CHAPTER 3

992 Words
KASALUKUYANG nasa maliit niyang cubicle sa hallway si Nami na nasa harap ng opisina ng boss niyang si Fabio, at unti-unti na siyang nagtatanggal ng ilang mga importanteng gamit para ilagay sa kahon, ang iba naman ay ipinamigay niya naman sa kanyang kaopisina na sina Chuck, at Cathy ang mga bolpen, sticky notes, paper clips, at iba pang mapapakinabangan ng mga ito. “Nami, sigurado ka na bang aalis ka na sa trabaho mo? Aba, bakit naman agad-agad? Hindi mo man lang sa amin sinabi ang planong iyan! Para saan pa’t naging kaibigan mo kami nitong si Chuck,” nagtatampong sabi sa kanya ni Cathy na nakatayo sa may b****a ng daanan ng kanyang cubicle katabi si Chuck. “Pasensiya naman Cathy, biglaan lang din kasi ito. Mabuti na nga lang nakahanap agad si Sir Fabio ng kapalit ko bukas,” hinging paumanhing sagot niya. Inilagay na niya ang maliit na notepad niya sa kanyang blue box. Mabuti na lang kakaunti lang ang gamit niya kaya walang problema sa kanya ang mabilisang pag-iimpake. "Nami, baka kapag wala ka na rito maging Leon na naman ang boss natin niyan. Pansin kasi namin simula noong nag-work ka rito e parang bumait kahit papaano," sagot naman ni Chuck. Lalaking-lalaki ito tingnan dahil sa mga suotan nitong damit na panlalaki ngunit may pusong babae naman. Patay na patay si Cathy sa kanya ngunit tuwing magpaparamdam ay kaibigan ay nandidiri ito. Guwapo, at makisig kasi itong tingnan kaya kahit sinong babae ay nahuhumaling kay Chuck ngunit kapag nakita na ang namimilantik nitong mga kamay ay biglang nagba-back out na. Si Cathy na lang talaga ang bukod tanging hindi pa rin nawawala ang pagkagusto kay Chuck. "Naku friend, bakit titig na titig ka na naman sa amin? May dumi ba kami sa mukha?" takang-tanong ni Cathy. "Wala!" sagot niya pagkatapos ay inabot ang pisngi ng kaibigang si Cathy saka kinurot. "Mami-miss ko lang talaga kayong dalawa. Naku next time gala-gala tayo, at mag-Samgyup sa may All for You sa may SM East," dagdag pa niyang sabi sa kaibigan saka umabrisiyete sa kanang braso nito na animo'y batang naglalambing. Kita niya ang tinginan nina Cathy, at Chuck na hindi pa rin naniniwala sa dahilan ng pag-alis niya. "Naku ikaw Nami kapag nalaman kong buntis ka tapos magpapakasal ka lang kaya bigla kang aalis e kukurutin talaga kita sa singit!" sabi ni Chuck pagkatapos ay inirapan siya. "Ikaw talaga Chuck napaka-advance mo talaga mag-isip. Grabe ka naman sa kaibigan natin," sagot naman ni Cathy saka kumalas sa pagkakapulupot ng mga kamay niya sa braso nito. "Ako na lang kaya buntisin mo kung gusto mo. Willing akong maging ina ng mga anak natin," dagdag niya pa sabay pulupot ng mga kamay niya sa kanang braso nito saka humilig sa dibdib nito. Hindi naman mapigilan ni Nami na mapangiti dahil sa sinabi ni Cathy. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil nalihis sa kanya ang usapan. "Naku, asa ka pa girl na papatulan kita. Hindi kita type!" tugon naman ni Chuck. Kitang-kita ang pandidiri nito sa isiping may mangyayari sa kanilang dalawa kung sakali. Bisexual si Chuck. Puwede sa lalaki, at puwede rin siya sa babae. Maganda naman si Cathy. May katamtamang taas na katulad niya na average height ng mga kababaihang Pilipino, may makurbang katawan, may mahaba, tuwid, at itim na buhok. Kahawig ni Bangs Garcia kaso ang kaibahan ay may pagkakalog nga lang. "Kasi naman bakit ayaw mo pa akong sagutin. Ako na nga 'tong naliligaw sa 'yo, Chuck! Nagpapa-hard to get ka pa,” dagdag pang sabi ni Cathy habang hinihimas-himas ang braso ni Chuck. Napapangiti na lang siya sa dalawa. Naging ka-close niya ang mga ito dahil noong umpisang nagtrabaho siya sa boss niyang si Fabio ay ito lang ang mga kumakausap, at lumalapit sa kanya. Sa isang daang nagta-trabaho sa kompanya nila ay animnapung porsyento ang mga babae at apatnapu naman ang mga lalaki. Lahat ay abala sa pagtatrabaho, at ang iba naman ay ang pagpapa-cute sa kanilang boss na si Fabio. Ang cubicle niya ang pinakamalapit sa opisina ng boss niya na yari sa matibay na glass wall ang mga pader kaya halos kita niya ang kabuoan ng loob nito ibabang parte lamang ng glass wall ang hindi kita dahil tinted ito. Sina Cathy, at Chuck lang ang unang magkaibigan sa kanila pero dahil sadyang mga palakaibigan ang mga ito ay napasama siya sa kanila. Halos wala atang minuto na hindi nagsisinghalan ang mga ito, at siya ang lagging tagapamagitan sa dalawa. Mami-miss niya ang dalawang ito. Hinihiling niya na sana e maging lalaki na si Chuck, at magkatuluyan na silang dalawa ni Cathy para matahimik na ang mundo nilang dalawa. Napabuntong-hininga na lang siya dahil hindi niya masabi sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit aalis na siya sa trabaho, at magiging asawa na niya ang si Fabio na kanilang boss. “Hey friend, ang lalim ng buntong-hininga mo ha? Talo pang may mabigat kang problemang nararamdaman diyan,” sabi naman ni Chuck habang matamang nakatingin sa kanya. “Naku ikaw talaga Chuck! Bumuntong-hininga lang feeling mo may problema na agad, ‘di ba puwedeng napagod lang si Nami mag-ayos ng mga gamit niya,” pagtatanggol naman sa kanya ni Cathy. “Tumigil na nga kayo diyan! Baka kung saan na naman umabot iyan. Next time gala tayo kapag okay na ako sa lilipatan ko. Basta keep in touch na lang sa Messenger,” awat niya kina Cathy, at Chuck. Nakatapos na rin siya magligpit ng mga gamit niya. Mabuti na lang din ay tapos na rin ang breaktime ng dalawa kaya bumalik na sila sa mga cubicle nila. Bukas na bukas ay sasama na siya kina Fabio para tumira sa bahay nito. Nakaramdam siya ng munting kaba sa kanyang dibdib nang isiping mag-aasawa na siya ng walang kahit sinong may alam pati ang pamilya niya. “Bahala na, siguro naman ay maiintindihan nila ang desisyon kong magpakasal sa boss ko para tulungan ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD