doctor sa akin, kaya ayos lang po ako. Matagal na rin po simula noong naaksidente ako, hanggang ngayon di ko pa rin po maunawaan kung bakit kami naaksidenteng pareho ni Noah sa tuwing iniisip ko e sumasakit po ang ulo ko,” sagot ni Nami sa kanyang ina.
Nakaramdam naman ng pagkakasala si Naomi dahil may mga pangyayari siyang hindi sinasabi sa kanyang anak. “Anak, sandali lang, at tatawagin ko lang ang Ate Robin mo sa kuwarto niya para makakain na tayo dahil papasok pa kayo sa trabaho,” umiiwas na sabi ni Naomi saka naglakad na papunta sa kuwarto ni Robin.
Agad namang nakaramdam ng kakaiba si Nami dahil tuwing nagtatanong siya tungkol sa dahilan kung bakit siya naaksidente ay laging umiiwas ang kanyang pamilya sa pagsagot. Ngunit nagtitiwala siya sa mga ito dahil pamilya niya ang mga ito, at walang dahilan para maglihim ang mga ito sa kanya. Simula kasi noong naaksidente siya dalawang taon na ang nakakalipas ay maraming mga tanong pa rin sa kanyang isip ang hindi pa nasasagot.
“Dok, okay na po ba ang anak namin? Ano po bang dahilan bakit po siya nagka-amnesia?” tanong ni Naomi sa doctor habang nakaalalay naman ang asawang si Darius.
Tulalang nakatitig lang si Nami habang nakatingin sa mga malulungkot na mukha ng kanyang magulang, at kapatid. Hindi na niya pinilit pang isipin kung ano ang nangyayari dahil tuwing susubukan niya iyon ay doble ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay may pumapalong matigas na bagay sa kanyang ulo tuwing pipilitin niyang isipin kung bakit siya nasa ospital. Ang huling alaalang mayroon siya ay noong dalawampu’t tatlong taong gulang siya, at nagdiriwang sila ng kanyang pamilya ng kanyang kaarawan kasama si Noah na kanyang best friend.
“Mrs. Padilla, maayos naman ang kalagayan ng inyong anak pero dahil sa traumang naranasan niya dahil sa aksidente ay nagkaroon siya ng dissociative amnesia. Hindi naman permanente ang amnesia niya, maaaring bumalik ang mga alaalang nawala sa kanya kapag nakita, o ipinaalala ninyo sa kanya ang mga pangyayaring nakalimutan niya. Sa ngayon ay kayo lang ang maaaring makatulong para maalala niyang muli ang mga iyon, bukas ay maaari na ho ninyo siyang iuwi sa bahay ninyo. Maiwan ko na ho muna kayo dahil pupunta pa ako sa ibang pasyente ko,” sabi ng doktor saka tumalikod na.
Nakaramdam agad siya ng gutom nang maamoy ang lugaw na dala ng kanyang ateng si Robin. Nahihiyang napatingin siya sa kapatid nang malakas na tumunog ang kanyang sikmura. Hindi mapigilang mapangiti ng mga kasama niya sa loob ng kuwarto.
“Mukhang nagutom ang kapatid ko. Paano ba naman para kang si Sleeping Beauty dahil isang linggo ka ring hindi nagising. Ito kumain ka na muna,” sabi ni Robin sa kanya sabay lagay sa ibabaw ng desk ng disposable cup na may lamang lugaw na inilabas pa niya mula sa paper bag na dala niya.
“Thanks, Ate Robin! Parang na-miss ko ang lugaw ng Unli-Den kaya mukhang mauubos ko ito,” sagot niya. “Kuya Sanji, wala ka bang pasok ngayon?”
“Wala bunso, siyempre para sa mahal naming kapatid hindi na muna kami pumasok para may kasama sina mama’t papa na magbantay sa iyo,” masayang sabi ng kanyang Kuya Sanji pagkatapos ay lumapit sa kanyang kama saka mahinang pinisil ang kanyang mukha.
Mabuti na lang ay nakabenda ang kanyang ulo dahil kung hindi buhok nito ang siguradong guguluhin ng kanyang kapatid. Ang kanyang Ate Robin naman ay nakaupo lang sa sofa habang masayang nakatingin sa kanila. Naglakad naman papunta sa kanya ang kanyang mama’t papa para umupo sa kanyang tabi.